My heart wrenched in agony as I saw him breaking down in front of me...
Isa pa, ayokong may nakikitang umiiyak na lalaki lalo na sa harapan ko... pakiramdam ko kasi ay nasasaktan rin ako... na dala-dala ko rin ang sakit na mayroon sila.
Hindi ko alam ngunit agad ko siyang niyakap. Ipinatong ko rin ang ulo niya sa balikat ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang gantihan niya ang yakap ko ngunit mas mahigpit iyon. Dahilan para mas lalong lumakas ang paghikbi niya. I then comforted him with gentle pats on the back, urging him to stop crying.
"C-Czer... gabi-gabi binabangungot ako..." parang batang sumbong niya. Kahit hindi maintindihan ang sinasabi niya ay patuloy ko lamang siyang pinapatahan habang mahigpit pa ring nakayakap sa kaniya. Naramdaman ko namang mas idiniin niya ang pagkakasubsob ng mukha niya sa balikat ko at doon pinigilan ang paghikbi.
"Shh... tahan na Hazze... nandito ako, okay?"
Ilang minuto pa ang nakalipas nang maramdaman kong dahan-dahang lumuwag ang yakap niya sa 'kin pagkatapos ay sinalubong ang nag-aalala kong tingin. Napansin ko naman agad ang pamumula ng ilong niya sa sobrang pag-iyak.
Hahawakan kona sana siya sa braso ngunit agad itong umiwas.
"H-Hazze--"
"Stop that kindness," nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "You should not be concern about me..." aniya pa at mapait na ngumiti dahilan para mas lalo akong maguluhan.
"Ano ba 'yang sinasabi mo?" naiinis ko nang sabi.
Bakit ba hindi niya na lang sabihin sa 'kin ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya?
Mukhang napansin niya naman na hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari dahil sumeryoso na ang itsura nito. Ilang segundo pa ang nakalipas nang umayos siya ng tindig ngunit... nanatili paring magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa.
"I'm a bad person, Czerina..."
Hindi ko alam ngunit hindi ako nakaramdam ng takot nang marinig 'yon sa kaniya. Nang makitang walang emosyon ang lumabas sa mukha ko ay umiwas siya ng tingin.
"Yung sinabi ko kanina about sa insidente..." napalunok ako nang ibalik niya ang tingin sa 'kin. Nervous crept in as I feared of what he would say next.
"I was the suspect in that incident."
His words left me stunned. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
This can't be true...
Hindi na napigilan pa ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa mata ko. Bigla ring sumikip ang dibdib ko at parang may nakabara na kung ano sa lalamunan ko dahil sa nalaman.
Kahit nanlalabo ang paningin dahil sa luhang hindi na ngayon mahinto sa pagragasa ay malinaw na nakikita ko ngayon ang awa sa mukha niya. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya pagkatapos ay umiling-iling.
"You're joking right?" hindi makapaniwalang saad ko. "Kasi kung oo hindi magandang biro 'yan Hazze..."
Ngunit hindi nagbago ang expression ng mukha nito dahilan upang mas kabahan ako.
"Hazze--"
"I'm serious."
Napalunok ako nang marinig 'yon.
Muli akong umiling. "N-No... h-hindi mo magagawa sa 'kin 'yon Hazze..."
Hinawakan ko siya sa braso ngunit agad niya ring hinawi ang kamay ko ro'n. The pain hit me hard dahil lang sa simple niyang ginawa na 'yon.
"I really did, Czerina," pag-amin niya. "I was fuckin' mad and frustrated that time..." pagkasabi non ay napayuko siya. "Nilamon na 'ko ng galit when I saw your picture with my dad. And my mother told me--"
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 22
Start from the beginning
