Ibig sabihin kaya gano'n na lang ang naging reaksyon niya nang makita ang bago naming kaklase hindi dahil nagwa-gwapuhan siya rito kundi dahil pinsan niya pala 'yon! Mas lalo akong naguluhan.

Tumingin ako kay Rence.

"Kaya ba nang pumasok na si Riley hindi mo na siya pinansin pa?" tanong ko rito.

Hindi na ako nagulat nang tumango siya.

"I think one of her reason kung bakit matagal siyang hindi pumasok was because sa nalaman niya... na kuya niya pala ang sumugod at nanakit kay Hazze sa parking lot," bumuntong-hininga siya. "Pangalawang reason na siguro 'yung hindi niya alam kung paano akong haharapin matapos marinig ko ang pinag-usapan nila," mapakla siyang ngumiti ngunit nawala rin 'yon nang may biglang naalala. "Ang nakakapagtaka lang ay bakit iniligtas nung Cor si Hazze sa kamay ng kuya ni Riley."

Naguluhan naman ako nang maalala na siya nga pala ang nagligtas kay Hazze kaya hindi malala ang sinapit ng kaibigan namin.

Oo nga noh!

"Ang gulo naman!" nabaling ang tingin ko kay Ryke nang magsalita siya. Tumingin siya kay Finn na tahimik lang na nakikinig. "Ano Finn? Ang dami nating nalaman pero tahimik ka parin diyan," asar niya rito.

Siraulo talaga.

Nagulat naman ako nang biglang nag-seryoso ang itsura ni Ryke. Nakatingin na siya sa 'kin.

"Diba, Czer, may nabanggit ka nung umalis kayo ni Riley?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Umalis?

Napansin niya naman ang nagtataka kong tingin.

"Nung sinabi mo na nahuli mo siyang may kausap pero hindi mo nakita yung mukha ng lalaki," paalala niya.

Napa-oh naman ako nang maalala 'yon. Muli kong inalala ang pangyayari na 'yon. Kung saan sinabi sa 'kin ni Riley na kakilala niya sa London ang lalaking nahuli kong kausap niya.

"Hindi kaya kuya niya 'yon?"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

Imposible 'yon...

Dahil kung siya nga... may posibilidad na siya ang nagligtas sa 'kin nung araw na nanakawan ako.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang malaman ko ang tungkol kay Riley. Totoo nga ang sinabi sa 'kin ni Ryke... nag-transfer na talaga siya sa ibang school. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil kahit papaano ay naging malapit na magkaibigan kami ni Riley. Ang tagal rin bago ulit ako nagkaroon ng kaibigang babae--dahil nga sa sinapit ko sa naging kaibigan ko no'ng nasa elementarya pa lamang ako. At isa pa... pakiramdam ko talaga ay wala siyang alam sa mga nangyayari. Dahil katulad lang rin namin--biktima lang rin siya.

Balak ko sanang kausapin ang pinsan niya--na naging ka-close ko rin naman kahit papaano.

Konti lang naman.

Dahil sa nalaman ko ay mas lalong naging misteryoso ang tingin ko sa lalaki. Iyon nga lang... no'ng araw rin na 'yon ko siya huling nakita kung saan nakita namin siyang kasama ang kuya ni Riley. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi na rin ito pumasok pa.

"Czer, okay ka lang?" tanong ng katabi ko. Tinapunan ko naman ito ng tingin. Simula nang hindi na pumasok pa ang seatmate ko ay nagsabi siya sa akin na kung p'wede ay siya muna ang pumalit. Hinayaan ko na lamang ito.

"Y-Yeah," pilit akong ngumiti.

Mukhang hindi naman siya kumbinsido. Bumuntong-hininga siya.

"Kahit ako hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari," tumingin ako sa kaniya nang marinig 'yon. "Grabe noh, sa loob ng dalawang buwan ang dami nang nangyari," buntong-hininga niya pa.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now