Napa-isip naman ako.

The best moment that happened in my life? Ano nga ba?

Tumingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit seryoso ang itsura nito habang hinihintay ang sagot ko. Hindi na ata nawala sa mukha niya ang pagiging seryoso!

Napalunok pa muna ako saglit bago sumagot.

"Siguro no'ng birthday ko last year," naramdaman kong tumingin siya sa akin. Hindi ko ito pinansin at inalala na lamang ang araw na iyon. "Kumpleto kami non dahil kasama namin si Daddy," napangiti ako nang maalala 'yon. "Also, my friends were there to celebrate my birthday," nakangiting sabi ko pa ngunit bahagyang ring napawi 'yon nang may maalala. Napailing na lamang ako at bumuntong-hininga pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Wala pa non si Hazze kasi nito lang namin siya naging kaibigan."

Nakita ko naman siyang tumango-tango.

"Ikaw? What is the best moment that happened in your life?"

Mukhang nagulat naman siya sa pagbalik ko ng tanong sa kaniya.

Sinamaan ko ito ng tingin nang hindi ito sumagot.

"Sinagot ko yung tanong mo tapos ay hindi mo sasagutin ang tanong ko!" angil ko ngunit hindi niya na talaga ako pinansin pa.

Napa-isip naman ako.

"Sige, baliktarin na lang natin yung tanong..."

I noticed him creasing his forehead in my peripheral vision.

"What's the worst memories you've ever had?" pagkasabi non ay tumingin ako sa kaniya. Nakita kong mas lalong nangunot ang noo niya. Napalunok naman ako ngunit hindi pinansin ang reaksyon niya. "I-I mean if you could go back in time to change that one moment in your past... what would it be?"

Nagulat ako nang agad itong sumagot. Hindi inaasahan.

"When my mom left me..." pagkasabi non ay agad siyang umiwas ng tingin.

Oh no! I shouldn't asked hi--

"She passed away," ibinalik niya rin ang tingin sa 'kin. "And if I have given a chance to go back..."

Tumingin ako sa kaniya. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Nakatingin lamang siya sa akin habang pilit na ngumiti.

"I shouldn't have wished that."

Nangunot ang noo ko nang hindi naintindihan ang sinabi niya.

Nakatitig ako sa puzzle na pina-frame ko at dinisplay sa dingding ng kuwarto ko nang maalala muli ang nangyari kahapon.

Yes. He really did what he actually said. Hinatid niya ako kahapon pero isa ang ipinagtataka ko.

Paano niya nalaman ang address ng bahay namin kahit hindi ko naman nasabi sa kaniya kahapon?

Napasimangot ako.

Ba't kasi ang lutang mo Czer! Bakit kung kailan naihatid kana ay saka mo lang napansin!

Siguro ay lumilipad nga ang isip ko kahapon dahil hindi na nawala pa sa isipan ko ang lungkot sa mga mata niya nang sagutin niya ang tanong ko.

Isa pa 'yan! I shouldn't have asked him that question!

Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko rin dapat sinisisi ang sarili ko dahil hindi ko naman alam na may mabigat pala siyang pinagdadaanan.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang umilaw ang phone ko na nakalagay sa may gilid ko. Agad ko naman itong kinuha.

1 new message.

Sino naman ang mag-memessage sa 'kin ng ganitong oras?

Agad ko naman itong binuksan. Bahagya pa akong nagulat nang makita kung kanino ito galing.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang