Itinapat ko ang mukha sa bintana at binuksan ito. Nahihiya naman akong tumingin sa gawi niya nang mabuksan na ito. Hinihintay na magreklamo siya ngunit wala akong narinig na reklamo mula sa kaniya—kahit tapunan manlang ako ng tingin ay hindi niya ginawa... kahit na naramdaman niyang binuksan ko ang bintana ng kotse niya.
Umayos ako ng upo at muling humarap sa bintana. Napapikit naman ako habang nilalasap ang sariwang hangin na kasalukuyang humahaplos sa balat ko.
Halos kalahating oras pa ang lumipas nang ihinto niya ang sasakyan. Inilibot ko naman ang tingin ko kung saan kami huminto.
Sa isang restaurant.
Bigla namang kumalam ang tiyan ko sa gutom. Nahihiya akong tumingin sa kaniya sa pag-aakalang narinig nito ang pagkalam ng tiyan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mukhang hindi niya naman narinig.
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang lumabas ng sasakyan. Inalis na nito ang lock ng pintuan dahilan upang dali-dali rin akong bumaba. Nang makalabas ay nasalubong ko naman ang naniningkit niyang mga mata sa akin... nagtaka naman ako ngunit napagtanto rin na balak niya pala sanang pagbuksan ako ng pintuan ng kotse pero dahil naunahan kona siya ay hindi ito natuloy.
"Bakit--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla na lamang niya akong tinalikuran at nanguna nang maglakad.
Bastos 'to ah!
Nakasimangot naman akong sumunod sa kaniya. Ba't ba hinahayaan ko ang lalaking ito na dalhin ako sa kung saan? Hindi naman kami close--Ah! Mambuburaot muna ako ngayon pagkatapos ay lalayasan ko na siya hehe. Sayang, libre na 'to oh!
Nang makapasok kami sa restaurant ay nakasunod lamang ako sa kaniya. Hanggang sa huminto siya sa may dalawahang bakanteng upuan. Bahagya naman akong nagulat nang hilain nito ang isang upuan malapit sa akin. Napapalunok akong tumingin sa kaniya. Hindi alam ang gagawin.
Dahan-dahang bumaba ang tingin nito sa akin dahilan para magtagpo ang mga mata namin. Agad namang nangunot ang noo niya nang makitang hindi pa rin ako umuupo.
Napalunok ako nang mapansin ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kaya naman natutulirong umupo na ako sa upuang hinila niya. Nang makaupo ay pumunta siya sa kabila at doon umupo. Bale magkaharap na kami ngayon.
Hinayaan niya akong mamili ng kakainin sa menu. Nang maihain na ng crew ang pagkain namin ay tahimik lamang kaming kumain. Habang kumakain ay pasimple akong tumitingin sa kaniya. Seryoso lamang itong naka-focus sa kinakain. Nagkaroon naman ako ng tyansang matitigan ang mukha niya.
Matangos na ilong, saktong singkit na mga mata... manipis at mapupulang labi.
Grabe rin sa kinis ang mukha niya. Hindi siguro 'to tinutubuan ng pimples. Mukhang yung pimples pa yung mahihiyang tumubo eh. Nabaling naman ang tingin ko sa pisngi niya.
"Chubby cheeks," hindi ko namalayan na nasabi kona pala 'yon!
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin.
Patay, mukhang narinig niya!
"Focus on your food," napalunok ako nang marinig ang malalim nitong boses.
Nahihiya naman akong yumuko at pinagpatuloy ang pagkain. Bakit ba palagi na lang akong napapahiya sa harap ng lalaking ito?
Nang matapos na kami ay hinintay ko pa muna siyang makapagbayad ng kinain namin. Nakabalik na rin kami sa sasakyan nang magsalita ito.
"Is it okay if I drive you home like around 5pm?"
I shot him a puzzled look when I heard what he said. Ihahatid niya ako pauwi?
"Ihahatid mo 'ko pauwi?"
Nangunot ang noo nito na tila hindi nagustuhan ang pagtanong ko. "You think I'll let you go home... only by yourself?" he asked.
Nagulat naman ako.
"I'll take you home before 5pm," maya-maya'y desisyon niya. Hindi na hiningi pa ang opinyon ko at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang ang naging byahe namin. Habang nasa byahe ay gumugulo sa isipan ko kung saan niya na naman ako dadalhin. Siguro ay hahayaan ko na lamang ang lalaki na dalhin ako sa kung saan tutal iniligtas naman nito ang kaibigan ko.
Oo, Czer. Tiisin mo na lang na h'wag siyang sungitan!
Agad namang naputol ang pag-iisip ko nang biglang ihinto niya ang kotse.
Napatingin naman ako sa pinaghintuan namin. Hindi ko pa nalilibot ang tingin ko nang bigla niyang buksan ang pintuan sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakalabas na pala siya.
Napalunok pa muna ako bago lumabas ng kotseng iyon. Nang makalabas ay dahan-dahan kong inilibot ang tingin sa lugar.
Wala namang espesyal na kung ano roon bukod sa isang malaking puno. May mahaba ring puting upuan sa ilalim nito na nakasilong sa may puno. Bahagya akong napahawak sa braso ko nang maramdaman ang malamig na hanging dumapo sa balat ko.
Anong gagawin namin dito?
Inilibot ko pa ang tingin sa lugar nang mapagtantong nasa isang garden kami. Walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, maaliwalas rin ang simoy ng hangin.
Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay nakaupo na ito sa mahabang upuan na nasa ilalim ng puno habang nakapang-dekwatro. Bahagya pang magkakrus ang dalawang braso nito habang nakatingin sa malayo.
"Stop staring at me..."
Nagulat naman ako nang magsalita siya.
"Sit here..." his voice husky. Our eyes met when he turned his gaze back at me.
"Beside me."
BẠN ĐANG ĐỌC
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
Lãng mạnFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 17
Bắt đầu từ đầu
