"Saan mo 'ko dadalhin ha?!" sigaw ko. Agad akong napayakap sa sarili nang may napagtanto.
May gagawin ba siyang masama sa 'kin? No! No! No!
"D-Don't tell me..." nanginginig kong sabi at tumingin sa pintuan ng kotse. Bubuksan ko sana ito nang mapagtantong naka-lock na ito. Masama kong ibinaling muli ang tingin sa kaniya.
"Paalisin mo 'ko rito!" humarap ako sa may bintana at pinaghahampas ito. "Tulungan niyo 'ko! Please! Help me!" sigaw ko. Ilang beses pa akong nagsisigaw roon ngunit agad ring bumuntong-hininga nang mapagtanto na walang makakarinig sa akin bukod sa kasama ko ngayon.
"Are you done?" maya-maya'y rinig kong tanong niya, tila naiinip na. Dahilan para lalo akong mainis at tapunan siya ng masamang tingin.
"Ano ba kasi ang gagawin mo sa 'kin? Bakit dinala mo pa 'ko rito sa sasakyan mo ha?!" dinuro ko siya. "Hindi kita type okay! Wala akong gusto sa 'yo! Saka ang daming mga babaeng nagpapapansin sa 'yo at hindi ako kasama roon—kaya p'wede ba pababain mo na 'ko rito dahil natatakot ako!" inilibot ko ang tingin sa sasakyan niya. "B-Baka may gawin ka pa sa 'kin dito—"
Naputol ang sinasabi ko nang bigla nitong hapitin ang bewang ko. Dahilan para mawala ang espasyo sa pagitan namin. Agad naman akong napalunok nang ma-realized kung gaano kalapit ang mukha niya ngayon sa mukha ko.
"Will you please shut your..." agad akong kinabahan nang bumaba ang tingin nito sa labi ko na bahagyang nakaawang. "Mouth," pagkasabi non ay ibinalik niya rin kaagad ang tingin sa mata ko.
Napalunok naman ako at agad na iniwas ang tingin sa kaniya.
"P-Puwede mo na akong b-bitawan." mariin akong napapikit nang pumiyok ako.
Wala pang tatlong segundo ay binitawan na niya ang bewang ko. Dahilan para makahinga ako ng maluwag. Inilihis ko rin ang tingin sa kaniya.
Whoah! Grabe naman 'tong lalaki na 'to! Kailangan niya ba talagang hapitin pa ako sa bewang para sabihing manahimik ako?!
Nang mapagtanto na mukhang wala naman siyang gagawing masama sa akin ay muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatitig na pala ito sa akin. Tila pinag-aaralan ang iba't ibang parte ng mukha ko dahil halos hindi na siya kumukurap.
"S-Saan mo ba kasi ako dadalhin?"
Nakita ko kung paanong nalukot ang mukha nito nang ma-istorbo ko siya sa pagtitig sa mukha ko.
"Ayaw mo pa umuwi diba?"
I gave him a puzzled look.
"Nakinig ka sa usapan namin kanina?" naniningkit na mga matang tanong ko.
Hindi niya naman pinansin ang tanong ko at inumpisahan na nitong paandarin ang sasakyan.
Tsk!
Hindi na ako muling nagsalita pa sa takot na maingayan na naman siya at muling gawin ang ginawa kanina.
Napapikit naman ako nang maalala ulit 'yon. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Bakit pakiramdam ko ay hindi iyon ang unang beses na natitigan ko ang mga mata niya? Nang gano'n kalapit?
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. Halos kalahating oras na siyang nagmamaneho. Napabuntong-hininga naman ako at sinilip siya. Seryoso lamang itong nakatutok sa pag-dadrive. Hindi na rin siya nagsalita pa simula nang paandarin niya na ang sasakyan.
Bakit ba nagtitiwala ako sa taong 'to?
Pinaningkitan ko ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi naman siguro siya masamang tao diba?
Napa-oh naman ako nang may biglang maalala... Siya nga pala ang nagligtas kay Hazze!
Napabuntong-hininga na lamang ako at iniwas na ang tingin sa kaniya bago niya pa mahuling tinititigan ko siya. Baka kung ano pa ang isipin niya!
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 17
Start from the beginning
