"Kasalanan ko kung bakit pati kayo hindi na pinapansin ni Hazze..." naiiyak kong sabi.

Napabuntong-hininga naman si Ryke.

"Hindi totoo 'yan," napatingin ako kay Finn nang magsalita ito. "Hindi mo kasalanan Czer," aniya pa pagkatapos ay lumapit sa 'kin.

"Hindi mo rin naman alam kung bakit ka niya hindi pinapansin diba?" tanong niya pa sa mukha ko. Tumango naman ako.

"Saka napansin ko na hindi na siya si Hazze nung nangyari sa kaniya yung..." napatingin ako kay Rence nang magsalita ito. Umiling-iling ito na tila hindi kayang ituloy ang sasabihin.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo Czer," seryoso niyang sabi. Napabuntong-hininga naman ako.

Tumango ako habang pilit na pinipigilan ang namumuong emosyon at pilit na ngumiti sa kanila.

Tama sila, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko.

"Czer, sure ka bang hindi ka pa uuwi?" nag-aalalang tanong ni Rence. Kakalabas lang namin galing sa school.

Nakangiti naman akong tumango.

"Oo nga paulit-ulit ka naman," bumuntong-hininga ako. "Parang ayoko pang umuwi eh. Tatambay nalang siguro ako sa coffee shop," sabi ko sabay turo sa coffee shop na hindi gaanong kalayuan sa school namin.

"Ayaw mo bang samahan ka namin?"

Napatingin ako kay Ryke nang magsalita ito.

Agad akong umiling.

"Sure ka?"

Inis akong napakamot sa ulo.

"Dinaig niyo pa si Daddy. Hindi ko kailangan ng kasama, okay?" itinaboy ko sila. "Sige na, sige na, umuwi na kayo—"

"Czerina," pagputol ni Finn sa sinasabi ko. Nagtaka naman ako dahil seryoso na ang mukha nito.

"Hindi pa natin nalalaman kung sino ang sumaksak kay Hazze," he sighed. "Hindi pa ligtas ngayon," aniya pa.

Napabusangot naman ako nang dahil do'n pagkatapos ay napayuko.

Maya-maya pa ay narinig ko ulit siyang bumuntong-hininga.

"Basta umuwi ka rin kaagad."

Napaangat naman ako ng tingin nang sabihin niya 'yon. Agad akong tumango habang nakangiti.

Nang makaalis na sila ay napabuntong-hininga ako. Tinatamad pa talaga akong umuwi!

Kung uuwi ako ay magkukulong lamang ako sa kuwarto ko. Kaya lilibangin ko muna ang sarili ko dito sa labas. Gusto ko muna pati makalanghap ng sariwang hangin.

Maglalakad na sana ako patungo sa sasakyan ko nang biglang may kung sinong nagtakip ng bibig ko. Nanlaban naman ako at pilit na inalis ang malaking kamay nito ngunit masyado itong malakas. Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin.

Wala naman itong kahirap-hirap na isinakay ako sa isang pamilyar na sasakyan.

Wait—

Nang magwagi itong isakay ako sa passenger seat ay dali-dali siyang sumakay sa kabila. Dahilan para makita kona ang mukha ng walang-hiyang ito.

"Anong trip 'to?" inis kong tanong.

Wala naman itong emosyong tumingin sa akin.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko sa halip ay tumingin ito sa harapan. Paaandarin na niya sana ang sasakyan nang kunin ko ang kamay niya na kasalukuyang nakahawak na sa manibela.

Napatingin naman siya sa kamay kong nakahawak na ngayon sa kamay niya. Agad ko namang binawi ang kamay ko dahilan para ibaling niya ang tingin sa akin. Tinapunan ko ito ng masamang tingin.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now