"Okay naman ang temperature mo," Nurse said. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Ano bang nararamdaman mo, iha?" tanong pa nito sa 'kin.

Ano ba sasabihin ko? Napa-isip naman ako. Eh kung sabihin ko kayang okay na ang pakiramdam ko--Pero ayoko nang bumalik sa classroom!

Naisipan kong magdahilan na lang.

"Masakit po kasi yung ulo ko saka parang umiikot po ang paningin ko," umakto pa akong nakahawak sa ulo upang maniwala ang nurse.

"Kaya mo bang bumalik sa room niyo?" nag-aalalang tanong nito. Umiling naman ako.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Osige, magpahinga kana lamang rito."

Ayun nga ang nangyari. Hindi na ako nakapasok pa sa isang klase dahil pinanindigan ko na ang sakit-sakitan ko.

Kaya nang mag-uwian ay alalang-alala sa akin ang tatlo.

"Dapat kasi hindi kana pumasok," bulyaw sa 'kin ni Ryke.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang parking lot. Para siyang kuya ngayon na pinapagalitan ang nakababata niyang kapatid.

"Oo nga, bat kasi pumasok ka pa, hindi pala okay pakiramdam mo," bulyaw naman ni Rence sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.

OA naman nitong mga 'to! Nang makita ang masama kong tingin ay bahagya ako nitong itinuro. "Ryke, oh, tumitingin pa ng masama!" parang batang sumbong niya.

"Seryoso ako," ani Ryke. Nang tignan ko ito ay seryoso na nga talaga ang itsura niya. Napakamot naman ako sa ulo.

"Fine! Fine! Hindi na mauulit okay?!" tumingin ako sa nilalakaran. "Ang OA ng mga 'to," bulong ko pa.

"May sinasabi ka?" nagulat pa 'ko nang magsalita muli si Ryke.

Pilit naman akong ngumiti at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hehe, wala."

He sighed. "Nag-aalala lang kami sa 'yo Czer," aniya. Napatingin ako sa gawi ni Finn. Nakikinig lamang ito sa amin ni Ryke. Napayuko naman ako at napakamot sa ulo.

Bigla kong iniharang ang dalawa kong kamay sa kanila nang biglang may maalala. Nagtaka naman ang mga mukha nila.

"Ah... S-Si Hazze... hindi niyo na ba siya nakausap p-pa?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin ako kay Ryke. Umiling-iling itong nakayuko. Napabuntong-hininga ako dahil do'n. Sunod naman akong tumingin kay Finn. Umiling rin ito.

I looked at Rence "Eh ikaw, Rence?"

Umiling rin siya. "Hindi rin eh, hindi ko nga alam—" I abruptly cut him off.

"Hindi si Hazze ang tinutukoy ko."

He gave me a puzzled look.

"Si Riley ang tinutukoy ko," I cleared my throat. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi na siya pumasok pa?"

Nagulat naman siya sa tanong ko. Maya-maya'y umiling ito at mapait na ngumiti.

"Hindi eh," napakamot siya sa ulo. "Hindi na siya sumasagot sa mga text at tawag ko," parang nalulungkot niyang saad.

Bumuntong-hininga naman ako. "Bakit ba nangyayari 'to?" inis kong bulong.

Malungkot akong tumingin sa kanila. "S-Sorry kung pati kayo nadadamay..."

Agad namang nangunot ang noo nila.

"Czer..."

Lumapit si Ryke sa 'kin pero umiling-iling lamang ako.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon