"Sorry, hindi ako nakapag-message na pupunta dito," napakamot siya sa ulo.
Umiling ako. "Ayos lang," ngiti ko. Yumuko ako at kinutkot na lamang ang daliri. Agad ko ring iniangat ang tingin sa kaniya at nagsalita. "So... bakit ka nga pala naparito?"
Hindi na ako nagulat nang magsalita ito.
"About sa inyo ni Hazze," he said. Dahilan para umiwas ako ng tingin.
I heard him sighed.
"Napansin namin ni Rence na hindi ka niya pinapansin noong nasa hospital pa lang," tumingin ako sa kaniya nang dahil do'n. "Kahit si Finn, alam na rin. Pero nito niya lang napansin." sambit pa nito. I remained silent.
"Sinubukan naming kausapin siya para tanungin..." gulat akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. "Pero wala eh, hindi niya sinabi sa 'min... h'wag na raw kaming mangielam," hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis nang marinig 'yon.
Hinintay ko pa siyang magsalita muli ngunit hindi na ito nasundan pa.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan," taka naman siyang tumingin sa akin nang marinig 'yon.
"What do you mean?"
Nagkibit-balikat ako. "Bigla niya nalang akong hindi pinansin," tumingin ako sa mga mata niya. "Ryke... sinubukan ko siyang kausapin para tanungin kung ano ang problema... pero ayaw niya talaga ako pansinin," mapakla akong ngumiti. "Ni-lingunin manlang wala."
Nagtaka naman siya.
"Pero... hindi ba nag-usap kayo? Tinawag ka pa nga niya." umiling ako.
He sighed.
"Akala namin ay nagkaayos na kayo non." I heard him uttered.
Napa-isip naman ako. Simula noong nadala sa hospital si Hazze ay wala akong narinig tungkol sa nangyari. Basta ang alam ko lamang ay nasaksak ito.
"Ryke," tumingin ito nang tawagin ko. Hindi ko alam ngunit biglang bumigat ang dibdib ko. "Y-Yung about sa nangyari kay Hazze... diba nando'n kayo?"
Nagtaka naman ang mukha niya. I sighed. "Nung nangyari 'yon sa kaniya... diba nando'n kay--"
"Wala."
Gulat naman akong napatingin sa kaniya.
"Hindi ba sabay-sabay kayong pumunta ng parking lot? Nauna lang kami ni Riley dahil tinawag kayo non ng coach niyo," sabi ko pa ngunit umiling ito.
"Nauna siya non umalis, nagpaalam siya kay coach," napa-isip naman siya, tila inaalala ang nangyari. "Pero hindi niya nasabi kung bakit kinakailangan niya nang umalis non that time, ewan ko eh, basta nauna na siya non," yumuko siya. Nang iangat niya ang tingin sa akin ay nakita kong naging emosyonal siya bigla. "Kaya nga nung nalaman namin na may biglang sumugod sa kaniya sa parking lot... sinisi ko ang sarili ko. S-Sana nasamahan nalang namin siya non." umiling siya. "Hindi sana nangyari 'yon sa kaniya," pagkasabi non ay inis niyang tinakpan ang mukha niya.
Katahimikan ang namutawi sa amin. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang siya naman ay nakayuko pa rin habang takip-takip ang mukha.
Hinagod ko naman ang likuran niya nang makitang umuuga na ito. "Ryke, hindi niyo kasalanan, okay?" bulong ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin. Nakita kong may bahid na ng luha ang mga mata niya. "Walang may gusto nang nangyari." sabi ko pa.
Umiling-iling siya. "I can't help it, Czer," bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumingin sa akin. "Buti na lamang may nagligtas non sa kaniya... paano kung wala?" muli siyang umiling. "Baka hindi ko na mapatawad pa ang sarili ko kung sakaling may mangyari na talagang masama sa kaniy--"
"Nagligtas?" taka kong tanong. Ngayon ko lang nalaman na may nagligtas pala kay Hazze. Sino 'yun?
Tumango siya. "Oo, may nagligtas sa kaniya--iyon rin ang dahilan kung bakit hindi malalim ang sugat na tinamo ni Hazze... dahil bigla raw hinila ng lalaki ang braso ng sasaksak sana kay Hazze." he sighed. "Yun lang nasaksak pa rin si Hazze," aniya pa.
Tatanungin kona sana siya kung sino ito nang biglang bumukas ang pintuan. Agad namang tumayo si Ryke nang makita si Mommy.
"Oh, Ryke, nandito ka pala," gulat na sabi ni Mommy nang makita ito.
Nahihiya namang ngumiti si Ryke. "Ah, opo tita, hehe..."
Tumingin naman si Mommy sa 'kin ngunit agad ring ibinalik ang tingin kay Ryke.
"Nagmeryenda kana ba? Ipaghahanda ko si Manang--" agad namang umiling si Ryke.
"Hindi na po Tita, ayos lang po, uuwi na rin po ako."
Taka namang tumingin si Mommy. "Sigurado ka?"
Tumango ang lalaki. "Opo, may... m-may pinag-usapan lang po kami saglit ni Czerina," tumingin siya sa 'kin. "Ah, Czer, alis na 'ko."
"Sigurado ka? Okay lang naman kung mag stay ka muna saglit—"
"Hindi na, okay lang," tumingin siya kay Mommy. "Una na po ako, tita."
Tumango si Mommy. "Sige, mag-iingat ka."
Nang makapagpaalam na ito ay hinatid ko siya hanggang sa gate ng bahay namin.
"Dala mo sasakyan mo?" tanong ko nang makalabas na kami.
Tumango naman ito at itinuro ang kotseng naka-park na ilang dipa lamang ang layo sa bahay namin. Nang makalapit ito roon ay sasakay na sana siya nang may maalala ako.
"Ah, Ryke, wait," pigil ko sa kaniya. Taka naman itong lumingon sa akin.
"Bakit?"
"Yung nagligtas kay Hazze... s-sino?" nanginginig kong tanong.
Nangunot naman ang noo nito, ngunit maya-maya pa ay parang may naalala. "Ah, iyon ba," napakamot naman siya sa ulo. "Hindi ko nga pala nasabi sa 'yo dahil biglang dumating si tita kanina," hinintay ko ang sasabihin niya ngunit agad ring nagulat nang marinig ang sumunod nitong sinabi.
"Yung katabi mo sa room na bago nating classmate bukod kay Riley..."
Agad nanlaki ang mga mata ko.
"Siya ang nagligtas kay Hazze."
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 15
Start from the beginning
