Magsasalita na sana ako nang makitang nag-angat ito ng tingin sa akin. Dahilan para itikom ko ang bibig ko at ibaling sa bintana kung saan makikita ang mga sasakyang dumaraan.
"Sorry."
Naibaling ko sa kaniya ang tingin ko nang magsalita ito. Sinalubong niya naman ang tingin ko. Puno ng sinseridad ang mga mata niya.
Hindi ako nagsalita. Sapagkat gusto ko nang malaman ang dahilan niya. Gusto kong sabihin niya sa akin kung bakit gano'n na lamang katagal niya akong hindi pinansin at parang multo nalang sa paningin niya. Gusto kong malaman kung ano ang gumugulo sa isipan niya.
"I... I don't know what to do," nagtaka naman ako sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin. "Maraming gumugulo sa isipan ko ngayon." aniya pa. Narinig kong bumuntong-hininga ito.
Hindi pa rin ako nagsalita. Wala rin naman akong sasabihin. Ano ang sasabihin ko? Tatanungin ko kung ano ang problema niya sa 'kin?
Naisip kong hayaan na lamang siyang magsalita at magpaliwanag sa harapan ko. Hindi ibig sabihin na pumayag akong makausap siya ngayon ay hindi na masama ang loob ko. Sa loob ng halos mag-iisang taon ng pagkakaibigan namin ni Hazze ay ngayon lamang ito nangyari. Dahil sa tuwing nagtatampo ako sa kanila o isa man sa aming apat ay siya pa ang unang lumalapit samin. Isa siya sa gumagawa ng paraan para magkaayos at malinawan ang bawat-isa. Ayaw niyang may samaan ng loob na namumuo sa aming magkakaibigan... pero ano ito ngayon?
"Czer... magsalita ka naman please..." maya-maya'y rinig kong pakiusap niya. He sound frustrated.
Kahit masama ang loob ay tumingin ako sa kaniya. Kung makikita ko lamang ang sarili ko sa salamin tiyak na makikita ko ang sarili kong daig pa ang yelo sa sobrang lamig ng mga tingin ko. Gusto kong ipakita sa kaniya na nasaktan ako sa ginawa niya.
"Anong gusto mong sabihin ko?" pilosopong tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya.
Ilang segundo ang nakalipas bago ito nakasagot.
"Just... J-Just tell me kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon," umiling siya. "H'wag lang yung ganyan na tahimik ka," napalunok ito.
Mapakla akong ngumiti bago nagsalita. "What happened to you after the incident that happened..." umiwas ako ng tingin at bumaling sa bintana para pigilan ang mga luhang gustong magbadya. "Bakit bigla ka nalang hindi namansin?" sinalubong ko ang tingin niya. "M-May nangyari ba na hindi ko alam?"
Nagulat naman siya nang makitang may tumulo ng luha sa kanang pisngi ko. Inis ko itong pinunasan.
Ano ba Czerina, napakaliit na bagay lang iniiyakan mo!
Ilang segundo pa ang nakalipas ngunit hindi na ito nagsalita pa. Kaya naman tumayo na ako.
"C-Czer," gulat niyang sabi. Halata ang kaba sa boses niya. Ayan, tama yan! Damhin mo ang pagiging malamig ko sa iyo!
Hindi ko siya pinansin, kinuha ko ang bag ko sa katabing upuan at tumingin ng deretso sa kaniya. "Kung wala kanang sasabihin aalis nalang ako," mapait kong sabi. Mas lalo akong nainis nang umiwas ito ng tingin. "What? May sasabihin ka pa ba?"
Ilang segundo kong hinintay na sumagot siya. Nang wala akong narinig mula sa kaniya ay mariin akong napapikit. Nakita niya naman ang inis sa mukha ko. Dahan-dahang umiling ito sabay iwas ng tingin.
Isinabit kona ang sling bag sa balikat ko.
"Fine, I'll go now..." bumuntong-hininga ako pagkatapos ay pilit na ngumiti. "Thanks for the treat," pagkasabi nito ay dere-deretso na akong lumabas ng coffee shop. Natawa pa ako sa sarili dahil umasa akong hahabulin nito... dahil hindi nangyari 'yon. Sa halip ay nakatingin lamang ito sa kabilang table habang hinihintay akong umalis.
Great.
Nang araw rin na 'yon ay nagkulong ako sa kwarto ko.
Aaminin kong nasaktan ako sa pagtrato sa akin ngayon ni Hazze. Siguro ay dahil kadalasang siya ang kasama at kakulitan ko kaya naninibago ako...
Ganito pala ang pakiramdam nang hindi niya pinapansin.
Nakabusangot ako habang nagta-type sa phone ko.
To: annoying af
Stop making fun of me! I'm fuckin' serious!
To: annoying af
What do you think the reason why he suddenly changed?
Wala pang ilang segundo nang makita kong nag-reply ito.
From: annoying af
Baby, how many times do I have to tell you that I don't like it when you're saying bad words :<
Napasinghap ako nang mabasa ang message nito. Baby na naman?! Grabe talaga sa kakapalan ng mukha 'tong lalaki na 'to! Urgh!
Bahagya pa akong nagulat nang makitang nag-message muli ito.
From: annoying af
This is my last warning, Czerina. I'm telling you.
Yes. He did know my name but I didn't know his.
I rolled my eyes. Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nagtipa muli.
To: annoying af
Whatever you're saying.
To: annoying af
Hey, I'm asking you... what do you think the reason why he started avoiding me?
Inabot ng ilang minuto bago ito nakapag-reply.
From: annoying af
Who is the person that you're referring to?
Napa-isip naman ako. Hindi niya naman siguro kilala kaya okay lang na sabihin ko diba?
To: annoying af
Just a friend of mine.
Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit hindi na ito nag-reply pa.
Tumingin na lamang ako sa ginagawa ko. Napabuntong-hininga pa muna ako bago ipinagpatuloy ang pagbubuo ng puzzle na in-order ko sa online shop.
Sa tuwing may pasan-pasan akong problema at maraming gumugulo sa isipan ko ay bumibili ako ng mga bagay na maaaring makatulong sa akin upang hindi magpakulong sa sitwasyong kinakaharap ko. Iginugugol ko lamang ang oras ko rito hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
Mabuti na lamang at weekend bukas. Mukhang buong magdamag kong uubusin ang oras ko rito kakabuo. Pa'no ba naman at one thousand pieces puzzle itong binili ko!
Napailing na lamang ako sa sarili. Ayan, Czerina panindigan mo 'yan! Pagkausap ko sa sarili. Ngunit naisip ko ring mas okay na ito, kaysa naman wala akong gawin at muling malungkot na naman. Pag hindi 'to natapos, si Hazze ang tatapos nito tutal kasalanan niya naman kung bakit ko binili 'to!
Nililigpit ko na ang ibang bahagi ng puzzle na hindi ko pa nabubuo nang makita kong umilaw ang phone ko. Kinuha ko ito na nakalagay sa kanang bahagi ng study table ko. Nakita ko naman sa notifications ang bagong mensaheng dumating.
From: annoying af
I think he's hiding something from you.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 14
Start from the beginning
