"Uhm.. Salamat po." nahihiya kong sabi habang pinipirmahan ang mga dapat kong pirmahan.

"No. Thank you." sabi nya't napalingon ako agad sa kanya.

Ngumiti sya't inilapit sa akin ang picture frame ng isang family photo na sa palagay ko'y pamilya nya dahil nandoon sya't nakayakap sa isang buntis na babae.

"My wife's due next month with our third child and walang mag-mamanage ng restaurant that's why I'm thankful na pinasok ka dito ni Hailey." aniya. "Hindi ko naman pwedeng ipahandle sa kapatid ko dahil natataranta din sya sa asawa nya dahil buntis din ito sa pangatlo nyang anak na kagabi nya lang nalaman that's why he'll be busy taking care of his wife dahil nasa critical stage pa ang misis nya't sensitive sa pagbubuntis." ngumiti sya sa akin. "That's why thank you. With you here, mas magkakaroon ako ng time sa pamilya ko."

Ngumiti naman ako't umiling. "Wala pong problema don, Sir." sabi ko.

"I know and I hope magustuhan mo ang pagt-trabaho dito cause I dont mind if you'll be a permanent employee here." aniya.

"Nako! Salamat po talaga, Sir."

Hindi ko alam kung gaano ako kasaya sa swerteng dumadating sa akin ngayon. Swerte sa pamilyang kumupkop sa akin, swerte trabaho, swerte sa boss. Laking pasasalamat ko talaga't may dumadating na ganitong grasya sa akin.

At pinapangako kong hindi ko sasayangin ang grasyang 'yon.

"Everything's complete." ngiti ko. "Pwede na tayong umuwi." sabi ko sa mga staffs.

Bago magsara't umuwi ang lahat ng mga staff ay binibilang ko muna ang lahat ng mga gamit sa kusina para sa inventory. Para kapag may nawawala'y ma-irereport ko kay Sir James. Binibilang ko rin ang bawat kita na pumapasok sa araw-araw at nilalagay 'yon sa computer para sa monthly report ng sales kay Sir James.

Sa araw nama'y minsan tinutulungan ko sila sa pagseserve o di kaya'y kinakausap ko ang ilang mga customer upang ma-entertain sila ng kahit papaano.

Tatlong araw palang akong nagt-trabaho dito pero nakasanayan ko na ang lahat ng mga gawain ko lalo na't paminsan-minsa'y tinutulungan din ako ni Sir James kaya mas nakakaya kong gawin lahat lalo na't ayokong masira ang tiwala nya sa akin.

"Bella, medyo maaga tayong magsasara cause it'll be a private place for our family dinner." pag-iinform sa akin ni Sir James. "Pauwiin mo na yung iba but let two waitress or waiter stay plus the head chef and one assistant chef."

"No problem, Sir." ngiti ko.

"Okay and please tell the chef you assigned to do this cuisines for estimatedly sixteen persons." at inabot nya sa akin ang isang papel.

Apat na putahe lang ang nakalagay doon pero sa tingin ko'y mabilis lang din itong mauubos sa dami ng kakain.

"Magdidinner pala ulit dito ang family ni Sir James." sabi ng isang assistant chef.

"Oo nga eh. Pamilya ng mga gwapo." kinikilig na sabi nang isang waitress.

"Sana kasama na 'yong isa pang pogi. Hindi na kasi 'yon uma-attend nung mga nakaraang linggo." lumungkot ang boses ng isa.

Napalingon naman ako sa kanila. "Lagi ba silang kumakain dito?" curious kong tanong.

Ngumiti naman sa akin si Wyne, ang assistant chef. "Oo, every week 'yon. Kaya lagi namin yun inaabangan every week. Ang popogi at ang gaganda kasi ng lahi ng pamilya ni Sir."

Tumango-tango naman ako't inisip kong kasama doon si Hailey. Siguro'y dapat akong magpasalamat ulit sa kanya sa personal.

Nang magsara na ang restaurant at ni-anunsyo ni Flora, ang isa sa mga waitress ngayon na nandito na ang mga bisita'y nagbilang nalang ako ng mga kita sa araw na 'to habang hinihintay na matapos ang kainan nila para mabiling ang nga kubyertos at ang mga iba pang utensils.

Beautiful DanceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz