"Ano, tinext mona ba?"

I nodded. "Confirmed, hindi si Vonn," I heard her sighed.

Maya-maya pa ay bumalik na sila Vonn bitbit ang in-order nila para sa amin.

"Thank you," sabi ko nang ilapag nito ang kape sa harapan ko. Ngunit nagtaka ako nang may nakitang bread sa tabi nito. Nahalata niya naman ang gulat ko kaya napatikhim siya.

"In-orderan na rin kita ng bread," nakangiting aniya. Narinig ko naman ang impit na kilig ng walang hiya kong kaibigan sa tabi ko.

Tahimik ko namang kinain ang in-order niyang tinapay para sa akin. Ayoko namang ma-offend siya kung hindi ko kakainin 'to!

Mabuti na lamang at nirespeto nito ang pananahimik ko dahil naramdaman niya sigurong naiilang ako lalo na't kanina pa nang-aasar sa amin ang mga kaibigan niya lalo na si Riley.

Lagot talaga sa akin 'tong bruha na 'to!

Nang makalabas ng coffee shop ay inalok niya pa akong siya na ang maghahatid sa akin pauwi. Agad ko namang tinanggihan ito at sinabing dala ko ang sasakyan ko.

Lalo lang may maaasar sa akin si Riley pag umabot na sa puntong hinahatid-sundo na ako ng lalaki! Ma-issue pa naman 'yung babaeng 'yun!

Saka baka masanay ako at araw-araw na akong magpahatid-sundo para makatipid ako sa gas, hehe.

Kasalukuyan akong nakatulala ngayon sa may bintana habang nilalasap ang malamig na hangin na pumapasok mula sa kuwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil ang pagragasa ng ulan. Hindi pa naman gabi ngunit nabalot na ng dilim ang kalangitan. Suspended ang klase kanina dahil may bagyo kaya naman heto ako ngayon at nakatulala sa kuwarto.

Nabaling ko ang tingin sa phone ko nang makitang umilaw ito. Agad ko naman itong sinilip.

From: annoying af

Take care of yourself and don't catch a cold.

Hindi ko ito pinansin at ibinalik na lamang ang tingin sa bintana. Ngunit wala pang isang minuto nang makita kong umilaw ulit ang phone ko. Sa pag-aakalang nag-message ulit siya sa akin ay kinuha ko ito. Ngunit halos lumaylay ang balikat ko nang makitang hindi sa kaniya galing ang message. What's wrong with you, Czerina?

It was from Hazze.

From: Hazze

pls don't get sick. sakitin ka pa naman😤

Natawa naman ako nang mabasa ito. Si Hazze ba talaga 'to? Kailan pa 'to natutong gumamit ng emoticon?

Agad naman akong nag-reply.

To: Hazze

Okay po boss😜😜

From: Hazze

good.

Ibabalik ko na sana ang phone ko nang biglang may message na nag-popped up.

From: annoying af

Is it that hard to reply huh?

Nagtaka naman ako.

Muli kong binalikan ang huling mensahe niya bago ang message niya ngayon.

Hindi ko pala siya na-replyan!

Nagtitipa na ako ng i-rereply ng makatanggap muli ako ng mensahe mula sa kaniya.

From: annoying af

Are you talking now with someone else huh?

Naningkit naman ang mga mata ko dahil doon.

Anong pinagsasasabi nito? Saka ano naman kung may kinakausap akong iba? Hindi ko naman siya boyfriend noh!

To: annoying af

You're not my boyfriend, not even my father. Asshole.

Magsesend palang sana muli ako ng message nang makitang nakapag-reply na agad ito.

From: annoying af

Of course I'm not one of those, because I'm your future husband.

From: annoying af

Also, don't call me that. I hate it when you're saying bad words.

Napa-oh naman ako. What the— future husband really? Where did he get the guts to say these!?

Napahaba pa ang pag-uusap namin. Puro pagtatalo lang ang nangyari dahil big deal sa kaniya ang pagsasalita ko ng asshole—ayaw niya raw 'yon. Paulit-ulit ko namang sinabi na wala akong pakielam.

Kainis ah!

Tatlong araw rin ang itinagal ng bagyo. Kaya nang medyo naging okay na ang panahon ay nag-announced na agad na may pasok na kami.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa room. Tahimik kong kinukutkot ang daliri ko habang nagtuturo ang lecturer. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit kanina pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

"Miss Moyer?"

Kakapanood ko 'to ng kung ano-ano. Wala namang mangyayaring masama diba?

"Miss Moyer?"

Bumuntong hininga ako. Tamad kong iniangat ang dalawa kong braso at ginawa 'yong unan.

"Miss Moyer?"

Nakabusangot kong iniangat ang ulo ko nang maramdaman kong may kumakalabit sa 'kin.

"Tawag ka," ani Riley.

Taka ko namang nilibot ang tingin ko sa room.

"Miss Moyer!"

Bahagya pa akong napatalon nang marinig ang malakas na boses ng lecturer namin.

Nahihiya naman akong tumayo. "S-Sir?"

"May problema ba, Miss Moyer? Mukhang wala sa klase natin ang isip mo ngayon," sinalubong ko ang tingin nito at napayukong muli nang makitang seryoso na ang mukha nito.

"S-Sorry po—"

"If you're not feeling well, feel free to go to clinic," tumingin siya sa president namin na si Raya. "Pakisamahan nalang siy—" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"No sir, I... I-I'm okay po,"

Naningkit ang mga mata nito.

"You sure?"

Tumango naman ako.

"Okay, sit down,"

Nahihiya naman akong sumunod. Ngunit bahagyang nagulat nang mapansing nakatingin na sa akin ang katabi ko. Dahilan para lalong madagdagan ang kahihiyan ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at pilit na nakinig na lamang sa harapan.

Nang matapos ang klase ay biglang nag-ayang tumambay sa coffee shop si Riley. Nagiging addict na rin sa kape 'tong babae na 'to!

"Sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Riley. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil pang-limang beses na niyang naitanong 'yon.

"Oo nga paulit-ulit," naiiritang sabi ko.

"Tahimik mo kasi eh," nakangusong aniya. Hindi ko naman siya pinansin.

Hindi na siya nagsalita pa kaya naman kinuha ko na lamang ang phone ko at nag-scroll sa Facebook.

Bahagya pa akong nagulat nang biglang mag-popped up ang call.

Ryke's calling...

Nangunot naman ang noo ko. Ba't tumatawag 'to?

Kahit naguguluhan ay sinagot ko ito.

"Hello—"

"Czer, asan ka?!" bahagya ko pang nailayo ang phone ko nang marinig ang sigaw nito.

"Huh? Baki—"

"N-Nandito kami sa parking l-lot..."

Hindi ko mawari ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba.

"C-Czer... S-Si Hazze..." hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi dahil natabunan ito ng ingay ng ambulansiya.

Halos manginig ako nang tuluyan nang maintindihan ang sinabi niya.

"Si Hazze... N-Nasaksak siya..."

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now