Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ni-rereplyan ko itong taong 'to. Lalo na't hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa akin. Samantalang dati naman kapag may mga nagpapapansin sa akin or yung mga feeling close sa akin ay hindi sila nakakatanggap ng reply mula sa akin. Or kahit i-seen manlang ang mga messages nila sa messenger ay hindi ko ito pinapansin.
I took a glance at my phone when I saw a new message appear in my notifications. It was from him.
From: annoying af
Tell your friend that you need to go home now and rest.
My eyes widened in surprise. How did he...
Yes I told him that I am not feeling well since yesterday but I did not tell him who I am with today!
I replied.
To: annoying af
How did you know that I'm with my friend?
Hindi na ito nag-reply pa.
Napatingin ako kay Riley nang magsalita ito.
"Are you okay? You look pale," nag-aalalang aniya. Iniangat pa ang isang kamay niya at marahang itinapad ito sa noo ko.
"Fuck! Ang init mo!" gulantang na sigaw niya.
Hindi ko ito pinansin at tumingin nalang sa kung saan. Ngunit napatigil ako nang may nakita akong naka-park na kotse mula sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito pero parang nakatingin sa akin ang nasa loob ng sasakyan na iyon. Maya-maya pa ay sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan. Nakasunod lamang ang mga mata ko rito hanggang sa dumaan ang sasakyan sa harapan ng coffee shop dahilan para maaninag ko ang mukha nito.
Vonn?
"Anong tinitignan mo?" rinig kong tanong ni Riley dahilan para ibalik ko sa kaniya ang tingin ko.
"W-Wala," sagot ko. She just shrugged and took a sip in her coffee.
Kinabukasan ay lalong sumama ang pakiramdam ko. Sinisipon na rin ako.
Marahan kong pinupunasan ang mga luhang nagbabadya na ngayon sa pisngi ko. I can't go to school now. It feels like I'm going to pass out at any moment.
And yes, I am crying right now and this is normal. Every time I am having a headache or I'm not feeling well, I always cry like a poor baby.
Tatakpan ko na sana ng unan ang mukha ko nang makita kong nag-on ang screen ng phone ko. Kahit masama ang pakiramdam ay pilit ko itong inabot. Nakapikit pa ang isang mata ko nang basahin ko ang bagong mensahe na dumating.
From: annoying af
How are you feeling today?
Napakunot naman ang noo ko ngunit agad ring nag-reply.
To: annoying af
Still sick, tapos sinisipon pa TT
After a few seconds he replied.
From: annoying af
Take a medicine, then.
I was typing on my phone when I heard a soft knock on my door.
Pumasok si Manang Delia na may hawak na tray. Lumapit ito sa kama ko. Bumangon naman ako at tiningnan ang dala niya.
"Kumain kana, ipinagluto kita ng sinigang para makahigop ka ng mainit na sabaw." tinulungan niya akong ilagay ito sa harapan ko pagkatapos ay itinuro ang gamot na nasa tabi nito. "Inumin mo 'yan para bumuti ang lagay mo."
I smiled at her. "Thank you po."
Lumabas na rin ito kaya sinimulan ko nang kumain. Nang matapos ay agad akong pumunta sa bathroom para mag-toothbrush. Natitigan ko pa muna ang sarili ko sa salamin. Gosh, I looked pale.
I sighed and grabbed my toothbrush and put a toothpaste on it, then I started to brush my teeth.
Pagkatapos mag-toothbrush ay naghanap ako ng new pair socks sa drawer ko at sinuot ito. Nang maisuot na ay bumalik na ako sa kama at humilata muli.
Kinuha ko naman ang phone ko malapit sa lamp shade.
Oh, I forgot to reply!
I checked my messages box. Yun pa rin ang last niyang message.
Bigla akong may naalala.
I typed a message.
To: annoying af
Don't get me wrong but is there a chance that I know you in person or have we met already?
This is my way for me to know who is this. Dahil malakas ang kutob ko na si Vonn ito... or baka nagkataon lang na siya yung nakita ko?
Maya-maya pa ay nag-reply na ito.
From: annoying af
No, not yet.
To: annoying af
Then, how did you know me? Also, my number??
Nagulat ako sa sumunod na ni-reply nito.
From: annoying af
Baby, will you please stop asking too many questions and just rest now. Besides, I have something to do.
Baby? Really? Ni hindi ko nga kilala kung sino 'to eh!
To: annoying af
Stop calling me that. Or else I'll block your number.
From: annoying af
Sungit.
I just rolled my eyes and put back my phone on the left side of my bed.
Pinilit kong matulog at hindi ako nabigo dahil maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 11
Start from the beginning
