Nang matapos ang laro ay nagkita-kita kami malapit sa may canteen.

Bumungad sa 'min ang tagumpay na mukha ni Rence.

"Congrats." bungad ko sa kanila pagkatapos ay nag-congrats rin si Finn.

Ginulo nito ang buhok ko at nakangiting tumingin kay Riley na kasama ko.

"Kamusta ang laro ko? Hehe, ayos ba?"

Tumango naman si Riley na halatang nagpipigil ng ngiti at iniabot nito sa kaniya ang water bottle at towel.

Grabe! Sa harapan ko pa talaga naglandian!

Bumaling naman ang tingin ko sa dalawa, halata rin sa mukha nila ang saya.

"Dahil kami ang nanalo manlilibre ako," maya-maya'y ani Ryke. Bahagya pa itong kumindat.

Habang nag-aasaran sina Rence at Ryke ay biglang may napansin akong nakatayo sa may gilid namin. Pagtingin ko ay nakita kong nakatayo na roon ang captain ng SLU kasama ang mga kaibigan niya. Nakatingin ito sa akin.

Lalapitan niya ba ako?

Narinig ko namang tumikhim ang isa niyang kaibigan. Maya-maya pa ay pinagtulungan na nilang itulak ang kaibigan nila papunta sa gawi namin. Dahilan para magkatapat kami.

"H-Hi," nahihiyang sabi ng lalaki nang magkatapat na kami.

Hindi ako nakagalaw at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Should I say hi too?

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nasa likuran niya lang. Halata ang gulat at pagtataka sa mga mukha nila. Habang si Hazze naman ay nakakunot ang noo.

Ibinalik ko ang tingin sa kaharap nang magsalita muli ito.

"I'm Vonn, by the way," pagpapakilala niya at iniharap sa akin ang isang kamay.

Tumikhim pa muna ako bago inabot ang kamay niya.

"Czerina," pilit na ngiting pagpapakilala ko. Hindi rin naman nagtagal ang pagkakahawak ng mga kamay namin dahil agad ko ring binawi ang kamay ko.

Tumango naman ito at sumulyap sa mga kaibigan ko.

"They're your friends?" he asked politely.

Pilit naman akong ngumiti sabay tango. "Y-Yeah."

Bahagya pa itong nagulat ngunit tumango rin. Bumuka pa ang bibig nito na animong nagdadalawang isip sa sasabihin.

"C-Can I get your n-number?" halos pabulong na tanong niya, ayaw iparinig sa iba.

Nagulat naman ako.

"U-Uh—"

"Why are you asking for her number?" iritadong tanong ni Hazze. Naibaling ko naman ang tingin sa kaniya ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa kaharap ko.

Napatingin naman sa kaniya ang lalaki. Ngunit agad rin nitong ibinalik ang tingin sa akin. Nagtataka.

"I thought he's your friend? But why does it look like he's jealous or something?" malakas na sabi nito. Halatang gustong iparinig kay Hazze.

Kahit hindi ako tumingin sa paligid ay alam kong halos lahat ng mga mata ay napapatingin sa gawi namin. Pa'no ba naman puro gwapo itong mga kasama ko na hinihiyawan lang nila kanina... mukhang mag-aaway pa nga ngayon sa harapan ko eh!

I saw Hazze smirked.

"Bakit hindi kayo sumabay sa amin kumain?" biglang sabat ni Riley dahilan para sulyapan ko ito at lakihan ng mata.

Naka-friendly na ngiti lamang ito. Maya-maya'y umakbay si Rence rito at bahagyang hinatak papalapit sa kaniya si Riley. Tumingin ito sa kaharap ko pati sa mga kaibigan nito.

"You and your friends can eat with us," nagtataka naman akong tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Sumulyap siya sa akin at kumindat. "Para makilala rin namin yung mga taong malapit sa Prinsesa namin," he continued.

Anong malapit? Eh, hindi ko naman ka-close 'tong mga 'to!

Tumingin naman ako kay Finn at Ryke. Mukhang ayos lang naman sa kanila.

Nang balingan ko ulit ng tingin ang kaharap ay nag-aalinlangan na itong nakatingin sa akin.

"I-Is it okay? H-Hindi ba nakakahiya—"

I nodded.

Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, mukhang nakakahiya naman kung okay lang sa mga kaibigan ko tapos ako ang aayaw.

Mukha naman siyang nagulat sa pagpayag ko. I just shrugged.

Tahimik kaming kumakain hanggang sa nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni Vonn.

"Congrats, the first game is over and we didn't expect na matatalo kami," nakangiting sabi ng nagngangalang Denmark. The first time I saw him I already knew he's friendly. It's obvious in his gesture, the way he talks.

Tumingin naman sa kaniya ang dalawa—Ryke and Rence. Habang si Hazze ay nakatuon lamang sa pagkain ang tingin.

"Well, actually, nahirapan kami kanina... muntik nang mag-tie eh, but yeah, thanks," nakangiting ani Ryke. Bahagya namang natawa ang nagngangalang Rhys. He's also friendly.

Marami pa silang napag-usapan na puro tungkol lang naman sa basketball. Nanatiling tahimik lang si Hazze.

Tumingin naman ako sa isang katabi ko. Nahuli ko itong nakatingin sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Bahagya naman itong nagulat ngunit napangiti rin.

"Hindi mo na ba talaga tatapusin yung laro? May kasunod pang laro na hindi pa natin napapanood!" pangungulit ni Riley.

Umiling ako.

"Basketball lang naman yung interesado akong mapanoo—"

Naningkit ang mga mata niya. "And why was that? Is it because of the guy named Vonn?" nanunuksong aniya at bahagya pa akong siniko.

I frowned because of that. "What?"

She raises an eyebrow, a smirk playing at the corner of her lips.

"Hoy! Hindi ah!"

Ngunit parang wala siyang narinig. Lumapit na siya sa sasakyan niya. "Bye, Rina!" pagkasabi non ay nag-flying kiss pa ito. "Go! Vonn! We love you, Vonn!" rinig kong bulong niya bago sumakay ng sasakyan. Ginagaya ang sinabi ng mga nag c-cheer kanina sa laro.

Napailing na lamang ako at pumunta na sa sasakyan ko. Narinig ko namang bumusina pa muna siya bago tuluyang lumabas ng parking lot. Paniguradong hindi ako titigilan sa pang-aasar non bukas!

Nang gabi ring iyon ay nahirapan akong matulog. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at nilibang ang sarili.

I was scrolling through my phone when I got a message. It was from unknown number.

From: Unknown Number

Avoid him or I'll break his jaw.

Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n.

Sino 'to?

Without hesitation I replied.

To: Unknown Number

Who's this?

Wala pang dalawang segundo ay agad itong nagreply.

From: Unknown Number

I'm the unknown.

"The unknown? Nantitrip ba 'to?"

Hindi ko na ito ni-replyan.

Inayos ko na ang unan ko at humiga. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok at mahimbing na nakatulog.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon