-


"Ayaw niyo po talagang samahan ko kaya sa store Ma? Wala naman akong gagawin ehh. Isa pa, kaya nga po ako umuwi para matulungan ko naman po kayo dito." Pinagmamasdan ko si Mama na abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit niya.


I really can't understand why she don't want me to go with her. Ehh ano naman kasing gagawin ko dito di ba? Tsaka tinatamad naman akong mamasyal ng walang kasama.


"Hindi na. Marami na naman tayong employees doon. Imomonitor ko lang sila doon." Sumimangot ako sa sinabi niya. 


Hmmp! The reason why I took a business course, is to help on our business. I wonder how can I be able to do it, if she don't even allow me to go with her.


"Baka ma-bored ka lang doon. Maaga rin naman ako uuwi mamaya. Promise ko yun. Ang mabuti pa, mamasyal ka na lang muna. Alam ko naman na na-miss mo rin ang Pilipinas."

"Paano naman po ako mag-eenjoy kung hindi ko kayo kasama?" naka- pout kong tugon sa kanya. Pumangalumbaba pa ako para mukha talagang nagtatampo.

Ngumiti lang si Mama doon. Hmm? Ano namang nakakatawa? Lalo naman akong sumimangot.

"Oo na, sige na. Bukas, pangako ko, sasamahan kita." Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "Sa ngayon, iba muna ang sasama sa'yo."

Nangunot naman ang noo ko. Sino naman pala?


"Hi Tita! Late na ba ako?" Narinig ko bigla si Logan na nagsalita. Kakapasok niya pa lang ng bahay. "Gulaman!"

Agad naman akong napalingon sa kanya at binigyan siya ng masamang titig. 

"Mukhang masama ang gising natin ngayon ahh." humalakhak pa siya, parang hindi niya alintana na naiinis pa rin ako sa kanya.


Habang naglalakad kasi kami pauwi kaninang madaling-araw. May nakasalubong kaming mga bading. Pagnanasang tingin ang binigay nila kay luga samantalang sa'kin, akala mo kakainin na ako ng buhay. They were like tearing my soul apart using their stares.

Hindi ko naman napansin na napairap pala ako sa kanila. Kaya iyon, halos sugurin nila ako. Sabi pa ng isa, akala mo daw kung sino akong napaka-ganda. Napakunot tuloy ako ng noo.

Having friends like Daphne and Ali, natutunan ko sa kanila kung paano lumaban. Well, kapag sumosobra na sila sa pang-lalait at lalo na kapag nagamitan pa ng dahas. 

Aba! Ang sakit kaya ng paghila niya sa isang strand ng buhok ko. Kaya yun, nakipag-suguran din ako. Mga baklitang iyon! Tss! Kung hindi naman dahil sa make up, hindi mo sila mapagkakamalang tao. Kahit pa nga pa, puno na halos ng kolorete ang mukha nila, hindi pa rin mukhang tao talaga. Mukhang clown, pwede pa.

Malapit ko na sana mahigit ang buhok nung isa na mukhang wig lang naman, nang pinigilan naman ako ni luga. Akala ko ipagtatanggol niya ako, pero laking gulat ko nang sumang-ayon pa siya sa sinabi ng mga baklitang yun. 

Nakipagladian pa kamo. Sa sobrang asar ko, iniwan ko siya mag-isa doon. Bahala siyang magpa-rape sa mga mukhang clown na mga baklitang yun. 

Ilang segundo rin naman ng paglalakad ko, sumulpot ulet siya sa tabi ko. At kung maka-akbay, akala mo walang nangyaring ganung eksena. Ang sarap lang sapakin! Kung makapangsabi ng bestfriend, akala mo naman umaakto talaga. Tss!

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now