Kitang-kita ko mula sa malayo ang isang lalaki na matangkad at pulos nakaitim. Nakasandal ito sa pader sa gilid ng coffee shop kung nasaan ako ngayon. Hindi ko naman masyadong maaninag ang itsura nito dahil bukod sa nakasuot ito ng shades ay nakahawak ito sa labi niya na tila pinaglalaruan ito habang may naglalarong ngiti roon. Dahilan para hindi ko masyadong makita ang itsura niya. Imbes na umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay nakipagtitigan pa ito sa 'kin. Hindi ko na ito pinansin pa at umalis na ng shop.

Weird.

Kakatapos lang ng isa naming subject at pababa na kami ngayon para pumunta sa gym. May apat pa dapat kaming papasukin na subject pero ang sabi sa amin ng lecturer ay may meeting ang mga teacher kaya naman minessage ko na lang si Hazze na pupunta kaming gym para tumambay at mapanood din silang mag-practice.

Nang makarating kami ay napansin ko naman ang iilang tao na nakatambay sa bleacher para manood at yung iba naman ay para magpapansin sa mga players.

Napatingin naman sa gawi namin si Ryke kaya kumaway ito sa amin. Napansin naman siya ni Hazze kaya napatingin rin ito sa gawin namin, tipid na ngumiti ito.

"Wahh! Nakita mo ba 'yon 'te? Ngumiti si Hazze sa 'kin!" kinikilig na tili ng isa sa mga nanonood sa bleachers.

"Assumera ka, bakla, ayun oh! Dumating yung kaibigan nila," kahit hindi ako nakatingin ay alam kong tinuturo kami nito.

Umupo kami kung nasaan ang mga gamit nila Ryke. Tumingin ako sa court at nagtaka nang makitang kumikindat si Rence... anong kinikindat-kindat nito?

Tumingin naman ako sa katabi kong si Riley at napansin kong namumula ang pisngi nito. Kaya naman pala.

Napailing na lamang ako.

Para hindi ako ma-boring ay kinuha ko sa bag ko ang libro na dinala ko at binasa ito. Halos kalahating oras ang lumipas nang biglang may sumiko sa 'kin at inakbayan ako. Dahilan para mag-angat ako ng tingin rito.

Si Ryke.

"Czer, may pagkain kang dala?"

Lumayo naman agad ako sa kaniya dahil pawis na pawis siya.

"Aish! ano ba, pawis ka!" singhal ko at maarteng pinunasan ang parte ng balikat ko na nadikitan niya.

Bahagyang lumayo siya sa 'kin. Nakasimangot.

"Ginaganyan mo na 'ko ah," kunyaring nagtatampong sabi nito dahilan para matawa ako.

"Kunin mo yung bag ko, may snacks dun," agad namang lumiwanag ang mukha niya pagkatapos ay mabilis na pumunta kung saan nakalagay ang bag ko.

Pagtingin ko sa may gilid ko, nakita kong umiinom ng tubig si Rence.

Nilibot ko ang paningin ko dahil napansin kong wala si Hazze.

"Nasa cr," ani Rence na nasa harapan na pala namin. Tila napansin na hinahanap ng mga mata ko si Hazze.

"Kamusta practice namin? Hehe, ayos ba?" mayabang na tanong nito kay Riley.

Natawa naman si Riley. "Okay nam--"

"Mas okay kung hindi ka natamaan ng bola kanina," ngisi ko.

Agad namang sumama ang mukha niya sa sinabi ko.

Habang nagbabasa ako kanina ay narinig kong nagtatawanan ang mga tao sa loob ng gymnasium kaya na-curious ako kung ano ang pinagtatawanan nila, pagtingin ko nakita kong nakahawak na sa ulo si Rence. I asked Riley what happened to him and she told me na natamaan ito ng bola sa ulo.

"Panira ka naman, Tyleigh!" siya naman ngayon ang nakangisi.

Inirapan ko lamang ito at hindi na pinansin pa.

Ayoko talagang tinatawag ako sa second name ko! Hindi ko alam pero naiirita ako sa tuwing may tumatawag sa 'kin gamit ang second name ko. Hello! May first name ako so bakit kailangan pang tawagin ako sa second name ko?! Urgh!

Maya-maya pa ay bumalik na si Hazze. Napansin ko na iba na ang suot nito.

"Nagpalit ka?" rinig kong gulat na tanong ni Ryke.

Tumango naman ito pagkalapit. Kinuha niya ang bag niya at nag-ayos na ng gamit.

"Bugok, may practice pa tayo," sambit muli ni Ryke. May laman pa ang bibig nito.

Tinapunan naman siya ng tingin ni Hazze.

"May pupuntahan ako," seryosong ani Hazze.

Nagtaka naman ako.

"Saan?" tanong ni Ryke. Kung hindi niya ako naunahang magtanong ay ako ang magtatanong non.

"Nagpapasama pinsan ko," sagot nito sabay kinuha ang bag niya at sinukbit ito sa balikat.

Dumaan ito sa harapan namin dahilan para mapansin siya ni Rence.

"Saan ka pupunta, Gutierrez?" tanong nito.

Hindi siya pinansin ni Hazze, pagtingin ko ay nakatingin na pala ito sa akin.

"Alis na 'ko, Czer."

Tumango ako.

"Ingat ka." yun na lamang ang nasabi ko.

Tumalikod na ito sa 'min at naglakad papalayo.

"Anong problema nun?" rinig kong bulong ni Rence.

"May pupuntahan daw." nagkibit-balikat ako.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now