Natawa naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Sa tuwing may problema at parang wala sa mood ang lecturer namin sa Biology ay nadadamay kami palagi.

Eh kanina parang broken hearted si Miss pagkapasok sa room dahil mukhang hindi siya nirereplyan ng kausap niya kanina sa phone dahil sobrang diin ng hawak niya rito na para bang may balak pa siyang sirain ito. Ayan, kakaunti pa lang ang natuturo ay nagpa-quiz na agad! Huhu!

Nasa canteen na kami pero parang hindi pa rin nakaka-move on si Rence dahil nakasimangot pa rin ito.

Sila Hazze, Finn, at Ryke ang um-order kaya naiwan kaming tatlo.

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Riley kaya naman tiningnan ko ito. Patingin-tingin siya sa paligid na para bang nag-aalinlangan.

Anong problema nito?

Tumingin naman ako sa paligid at wala naman akong napansin na kakaiba.

"Okay ka lang?"

Nagulat siya nang magsalita ako.

"Huh? Y-Yeah," pilit na ngiting aniya.

"May hinihintay ka ba? Kanina ka pa kasi lingon ng lingon."

"Wala ah, nagugutom lang ako kaya h-hindi ako mapakali," sambit niya pagkatapos ay nangalumbaba sa lamesa.

Magsasalita pa sana ako pero bigla nang dumating sila Hazze.

Nilagay naman ni Hazze ang order ko sa harapan ko at napangiti nang makitang may isang slice ng pizza rito.

"May tinda na ulit sila," ani Hazze nang mapansin niyang nakatingin ako rito.

Ngumiti naman ako sa kaniya at nag-thank you.

Habang kumakain kami ay napapatingin ako kay Riley, hindi talaga ito mapakali.

Ano ba kasing meron?

Hanggang sa pag-akyat namin papunta sa third floor ay parang wala pa rin ito sa sarili. Nakatingin lamang ito sa sahig at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko na lamang siya pinansin... baka nga may bumabagabag sa kaniya.

Kinabukasan, maaga akong nakarating sa school kaya tumambay na muna ako sa coffee shop na malapit sa school namin.

Nang makapag-order na ay naghanap ako ng puwesto kung saan walang masyadong tao. Nang makahanap na ng mauupuan ay dali-dali kong kinuha ang phone ko para picturan ang coffee saka bread na in-order ko at nag-story sa Instagram.

Perfect!

Habang ngumingiti-ngiti sa phone ay napansin kong maingay sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang tatlong lalaki, tila ba inaasar nila ang isa nilang kasama. Lumakas pa lalo ang asaran nila nang makitang nakatingin ako sa kanila. Tumingin naman ako sa lalaking inaasar nila ngunit parang nahihiya ito habang nakayuko.

"Guillermo, nakatingin sa 'yo yung chicks pre," rinig kong sabi ng isa.

Lalo namang nahiya yung Guillermo na tinawag niya kaya lalong lumakas ang hiyawan nila. Hindi ko na sila pinansin at sinimulan nang kainin ang in-order ko. Ilang minuto pa ang nakalipas nang mapansin kong dumaan sa gilid ko yung magkakaibigan na nag-aasaran lang kanina sa likuran ko. Nangunguna naman sa paglalakad yung lalaking tinawag na Guillermo at nakita kong bahagya pa siyang siniko ng kaibigan niya na parang tinuturo ako. Napailing na lamang ito na parang nauubos na ang pasensiya sa mga kaibigan.

Itinuon ko nalang muli ang pansin ko sa kinakain. Nang matapos ay tinext ko si Riley para itanong kung nakapasok na ba siya. Maya-maya pa ay nag-reply na ito.

From: Riley

I'm here na, where r u?

Tatayo na sana ako nang may mapansin ako sa may gilid ko. Kanina ko pa talaga nararamdaman na parang may nagmamasid sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tiningnan kung sino ito.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now