Mariin akong napapikit. Huminga muna ako ng malalim bago muling tumingin sa kaniya. "Ryke, listen, yung lalaking nahuli kong kausap niya... he looks familiar."
Taka naman siyang tumingin sa 'kin. "Familiar? Eh, diba, hindi mo naman nakita yung itsura?"
Umiling ako. "Hindi nga, pero kasi... I think yung taong tumulong sa 'kin nung muntik na akong manakawan saka yung taong kausap ni Riley was the same guy--"
"Nanakawan ka? When? Where? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong niya, bakas sa mukha ang pag-aalala. Bahagya pa itong tumingin sa magkabilang braso ko na para bang tinitingnan kung may galos ako.
Dahan-dahan ko namang inalis ang kamay niya.
"Hindi, okay lang ako... basta ang importante may tumulong sa 'kin non that time."
Napaisip naman siya. "Pero pa'no mo naman nasabi na iisang tao lang yung tumulong sa 'yo saka yung nakausap ni Riley?"
Humawak ako sa braso niya at bahagyang lumapit sa tenga niya upang bumulong roon.
"Naalala ko kasi yung suot na sumbrero nung lalaking tumulong sa 'kin... plain black lang siya, which is same sa lalaking kausap ni Riley. Nung una hindi ko pinansin since maraming nagsusuot ng sumbrero na katulad non," huminga ako ng malalim. "Pero nung nakita kong nakasuot din ng shades yung kausap niya na pareho dun sa lalaking tumulong sa 'kin pati kung paano siya maglakad tapos kung pa'no niya inayos yung shades niya nung tumalikod na siya kay Riley ay parehong-pareho sa kilos ng lalaking tumulong sa 'kin."
Nangunot naman ang noo niya.
"Baka naman nagkataon lang?"
Napahawak ako sa noo ko. "Ah, basta ewan! Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon!" pagkasabi non ay napabuga ako ng hangin. "Idagdag mo pa nung tinanong ko si Riley, hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ko. Parang kinabahan siya nung tinanong ko siya."
Naghiwa-hiwalay na kami nang makarating sa parking lot.
Nasa tapat na ako ng kotse ko nang mapansin ko sa di-kalayuan ang bago naming kaklase--na seatmate ko. Mukhang paalis na rin siya, nakababa kasi ang bintana ng kotse niya kaya nakita ko siya mula sa loob. Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kaniya nang mabaling ang tingin ko sa sasakyan niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Namamalik-mata ba ako?
Hindi ko mawari kung ano ang brand nito pero alam kong sports car ang gamit niya.
At isa pa...
Kakaunti lamang ang mayroong sasakyan na gano'n dito sa Pilipinas!
Kahit na may mga kilala akong mayayaman o kahit ang isa kong tito na may maipagmamalaki talaga sa buhay na mahilig mag-collect ng mga sports car ay wala akong nakitang ganitong sasakyan sa kaniya katulad ng nakikita ko ngayon.
This can't be true... paano siya nagkaroon ng sasakyan na ganiyan kamahal?!
Hindi niya siguro napansin na may nakatingin sa kaniya, maya-maya pa ay pinaharurot na niya ang sasakyan.
Sundan ko kaya siya?
Dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at inilibot ang tingin kung saan dumaan ang sasakyan niya pagkalabas ng parking lot.
Ngunit agad ring nanlumo nang mapansing wala na ang sasakyan nito.
Kainis naman!
Kaya naman hanggang sa pag-uwi ay badtrip pa rin ako dahil hindi natuloy ang pagsunod ko sa lalaki.
Halos mag-iisang oras na akong nakatulala sa kama habang pinipilit na matulog. Hindi pa rin kasi talaga mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Kaya napagdesisyunan kong bukas ko na lamang siya susundan.
Kinabukasan, habang naglalakad na ako papasok ay nakita ko sa di-kalayuan si Riley.
"Riley!" tawag ko rito.
Mukhang narinig niya naman ako dahil lumingon ito. Nang mapagtanto na ako ang tumawag sa kaniya ay agad din siyang napangiti at lumapit sa 'kin.
Pinagsaklob ko ang dalawang braso at nakataas ang kilay na tumingin sa kaniya. "Bakit ka um-absent kahapon?"
Nagulat naman siya sa pagtataray ko ngunit agad ring natawa.
"Nagkaroon ng emergency kahapon sa bahay," seryosong niyang sabi.
Agad naman akong nag-alala.
"Bakit anong nangyari?"
Umiling siya at pilit na ngumiti.
"Wala, tara na nga," hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi magpahatak sa kaniya.
Nang matapos ang huli naming klase ay pinauna ko nang lumabas ang mga kaibigan ko at nagdahilan na mag c-cr. Sasamahan pa sana ako ni Riley pero sabi ko ay matatagalan ako kaya umuwi na siya. Pero ang totoo ay gagawin ko na ang binabalak ko na sundan ang misteryoso naming kaklase. Sana ay hindi niya ako mahuli!
Naghintay muna ako ng matagal sa pintuan ng cr habang tinitignan ang mga estudyanteng lumalabas.
Ayun!
Nakita ko na siya sa di-kalayuan, kaya naman dali-dali akong sumunod at nakipagsiksikan sa mga estudyanteng lumalabas.
Nang lumiko na siya papuntang parking lot ay agad akong pumasok sa kotse ko. Sinadya ko talagang mag-park malapit sa labasan para hindi niya ako mapansin.
Maya-maya pa ay pinaandar niya na ang sasakyan. Agad ko na ring binuhay ang makina ng sasakyan ko.
Sa kalagitnaan nang pagsunod sa kaniya ay nakita kong huminto siya sa isang restaurant. Sinigurado kong may distansya ang pagitan ng mga sasakyan namin para hindi niya mapansing may sumusunod sa kaniya. Wala pang limang minuto ay nakita ko na ring lumabas ito mula sa restaurant, may dala na siyang plastic bag na sa tingin ko ay binili niya.
Nang paandarin na niya ang sasakyan ay ipinagpatuloy kona ang pagsunod sa kaniya. Ngunit hindi pa kami nakakalayo sa restaurant nang makita kong huminto siya at bumaba ng sasakyan. Ba't siya bumaba?
Halos tumigil ang paghinga ko nang makitang tumingin ito sa kotse ko. At halos manigas ako sa kinauupuan ko nang humakbang ito papalit sa sasakyan ko!
W-Wait, pupunta ba siya rito?!
Iaatras ko na sana ang kotse ko nang makarinig ako ng katok mula sa bintana. And there, he's there... standing right in front of my car with a blank expression on his face.
Mariin akong napapikit at nagdalawang-isip kung ibababa ko ba ang bintana ng kotse ko.
Hindi naman siguro siya galit 'no?
Wala na akong nagawa kundi ibaba ito. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita ko sa mukha niya na hindi ito nagulat... na para bang alam na niya na ako ang may-ari ng sasakyan.
"What do you want, woman?" napalunok ako nang marinig ang malalim at seryoso nitong boses.
'Yon palang ang nasasabi niya pero ang dibdib ko ay parang sasabog na sa kaba.
Nagkunwari akong hindi naintindihan ang sinabi niya. "H-Huh?" Seriously Czerina? Umayos ka nga!
"Huh?" panggagaya niya. "Are you following me?" nakakunot ang noong tanong niya. Nagulat naman ako. God! His deep voice!
"W-What? O-Of course not!" mataray kong pagtanggi.
Tumitig naman siya sa mukha ko na para bang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pero alam kong napansin niya rin ang kaba ko. Fuck this!
Walang sali-salitang tinalikuran niya ako at muling bumalik sa sasakyan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.
Dali-dali kong iniliko ang kotse ko dahil hindi ko na alam kung hanggang saan pa kakayanin ng kahihiyan ko ang ginawa ko. Tangina!
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 6
Start from the beginning
