Tumingin naman siya sa 'kin.

"Yeah, siguro, since sila lang naman ang isa sa pinakamahirap na kalaban ng school natin."

Sabagay nung last na nakalaban namin ang school na 'yon ay natalo ang school namin.

Nang makapasok kami sa room ay nagulat ako nang makitang natutulog ang bago naming kaklase sa upuan nito.

Hindi siya bumaba?

"Did he just sleep here habang wala tayo?" rinig kong bulong ni Finn. Napansin niya rin pala.

Nagkibit-balikat lamang ako at pumunta na sa upuan ko.

Nagising naman ang katabi ko nang dumating na ang lecturer.

Maya-maya pa ay bumalik na rin sila Hazze.

Nang mag-uwian na ay wala akong kaimik-imik. Habang naglalakad kami ay nakita ko sa di-kalayuan na nakatingin sa akin si... ano nga ulit name niya? Ah basta yung bago naming kaklase!

Umiwas siya ng tingin nang makitang niyang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad habang lumilipad ang isip sa nangyari no'ng nakaraan.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa 'kin. Paglingon ko ay nakita ko si Ryke... ngunit hindi siya nakatingin sa 'kin.

"You okay?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango naman ako bilang sagot. Ewan ko pero parang wala akong ganang magsalita.

"Tsk, don't just nodded at me. I want to hear it from you that you're okay," tumingin na siya sa 'kin. Nanatiling naka-akbay pa rin.

Nang wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa akin ay napabuntong-hininga na lamang siya.

"Is it because Riley is not around? That's why you're not in the mood today?"

Umiling ako at napabuntong-hininga. Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa 'kin at tumingin sa kaniya.

"Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko noong nasa Mall kami ni Riley," panimula ko. Nagtaka naman siya.

"Why? What happened? Nag-away ba kayo?" sunod-sunod na tanong niya.

Sasabihin ko ba?

I guess I have no choice.

Bumuntong-hininga pa muna ulit ako bago nagsalita. "Nagpasama kasi siya sa 'kin para bumili ng gamit para sa activity na gagawin nila ni Rence..." tumingin ako sa kaniya. Seryoso lamang siyang nakikinig kaya itinuloy ko ang gustong sabihin. "Then, iniwan ko siya saglit para bumili ng ice cream namin, pagbalik ko I saw her with a random guy. But I didn't see his face that she was talking to that time... after that I asked Riley kung sino yung kausap niya... and she told me na classmate niya raw yun last year and also a frien--" he cut me off.

"Wait--diba sa London siya nag-aral last year?" naguguluhan niyang tanong.

"Ayun nga ang pinagtataka ko eh," mabigat akong bumuntong-hininga. "Pero ang sabi niya ay dito lang raw naisipan ng kaklase niya na magbakasyon."

Napaisip naman siya.

"Eh... kung hindi niya nga classmate yun and she's lying to you, anong problema dun? What I mean is nalulungkot ka ba dahil nagsinungaling siya sayo? Maybe sasabihin niya rin naman sayo hindi lang nangyari nung tinanong mo siya... baka hindi pa siya ready magsabi sayo since hindi pa naman gano'n katagal yung friendship niyo--"

"Hindi yun, Ryke, ano kasi..." tumingin ako sa kaniya. "Y-Yung lalaking kausap niya... a-ano..."

"What?"

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now