Hinampas ko siya.
"Aray! W-What was that for?" takang tanong niya. Tila nagulat sa paghampas na ginawa ko.
"Ginulat mo 'ko!"
"Oh, sorry," he gently said pagkatapos ay bahagyang hinawakan ang braso na hinampas ko. "So, saan tayo gagawa? Sa inyo?"
Napaisip naman ako. Paniguradong kapag nakita ni Daddy na may dinala akong lalaki sa bahay ay aasarin ako nito. Ayoko namang mangyari 'yon.
"Bawal ba sa inyo?" tanong ko.
"P'wede naman."
"Sa inyo nalang?"
Tumango siya. "Okay, I'll message you na lang. Sa saturday tayo gagawa."
"Sige."
Ako naman ang nagpresinta na bumili ng mga gamit na kakailanganin namin. Kaya naman kahit thursday pa lang ay naisipan kong bumili na. Wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay.
"1,378 po lahat, Ma'am."
Nakangiting inabot ko naman ang bayad sa cashier.
"May dalawang piso po kayo?"
Naghanap naman ako sa wallet ko at nang may nakitang barya ay agad ko itong iniabot sa kaniya. "Here."
Pagkatapos rin non ay umuwi na rin kaagad ako. Nang makauwi ay nakita ko si Daddy sa may sala, wala siyang ginagawa kaya naman nag-aya ako na maglaro ng chess. Last year pa kasi noong huling laro namin.
"Daddy, talo ka!"
Napakamot sa ulo si Daddy dahilan para matawa ako.
"I didn't expect na matatalo na ako ng anak ko," nahihiyang aniya.
Dalawang oras pa ang itinagal namin ay dumating na rin si Mommy kaya naman tumigil na muna kami ni Daddy sa paglalaro.
"Next time ka nalang bumawi, Dad," nakangising pang-aasar ko habang nililigpit ang mga pawn sa loob ng board.
Nagsimula na kaming kumain nang matapos si Mommy magbihis. Nagtanong naman si Daddy tungkol sa mga kaibigan ko.
"Si Rence? How is he?"
"Ayon, babaero pa rin po," uminom ako ng tubig bago muling nagsalita. "Pero parang malapit na po magbago yun since wala na akong naririnig na kung ano-ano about random girls," napaisip ako. "I think because of Riley."
"Riley?" takang tanong niya.
"Oo nga pala Dad, siya po yung bagong friend ko. Yung tinutukoy ko po sa inyo na pinuntahan ko nung nakaraan."
Hindi naman siya nagsalita at tumango lamang.
Paminsan-minsan lang nakakauwi rito si Daddy sa Pilipinas kaya naman hindi siya masyadong updated sa mga nangyayari sa buhay ko. Buwan rin ang itinatagal sa tuwing nakakatawag ito sa amin at nangangamusta. Busy kasi siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya kaya gano'n.
P.E namin ngayon kaya naman nandito kami ngayon sa gymnasium.
"And next, quadriceps stretch," ani Sir Tamayo.
Ginaya naman namin ang ginagawa niya.
Maya-maya pa ay natapos na rin kami kaya naman inaya ko muna si Riley na mag-cr pagkalabas namin ng gym.
"Hinatid ka ba niya pagkatapos?" tanong ko sa kaniya habang nag-reretouch.
Niyaya raw kasi siyang manood sa cinema ni Rence kahapon. Tiningnan ko naman siya sa repleksyon ng salamin at nakita kong tumango siya.
"Good to know."
"May gawa na kayo ni Hazze sa activity na pinapagawa ni Miss Glaiza?"
Umiling ako. "Bukas pa."
Pagtingin ko sa kaniya ay nakita ko siyang tapos na rin mag-retouch.
"Samahan mo 'ko later, please?"
Nagtaka naman ako. "Saan?"
"Bibili ng mga gamit na kakailanganin namin, konti lang naman yun since may iba nang gamit si Rence."
Tumango ako. "Okay."
Katulad nang napag-usapan ay sinamahan ko si Riley sa Mall.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa National Book Store at hinihintay ko nalang si Riley para magbayad sa cashier.
Mahaba pa ang pila niya kaya tumingin muna ako ng mga books.
Nakita kong may bagong restock ng libro ang author na paborito ko.
"Babalikan kita," nakangiting pagkausap ko sa libro.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Riley.
"Tapos na?"
Tumango siya. Bahagya niya pang itinaas ang mga dala niya.
"Let's go."
Bago kami lumabas ay inaya ko muna siya sa paborito kong bilihan ng ice cream.
"Libre ko na," nakangiting sabi niya, inabot niya naman sa 'kin ang pera. "Here, I'll wait you there," turo niya sa gilid kung saan may upuan. Tumango naman ako.
Nang makabili na ay pumunta na ako sa kaninang tinutukoy niya kung saan siya naghihintay. Napakunot naman ang noo ko nang mapansin na wala na siya roon.
Nasaan na yun?
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko siya sa di-kalayuan na may kausap. Hindi ko naman mawari kung sino ang kausap niya dahil may nakaharang na malaking tarpaulin.
Lalapitan ko na sana sila nang makita kong umalis na ang kausap niya, tumalikod na ito at naglakad papunta sa ibang way.
Lalaki?
Nang makalapit ako kay Riley ay napansin kong nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko.
"Kanina ka pa nandiyan?" gulat na gulat niyang tanong. Mahihimigan ang kaba sa boses niya dahilan para magtaka ako.
"Hindi naman," inabot ko ang binili kong ice cream sa kaniya. "Here."
"Thanks."
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang isipin yung kausap niya kanina. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na itanong sa kaniya.
"Sino yun?"
Napatingin naman siya sa 'kin.
"Anong sino yun?"
"Yung kausap mo kanina habang wala ako."
She cleared her throat. "U-Uh.. he's j-just a friend of mine, classmate ko last year" she then looked away. Tila ayaw salubungin ang tingin ko.
Nagtaka naman ako. Classmate?
"Akala ko ba sa London ka nag-aral? I mean, this year ka lang dito lumipat, right?"
Nagulat naman siya.
"Yes, N-Nagulat nga ako bakit nandito siya sa Pilipinas, then he told me na dito raw nila naisipan magbakasyon with family," pilit na ngiting aniya.
Eh bakit parang kinakabahan ka?
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 4
Start from the beginning
