"Why would I?" walang emosyong tanong nito dahilan para lakihan ko siya ng mata.

Tumingin naman ako kay Riley. Napansin kong nagulat siya sa inasal ni Hazze. Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya.

"Uh... he's Hazze Keeon Gutierrez, just call him Hazze, He's the captain of the basketball team in our school," pilit na ngiting pagpapakilala ko sa bwisit kong katabi. Pagkatapos ay mahina itong kinurot sa ilalim ng lamesa. Bahagya naman itong nagulat sa ginawa ko but I ignored him.

Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na kami para pumasok sa next subject.

"So, sa London ka talaga nakatira?" tanong ko kay Riley habang umaakyat kami.

She nodded. "Yes, but I already went here when I was a kid, we always visited my Lolo and Lola in Bulacan."

"Eh, bakit dito mo naisipan ipagpatuloy ang pag-aaral mo? Saka magaling ka magtagalog ah," singit ni Rence. Kanina ko pa nahahalata na nagpapapansin ito sa newbie. Tsh.

Napatingin naman si Riley sa kaniya.

"Even though we lived in London, hindi pa rin nawawala sa 'min yung pagsasalita ng tagalog, saka..." she paused.

"My Dad sent me here."

Mabilis makagaanan ng loob si Riley dahil kahit hindi sanay sa environment ay mahahalata mong sinusubukan niyang makipag-kaibigan sa amin.

"So, wala ka talagang ideya sa itsura ng lalaking napapanaginipan mo?" interesadong tanong ni Riley.

"Yeah," I sighed. "Hindi ko nga alam if totoo bang nangyari yun sa past ko or baka guni-guni ko lang."

Natawa naman siya. "Parang imposible namang guni-guni mo lang yun, baka nakalimutan mo lang dahil matagal nang nangyari besides you're just a kid during that time."

Napaisip naman ako.

"Maybe, since may panaginip ako na tinawag niya ako sa pangalan ko--"

"Really?" she asked, shocked was written on her face.

Tumango naman ako.

"What if you guys are meant to be? Like you know some novels that I've read, yung bidang babae is may kababata but she doesn't rememb--" I cut her off.

"Imposible 'yan, besides walang nakukwento sa 'kin si Mommy na may kababata ako noon."

Umirap siya.

"What if lang naman eh! Like what if nangyayari rin sa lalaking nasa panaginip mo yung nangyayari sa 'yo na napapanaginipan ka rin niya tapos what if--"

"Stop saying what ifs, maraming mga babae ang nasaktan at patuloy na nasasaktan diyan," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Hooh! Looks like you've already experienced na, ha! Who's that bastard?" mataray na tanong niya. Nakapamaywang pa siya dahilan para matawa ako. Tumingin naman ako sa kaniya.

"Sorry, I've never had a boyfriend before." I proudly said.

Nagulat naman siya. "Really?"

I nodded.

"Sakto, ipapakilala ko sa 'yo kuya ko," kumindat siya.

"May kuya ka?" gulat na tanong ko.

She quickly looked away. "Yes, pero hindi kami close eh, alam ko nasa States yun busy sa kung ano," parang nailang siya bigla. "Hayaan mo na yun, basta oo, may kuya ako."

Napansin ko naman na parang ayaw niya pag-usapan ang tungkol sa kuya niya kaya naman hindi na ako nagtanong pa.

Nandito kami ngayon sa bahay niya. Naisipan naming mag-baked ng cupcakes.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong magsimula ang klase. Naging malapit agad kami ni Riley sa isa't-isa lalo na't marami kaming pagkakatulad ng mga hilig gawin.

Nang matapos na kami ay nagpahinga na muna ako saglit at pinilit niya akong dito na kumain sa kanila. Since, hindi raw uuwi ngayon ang Mommy niya at wala siyang kasama kumain. Agad naman akong pumayag.

Halos ginabi na rin ako nang makauwi. Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat ako nang makita kung sino ang nakaupo sa sofa.

"Daddy?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Napatingin naman ito sa 'kin at nakangiting tumayo. Itinaas niya ang dalawang braso na tila hinihintay akong yakapin siya.

"Daddy, you're here!" masayang sabi ko at tumakbo papalapit sa kaniya upang yakapin siya.

Hindi ko mapigilang maging emosyonal.

"How's my Princess?"

Tumingin naman ako sa kaniya at pabirong hinampas ang dibdib niya.

"Why didn't you call me, Dad? Akala ko ay matagal ka pang makakauwi rito."

Natawa naman siya.

"Surprise," nakangiting aniya. "Hindi talaga ako uuwi ngayon," dugtong niya dahilan para magtaka ako.

"What do you mean, Dad?

"Nagkataon lang na dito muna mag-istay sa bansa yung boss ko. At ngayon nagsabi siya na matagal muna siyang hindi makakabalik sa trabaho. Kaya nabanggit niya rin na p'wede akong umuwi," mahabang aniya. Tumango naman ako.

"Si Mommy po?"

"Kanina pa siya tulog, pinapatulog niya na rin ako kanina para makapagpahinga na pero sabi ko ay hihintayin kita--oo nga pala, where have you been?" nanunuksong tumingin siya sa 'kin. "May hindi ba sinasabi ang anak ko? Does my daughter already have a boyfriend? Nako, hindi pa ako pumapayag na magpaligaw ka--"

"Daddy!" putol ko sa sasabihin niya. "Galing po ako sa bahay nila Riley, naisipan po naming mag-baked," pinakita ko ang hawak ko. "Here, tikman niyo po."

Marami pa kaming napagkuwentuhan hanggang sa dapuan na ako ng antok kaya ako na ang unang nagpaalam para makapagpahinga na rin siya.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now