Hindi naman ako masyadong nakapakinig sa orientation ng lecturer dahil panay ang sulyap ko sa babaeng bago naming kaklase. She has tanned skin. Humanga rin ako sa buhok nitong kulay kayumanggi at may pagka-wavy.

"Mukhang gaganahan akong pumasok," ngiting-ngiti ani Rence.

Kasalukuyang nandito kami sa may Canteen.

Ryke chuckled. "Mukhang type mo yung newbie ah!"

"Ah-ha!"

Dumating na ang in-order namin kaya naman tumahimik na sila at nagsimula na kaming kumain.

Nakakailang subo pa lang ako nang mapansin kong nakatayo mula sa malayo ang newbie. Napansin ko namang may dala itong pagkain at dahil baguhan ay nahihiya siyang makisalamuha sa iba. Kasalukuyan itong naghahanap ng mauupuan.

"Hey!" tawag ko rito.

Nagulat naman ang apat dahil sa biglaang pagsigaw ko.

Hindi ko sila pinansin at desididong paupuin ang babae rito. Pagtingin ko ay nakatingin na sa 'kin ang babae. Tinuro pa nito ang sarili na parang naninigurado kung siya ba ang tinatawag ko. Tumango ako.

"You can eat with us," nakangiting sabi ko nang makalapit ito.

Pinausog ko naman si Hazze na katabi ko at kumuha ng upuan.

"Here," alok ko.

Nahihiya naman siyang sumunod.

Pagtingin ko sa mga kaibigan ko ay nagtataka na ang mga itsura nila. Inirapan ko lamang sila at ibinalik ang tingin sa babae.

"Thank you," nahihiyang sabi ng babae nang makaupo sa tabi ko.

"No proble--"

"Hi, Beautiful, I'm Rence," biglang sabat ni Rence.

I glared at him but he ignored me. Nakangiti lamang ito habang ang tingin ay hindi na maalis sa babae.

Nagulat naman ang babae at nahihiyang tinanggap ang kamay ni Rence na bahagyang nakalahad na ngayon sa harapan niya. Papansin talaga 'to kahit kailan!

"R-Riley," sagot naman nito.

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"What's your name?"

Bahagya pa akong nagulat sa biglaang pagtatanong nito. Ngumiti naman ako bago sumagot. "Uh... Czerina, but call me Czer."

Tumango-tango siya pagkatapos ay tumingin sa mga kaibigan ko.

"Ryke Hendriel Diaz," nakangiting pagpapakilala ni Ryke. Halatang napilitan.

"Finn," maikling pakilala naman ni Finn.

Nakangiting tumango naman ang babae.

Tumingin kaming lahat kay Hazze. Hinihintay na magpakilala siya sa babae ngunit nakatuon lamang ang pansin nito sa pagkain niya. Nang mapansin niyang wala nang nagsasalita ay nag-angat siya ng tingin sa 'min.

"And you?" Riley asked.

Bahagyang kumunot ang noo nito nang marinig ang tanong ng babae. "What about me?" seryosong tanong niya. Nagtataka.

Kinabig ko siya.

"Magpakilala ka," I uttered.

"Huh?" wala talaga siyang ideya.

"I said introduce yourself to her," may diin nang sabi ko.

"I heard but--"

"Then tell her your name--" he cut me off.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now