"Block section daw ba tayo?"
He nodded.
"Nakakasawa na mukha ng mga classmate natin," nakasimangot na sabi ni Rence. Napatingin naman ako sa kaniya. "Walang chicks," nakangising dagdag pang aniya.
Sa nagdaan na bakasyon ay puro drawing, nood, at tulog lang ang ginagawa ko buong maghapon.
Kinakamusta rin ako ng mga kaibigan ko. Si Ryke, busy siya sa pag-aadvance reading para sa pasukan. Mabuting estudyante talaga.
Si Finn naman ay nasa Japan parin. Sabi ko sa kaniya ay bumili siya ng pasalubong para sa amin.
Si Rence, ayun, busy sa paghahanap ng true love niya, haha!
Si Hazze naman ay hindi ko alam. Hindi naman kasi siya nag-seseen sa group chat namin.
Bakit may mga gano'n tayong kaibigan 'no? Mga hindi marunong mag-seen sa group chat pero 'pag puro kalokohan naman ay sobrang active na. Eme!
Nagsimula naman akong gumamit ng mga skincare na binili ni Mommy para sa 'kin. Actually, hindi talaga ako nagpapahid ng kung ano-ano sa mukha ko bukod sa sunscreen. Pinilit niya lang ako, saka sayang kung itatapon ko lang.
Habang nag a-apply ako ng mask sa mukha, I heard my phone rang. Sinilip ko naman ito.
Daddy's calling..
"Hey, Dad," nakangiting bati ko pagkasagot.
"How's my daughter?"
"Well, I'm doing well naman po, sa ngayon bakasyon po namin kaya pahinga muna ang utak ko."
Nakita ko namang in-open niya ang camera niya. Napansin ko na nakahiga siya.
"Wala po kayong pasok, Dad?"
"Meron, but I am still not feeling well kaya hindi muna ako pumasok. Besides, may mag-aasikaso naman ng trabaho ko habang wala ako," napaubo siya pagkatapos sabihin 'yon. Napansin naman nito ang pag-aalala sa mukha ko.
"Don't worry, sweetheart. It's just a fever." pilit na ngiting aniya ngunit hindi nabawasan ang pag-aalala ko.
Nagkamustahan pa kami at ako na ang unang nagpaalam.
"Magpahinga kana, Dad, tatawag nalang po ako next time."
He gave me a warm smile. "Okay anak, I love you. Don't worry malapit na rin matapos yung inaasikaso namin, dadalawin ko kayo diyan."
"Opo, get well, Dad. We miss you," ibinaba ko na ang tawag at itinuloy ang ginagawa.
Dumating naman ang araw na nabagot ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa Mall para mamili ng mga bagong damit. Napangiti ako nang may nakitang bagong coffee shop. Pagkapasok ko pa lamang ay hindi ko na maiwasang mamangha sa garbo ng loob, lalo na ang pagkakadesenyo nito. Makikita rin ang nakakamanghang dami at iba't-ibang uri ng mga isda sa isang aquarium na nakalagay sa gilid kung saan may mga customer sa tabi nito.
Pagkatapos kong um-order ay naghanap na 'ko ng mauupuan. While waiting, I thought of taking some pictures.
"Ayan, perfect," nakangiting bulong ko habang tinitingnan ang mga kuhang pictures sa cellphone.
"Here's your coffee, Ma'am," nakangiting sabi ng crew dahilan para mag-angat ako ng tingin rito. Nagpasalamat naman ako at umalis na ito.
Ginabi na rin ako ng uwi. Mabuti na lamang ay dala ko ang sasakyan ko. Ngunit pagpunta ko ng parking lot ay parang may naramdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko ay kanina pa may nagmamasid sa 'kin. Kahit nung nasa loob ako ng coffee shop ay ramdam ko nang may matang nakamasid sa akin. Madilim ang parking lot kaya naman hindi ko mawari kung may sumusunod ba sa akin o guni-guni ko lamang 'yon.
Nang makalapit na ako sa sasakyan ko ay kinuha ko muna ang susi sa bag ko. Habang naghahanap ay bigla nalang may humablot ng bag ko.
"Hey!" sigaw ko.
Pagtingin ko rito ay pulos itim ang suot nito. Nakasuot din siya ng mask kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Nakipag-agawan naman ako habang pilit niyang hinahablot ang bag ko. Hindi na niya mapigilan at mukhang nauubusan na ito ng pasensya.
"Bitaw! Kung ayaw mong masaktan!" galit niyang sigaw.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang maglabas ito ng patalim. Dahilan para mapaatras ako at makuha niya ang bag ko. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang biglang may umagaw ng bag ko na nasa kamay ng magnanakaw.
Hindi ko ito pinansin dahil kumuha na ako ng tyempo para tumawag ng pulis.
Nasa kalagitnaan ako nang pagpipindot sa phone ko nang mapansin kong may nakalahad na kamay sa harapan ko. Pagtingin ko ay nakita kong hawak na nito ang bag ko. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki, matangkad ito at sa postura niya pa lamang ay mukhang ka-edaran ko lamang siya. Nakasuot ito ng sunglasses pero dahil madilim sa parking lot ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
Gabi na pero nakasuot ng sunglasses? May sira ba ulo nito?
Tumikhim pa muna siya bago nagsalita.
"Be careful next time, don't stay out this late again," seryosong aniya. Bahagya pa akong napa-oh sa lalim ng boses nito. Kahit naka-sunglasses ay alam kong nakatitig ito sa mukha ko.
Eh?
Nang makauwi ako ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nangyari. Ang lalaking tumulong sa 'kin.
Siya ba yung nararamdaman kong sumusunod sa akin o yung magnanakaw? Pero bakit niya ako sinusundan? Saka alam niya bang mapapahamak ako?
Bigla ko namang naalala ang nangyari no'ng nakaraang buwan. May taong nagligtas rin sa 'kin sa kamay ng lasenggerong lalaki na bigla na lamang nanghatak sa akin nung pauwi na 'ko. Wala akong dalang sasakyan nung araw na iyon. Kaya nag-grab na lamang ako ngunit habang naghihintay ay bigla na lamang may nanghatak sa akin. Mabuti na lamang ay may lalaking nagligtas rin sa akin. Ngunit nababalot ang mukha nito ng mask dahilan upang mata lamang nito ang tanging nakita ko. Hindi na ako nakapagpasalamat pa sa lalaki dahil bigla na lamang itong nawala sa paningin ko.
"Urgh!" inis kong binato ang unan sa kung saan.
Aaminin ko, matapos nang insidenteng nangyari sa akin dalawang taon na ang nakakalipas ay pakiramdam ko ay palagi nang may sumusunod sa akin.
Pero sigurado akong hindi masama ang intensyon ng kung sino mang sumusunod sa akin sa tuwing lumalabas ako, katulad nga ng binanggit ko tungkol sa nagligtas sa akin sa lasenggero; ang taong nararamdaman kong palaging sumusunod sa akin at ang tao na nagligtas sa akin sa lasinggero... ay iisa lamang.
Para bang binabantayan ako nito at inililigtas kung sakaling may mangyari man sa akin.
Sa kakaisip ko sa lalaking tumulong sa akin ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
Chapter 2
Start from the beginning
