Tumikhim pa muna ako bago sumagot.

"Uh... uhm I think the purpose of this study is to determine whether or not the activities in which students choose to participate have an effect on their academic performance." Sinalubong ko ang mga tingin ng mga ka-groupmates ko na nakikinig sa kin. "Since, the studies have been conducted assessing the effects of specific extracurricular activities on academic performance," I answered confidently. Mukha namang satisfied sila sa sagot ko. Lalo na si Faye.

Nagulat naman ako nang biglang may kumalabit sa'kin. Pagtingin ko ay nakasalubungan ko ng tingin si Hazze.

"What?" taas-kilay kong tanong rito.

He leaned his back on the wall.

"Kailangan ko pa bang pumunta sa inyo?"

Nagtaka naman ako.

"Tomorrow, for our defense." aniya pa.

Lalong tumaas ang kilay ko.

"Of course, bakit may pupuntahan ka ba bukas?"

Nalukot naman ang mukha nito sa sagot ko. Hindi na ako nito pinansin at bumalik na sa ginagawa.

Maya-maya pa.

"Okay, we're done, you guys can leave now, good luck sa'tin! We can do this! Basta aralin niyo lang saka basahin ng paulit-ulit yung papers natin, okay?" Faye gave us a thumbs up.

Napatango naman kaming lahat at sabay-sabay na nag-ayos ng mga gamit. Nang matapos na ay tumayo na kami at nagpaalaman na sa isa't-isa.

"Sabay na tayo," habol ni Hazze. Hindi pa ako nakaka-tatlong hakbang nang lumapit na ito.

Nang malapit na kami sa parking lot ay napansin ko ang pananahimik niya. Is he okay?

"Huy! Okay ka lang?" pagkuha ko sa atensyon niya.

Wala akong response na narinig mula sa kanya kaya naman tumingin ako rito. Nakatingin lamang ito sa nilalakaran habang bahagyang nakakunot ang noo na tila ba malalim ang iniisip.

Eto na naman siya. Nakatulala na naman.

"Hey!" malakas na sabi ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa 'kin. Nagtatakang tingin ang ipinukol niya sa 'kin.

"I'm asking you if you're okay lang ba, kanina ka pa kasi tahimik eh."

Nagulat naman siya pagkatapos ay pilit na ngumiti. "Y-Yeah, why?"

"Nothing, you know, you can tell me anything, para gumaan kahit papan--"

"Don't worry, I'm fine," mabilis na umakbay siya sa 'kin at ginulo ang buhok ko.

Agad ko namang hinawi ang kamay niya. "Ano ba! Nagugulo ang hair ko!" reklamo ko. Natawa naman siya dahilan para lumitaw ang malalim niyang dimple.

Lalo talagang gumagwapo ang isang 'to pag lumalabas ang biloy eh! Bakit kasi palaging seryoso at walang emosyon ang mukha kung puwede namang kahit papaano ay ngumiti manlang?

Masasabi kong sa aming magkakaibigan ay kay Hazze ako pinaka-close. Kahit na sa kanilang apat... si Hazze ang pinakahuling dumating sa amin. He transferred here in our school last year at naging malapit na agad siya sa amin. While Finn, Rence, and Ryke were already my friends since high school.

Kaso kadalasan ay napapansin kong wala si Hazze sa sarili niya. Minsan naman ay nahuhuli kong nakatulala siya na parang palaging malalim ang iniisip.

Naalala ko pa no'ng unang araw na lumipat dito si Hazze sa school namin. Sobrang tahimik niya at tila ba walang planong makipag-kaibigan kahit kanino. Halata rin no'n na ilag siya sa mga tao. Ngunit dahil kay Rence ay naging kaibigan namin siya. Noong una ay naiingayan pa si Hazze kay Rence at para bang gustong takpan ang bunganga nito. Pero ilang linggo pa lamang ang itinatagal niya ay nagsimula na siyang makisabay sa amin kumain sa canteen. Doon na rin nagsimula ang lahat.

Bakit mga lalaki ang napili kong kaibiganin? Simple lang. Siguro ay dahil sa past ko nung nagkaroon ako ng bestfriend when I was in elementary. Her name was Marga. Naging magkasundo kami kaagad at palagi niya akong ipinagtatanggol sa mga nagbabalak mang-away sa akin. But then after that do'n na 'ko nagsimulang maniwala na kahit gaano pa kalalim ang pinagsamahan niyo ng isang tao... darating pa rin sa puntong magbabago ito. Wala pang dalawang linggo ay kinalimutan na niya ako at sumama sa mga warfreak. Hindi naman siya nakikisali sa mga circle of friends niya kapag pinagtitripan ako ng mga ito. Pero hindi na tulad ng dati na ipinagtatanggol niya pa ako... dahil simula no'n ay palagi na lamang siyang nakatanaw mula sa malayo sa tuwing may mga batang nang-aaway sa akin.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita kong naghuhugas ng pinggan si Manang Delia sa may kusina.

Napatingin naman ito sa akin.

"Oh, andyan kana pala iha, hindi kana nahintay ng Mommy mo, sige na kumain kana riyan."

"Nasaan po pala siya?"

"Nakatulog na at napagod 'yon sa trabaho, may leche flan siyang binili para sa'yo, kunin ko lang," pagkasabi non ay tumalikod na ito at nagtungo sa kusina.

Napatingin naman ako sa nakahain sa lamesa. Tinola!

Umupo na ako at sumandok ng kanin. Maya-maya pa ay dumating na si Manang dala-dala ang pasalubong ni Mommy.

"Kayo po Manang, kumain na po ba kayo?" ngumunguyang tanong ko rito.

"Aba, oo iha, 'wag mo na akong alalahanin, kumain ka lang d'yan," tumango naman ako at bumalik na siya sa kusina.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para magpahinga.

"What a tiring day!" I yawned, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

And in my dreams, the mysterious boy with the blurred face appears again...

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora