Pero syempre nasa sa 'yo pa rin 'yan kung tutulungan mo ang sarili mo. Kumbaga, friends are just there to brighten up your surroundings, and also just like what I've said, they're there to assist you and lend a hand to you, to make things easier for you.

'Yung hindi ka iiwan at sasamahan ka kahit ano mang mangyari. 'Yung tutulungan ka kapag nakikitang nahihirapan kana. 'Yung ipapaintindi sa 'yo pag nakikitang naguguluhan kana.

And I am proud to say that I have friends who were there for me when I was having a hard time.

I am finally surrounded with the right people.

"Mr. Carnell!"

I looked at Rence but he's busy typing on his phone. Kinikilig pa ang gago.

"Mr. Carnell!"

Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin.

"Hoy, tawag ka ni Miss!" sita ni Ryke.

But Rence didn't hear it and continued typing to his phone.

"Mr. Geoff Lawrence Carnell!" malakas na sigaw na ni Ms. Santos.

Sa gulat ni Rence ay nabitawan niya ang phone niya. Nag-angat ito ng tingin at nakita niyang nakatingin na sa kaniya ang lahat. Tumatawa pa ang iba.

"Y-Yes, Miss?" nahihiyang tanong nito. Halata ang kaba sa mukha.

"Solve this math problem now!"

"Y-Yes, M-Miss, hehe."

"Pfft..." pigil na tawa ni Ryke na nasa likuran lang ni Rence. Kita ko naman kung paano ito nilakihan ng mata ni Rence.

"What now, Mr. Carnell? Ano pang tinitingin mo riyan!?" galit na talaga si Miss. Parang ano mang oras ay mangbabato na ito.

Bumalik naman ang tingin ni Rence rito. "Opo, Miss."

Dahil sa nangyari; hanggang sa papunta ng canteen ay nag-aaway ang dalawa. Just like they used to. Hindi kumpleto ang araw kung hindi sila magbabangayan.

"So, what now? Mag-aaway na lang ba kayo riyan? Order now guys, I'm hungry na!" reklamo ko.

"Ito kasi nakakainis eh!" angil ni Rence.

"Bro, I'm just laughing, what's the problem about that–" hinampas ko siya.

"Ayan! Kaya nag-aaway kayo eh, lakas mong mang-asar alam mo namang pikon 'tong isang 'to!" turo ko kay Rence.

"Ako na oorder," walang emosyong sabat ni Hazze.

I looked at him. Ngayon lang siya nagsalita. May problema na naman siguro 'to.

He looked at me with his cold eyes.

"Ah... katulad ng ino-order ko palagi. Saka isa na ring burger, thanks!" mabilis na sabi ko habang iniiwasan ang mga tingin niya. Nakakatakot kasi haha.

Tumayo naman agad siya at dumiretso sa food stall.

Break time namin ngayon at vacant sa next subject namin kaya dito muna kami magpapalipas ng oras.

Ah ewan! Kainis kasi 'tong dalawa na 'to! I was planning to go to the library dahil balak ko sanang manghiram ng libro na related sa topic namin sa research dahil may groupings kami mamaya pero baka doon pa mag-away itong dalawang mokong na 'to.

"Czer, ayaw pa rin akong tigilan oh!" maya-maya'y sumbong ni Rence.

Tiningnan ko naman ng masama si Ryke dahilan para mapatikhim ito at mapaayos ng upo.

Lumipas ang ilang minuto nang marinig kong magsalita muli si Rence.

"Are you guys free tomorrow?"

"Yeah," humihikab na sagot ni Ryke.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now