LXII - Muling pagbangon

1.7K 98 8
                                    

CHAPTER - LXII


Nakahanda naming pinagmasdan ni kuya Gayle, ang marahang paglapit sa amin ni Libra at ng kanyang mga kampon ng mga buhay na kalansay; mariing nakatingin sa amin ang kanilang mga mata—lalo na ang dilaw at nanlilisik na mata ng halimaw na si Libra.

Muli pang nagliwanag ang mga lamparang nakasabit sa magkabilang dulo ng kanyang sandatang patpat, na sinundan naman ng malakas na pagihip ng malamig na hangin; muli na namang umusbong ang makapal na hamog sa paligid.

Lalo kong hinigpitan ang pagkaka-tiklop ng aking mga kamao, na simula pa kanina'y iniipunan ko na ng enerhiya.

"Gisingin mo ang kapangyarihan ng espada..."

Napalingon ako ng biglang bumulong sa akin ang isang hindi pamilyar na boses, subalit napaka-kapal talaga ng hamog at halos wala na akong makita.

"Gisingin mo..."

Muli na namang bumulong sa akin ang boses—isa itong boses ng babae.

"Gisingin at gamitin mo ang kapangyarihan ng espada, bago pa mahuli ang lahat..."

"Mahuli ang lahat?" Bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na inililingon ang paningin sa mahamog at madilim na paligid nitong kakahuyan. Subalit wala talaga akong makita—ni hindi ko man lang alam o mapuntirya kung saan direksyon ba nanggagaling ang boses na 'yon.

"Oo... Gisingin mo na ang kapangyarihan ng espada..."

Noon ko lamang napagtantong sa isip ko pala nagmumula ang boses na 'yon, at mukhang ako lang ang nakakarinig at nakakapansin nito. Pero bakit?

At sino ba 'to?

Sinubukan kong kausapin ang boses sa pamamagitan ng pakikipagusap sa sarili ko, gamit lamang ang aking isip.

"Anong sinasabi mo? Anong espada? Anong huli—ano bang mangyayari?" Sambit ko sa sarili ko.

Subalit bago ko pa man marinig na sumagot ang bulong ay bigla namang lumabas mula sa makapal na usok ang isa sa mga kalansay na kampon ni Libra at mabilis na kumapit sa aking hita.

"Anak ng—" Dali-dali kong sinuntok sa bungo ang kalansay na mabilis namang nadurog, subalit magkaganoon ma'y patuloy pa rin ito sa pagkapit niya sa aking hita na lalo namang humigpit.

Muli akong nagpumiglas, muli kong sinuntok ang katawan ng walang ulong kalansay hanggang sa tuluyan ng magkanda-hiwa-hiwalay ang mga buto nito at tuluyan ng kumawala sa akin.

Mabilis akong tumalon paurong at muling naghanda habang alisto kong pinagmamasdan ang mahamog na paligid. Subalit hindi pa man nagtatagal ang sandali'y muli na namang lumabas sa aking harapan ang mga kalansay na lupon ng halimaw na si Libra.

At marami sila.

Naka-amba ang mga sandata at malapit na akong malapitan, sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawa pang makapag-ipon ng kapangyarihan mula sa aking mga kamao—kaya isa-isa ko silang pinagsusuntok, para kahit papaano'y hindi nila ako malapitan.

Nagawa ko namang tamaan ang ilan.

Ang ilan—

"Waahh!!"

Masyadong marami ang mga kalansay lumusob sa akin, hindi ko na nagawang iwasan sila at isa-isa na nila akong dinaganan. Mabuti na lamang at mabilis kong nadepensahan ang sarili ko at mabilis kong inihiga ang katawan ko para kahit papaano'y mawalan sila ng balanse habang nakapatong sila sa akin.

Kahit papaano eh, mahihirapan silang atakihin ako—lalo na magpupumiglas ako habang nakahiga. Kaya lang, napansin kong bumibigat sila—parang dumadami.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon