XVIII - Natpo

2.1K 116 39
                                    

CHAPTER XVIII

Abot tenga ang ngiting ikinukurba ng mga labi ko habang nagpapatuloy kami sa paglalakad, maya' maya ang paglingon at pagtingala ko sa matandang lalaking may hithit-hithit na pipa.


Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Kasama ko nang muli si Tatang Lucas.


"Ang ibig n'yong sabihin-i-itong batang 'to? Si Kelvin? Ang isinugo ng kaharian ni reyna Acacia para bawiin ang Balaning nasa kamay ni Bakunawa?" Gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Je'il.


Nang mga oras kasing 'yon ay hindi matapos tapos ang mga tanong ni Je'il sa amin ni Tatang, simula ng ikwento namin sa kanya ang mga nangyari bago pa ako mapahiwalay sa pangkat naming magpipinsan.


"Paulit-ulit?" Sagot ko. "Noong unang beses ko pa nabanggit 'yan e, noong nakita n'yo ako sa Elmintir." Dagdag ko.


"Hindi naman kasi kapani-paniwala." Nakangising bulong ni Je'il. Sumimangot ako at mabilis na nilingon si Tatang na noon ay napansin kong nakangiti rin.


"Tatang oh, ikwento n'yo nga sa kanya ulit." Sambit ko kay Tatang.


"Naku, naka-ilang ulit ko ng ikinwento 'yan simula kanina hindi ba?" Nakangiting saad ni Tatang Lucas habang marahan niyang ibinubuga ang usok na hinithit niya mula sa hawak-hawak niyang pipa.


"At nakailang tanong na rin 'tong si Je'il, paulit-ulit nga eh-parang ayaw maniwala." Nakasimangot kong tugon.


"Eh totoo namang hindi kapani-paniwala!" Natatawang sagot ni Je'il.


"Neknek mo. Unggoy!" Pang-aasar ko.


"Panget!" Pabiro akong binalikan ng pang-aasar ni Je'il.


"Nagsalita ang gwapo." Sagot ko.


"Ha! 'Wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo." Nakangising bulalas ni Je'il. "Alam mo na, gwapo e." Humalakhak s'ya matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon.


Napailing na lang ako habang pinipigilan ang sarili na matawa. Sira ulo talaga 'tong si Je'il.


Nagpatuloy kami sa paglalakad, sinuyod namin ang kahabaan ng napakababaw na batis dito sa kanlurang bahagi ng kakahuyan ng Buruta; hindi pa rin matigil sa pagtatanong si Je'il-hindi rin ako nagpa-awat sa pagsagot.


"Totoo nga kasi! Ulit-ulit 'to eh! Nakakabanas ka na eh!" Nagsisimula na akong mainis.


"Biro lang!" Bawi ni Je'il. "Natatandaan kong nabanggit mo nga sa akin at sa pinuno ang tungkol sa pagkakapadpad mo dito sa daigdig namin, pero hindi ko naman lubos akalain na totoo pala 'yon! Nakakagulat lang at nakakamangha! Sino ba naman ang makakapaniwalang..." Huminto s'ya ng bahagya para harapin ako ng nakangisi.


"Ano? Hindi kapanipaniwalang ano?" Singhal ko.


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now