IX - Morgul

2.2K 121 22
                                    

CHAPTER IX


Malamig ang simoy ng hangin at hindi magkamayaw patak ng ulang malakas na pumapatak sa bubong nitong lumang templo. Maaga akong ginising ng pinuno naming si Jotaro na kaagad naman akong inutusan na mag-ayos at magtungo sa kanyang bulwagan. 


Bibigyan daw niya ako ng mga huling habiin bago pa kami umalis ni Je'il patungong Buruta.

Inaantok man at para bang hinihila akong lamig para muling humiga at bumalik sa paghimbing ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo. Dali-dali akong naligo at nagbihis at pagkatapos ay nagmamadali akong nagtungo sa bulwagan ng pinuno naming si Jotaro.

 Nang marating ko ang bulwagan ay nakita kong naroon na rin si Je'il, gisng na gising na ito at halatang nakapag-ayos at nakapg-empake na rin dahil sa napakalaking bag nitong yari sa rattan na nakalapag sa sahig. Nginitian lamang ako nito.

"Handa ka ba para sa misyon mo, bata?" Sambit ni Jotaro na dahan-dahan namang tumayo mula sa kanyang trono at naglakad papalapit sa akin.

"Syempre." Nakangiti ngunit inaantok kong sagot.

"Mabuti kung ganoon, hindi ko na patatagalin ito. Isuot mo ito." Saad ni Jotaro na inaabot sa akin ang apat na piraso ng nakarolyong mga tela.

"Ordinaryong mga tela lamang ito, subalit ito ang sagisag ng mga taga Uruha upang ipakilala ang sarili nila bilang mandirigma ng tribo." Sambit ni Jotaro.

Ang totoo n'yan, kahit maliit lamang ang tribo namin; eh nahahati kami sa dalawang sekta: Ang mga Mulato at mga Mandirigma. Ang mga Molato eh 'yung mga bagong salta lamang sa tribo at kadalasang magagaan na misyon lamang ang ipinapataw sa kanila—parang mga baguhan, novice ganun.

Utusan. Hehe.

Dito sa Uruha, kapag Mulato ka—hindi ka bibigyan ng sagisag, kase madalas naman hindi ka lumalabas ng templo, kung lalabas ka man eh siguradong sa kakahuyan ka lang ng Tanlimook maitatalaga, para mangaso okaya naman eh para mag-bantay kung sakaling may ibang taong maliligaw o mapapadpad dito sa kagubatan. O kaya naman eh sa maliit na nayon sa labas nitong kagubatan—hanggang doon lang.

Pero kapag mandirigma ka na ng Uruha, kadalasang itinatalaga ka sa mga malalayong lugar, mga lugar na tipong araw ang bibilangin bago ka pa makabalik—minsan pa nga taon. Katulad na lang ni A'ron, noong unang linggo ko pa lang dito sa Uruha ay doon ko unang nakilala si A'ron—kakadating lang niya noon mula sa misyon niya, ang sabi tatlong taon na daw simula noong umalis s'ya ng templo para sa kanyang misyon.

Kadalasang mapanganib ang mga misyong ipinapataw sa mga mandirigma ng Uruha, kaya naman piling pili lamang ang mga mandirigma sa amin, kung bibilangin ko—siguro apat lang yata ang mga mandirigma namin; si Jotaro, si Je'il, si A'ron at si Pau—ako na 'yung pang-lima.

"M-maraming salamat po!" Nauutal ngunit nagagalak kong sagot. Hindi ako makapaniwala. Tatlong buwan pa lang naman ako dito at alam ko sa sarili kong napakahina ko pa kumpara sa mga mandirigma ng tribong Uruha pero—tignan mo nga naman.

Marahang ibinalot ni Jotaro ang mga tela sa magkabila kong braso at paa, parang benda ang mga ito kung titignan. Halos hindi ko magawang makapagsalita sa tuwa at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti.

Hindi ako makapaniwalang igagawad sa akin ang napakataas na posisyon na 'to. Ako na isang napakahina at baguhang taga-lupa? Oh c'mon...

 Matapos mahigpitan ng pinuno ang pagkakatali sa mga telang ibinalot niya sa mga braso at paa ko ay dahan-dahan itong tumayo, ngitian ako at marahang nagsalita.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon