V - Si Je'il at ang estilong Sayonatsi

2.8K 138 31
                                    

CHAPTER - V


Patuloy ako sa pagtakbo at patalon talon sa mga sanga ng mga punong halos dikit dikit dito sa buong kakahuyan ng Tanlimook. Pawis na pawis, humihingal at tila ba nanginginig na sa pagod ang buo kong katawan, subalit hindi ako maaaring huminto—nasa gitna pa kasi ako ng pagsasanay ni Jotaro.


Halos lumampas na ang oras ng tanghalian, medyo gutom na ako—gutom na talaga, kaso parang walang balak 'tong si pinuno na mag-time out muna para kumain, takte; simula noong ikwento n'ya sa akin ang tungkol sa kapangyarihan ng espadang 'to eh hindi na kami tumigil sa pag-eensayo.


Simple lang naman ang pag-eensayong 'to. Kailangan ko lang paghandaang mabuti ang bawat atake niya at salagin ito gamit ang espadang kahoy, at gamit ang espadang kahoy eh dapat maibalik ko sa kanya 'yung atakeng ibinato n'ya sa'kin...


Parang counter-attack...


Simple lang 'di ba?


Neknek mo. Ang hirap kaya!


Dahil napakabilis kumilos nitong si Jotaro, sobrang bilis na tipong sa umpisa nasa harapan mo lang s'ya—pag-kurap mo wala na, magugulat ka nalang at nasa likod mo na s'ya. Mahirap. Kanina pa nga kami naghahabulan—kanina pa n'ya ako hinahabol.


Wala kasi akong maisip na ibang paraan, hindi pa kasing talim ng pakiramramdam ni Jotaro ang pagiging alerto ko. Ni hindi ko nga maramdaman kong kailan at saan s'ya biglang susulpot.


"Iwas bata."


Parang ito—


"Sanda—arkh—aray..." Napahinto ako sa pagtalon ng makita ko sa harapan ko si Jotaro, nanlaki ang mga mata ko na sinundan ng mabagal na pag-angat ng mga braso ko para protektahan ang sarili ko mula sa mga kamao niyang dahan-dahang papalapit sa aking mukha.


Kaso, napabagal ko talaga.


Wala akong nagawa, at katulad ng mga senaryong kanina ko pa nakikita simula ng umpisahan namin itong pagsasanay—wala akong ibang nagawa kung hindi ang tanggapin ang suntok ng pinuno.


Natigilan ako at dahan-dahang tumupi sa sakit ng atakeng iyon, para akong nanigas—dahan-dahang tumupi ang katawan ko, dahilan ng mabilis at malakas na pagkahulog ko mula sa mataas na sanga ng punong kinatatayuan ko kanina.

Ang sakit talaga... Lalong sumakit 'yung tiyan ko. Natakpan ko nga 'yung mukha ko, pero nakalimutan kong bukas ang depensa ng tyan ko.


"Ano bang ginagawa mo, bata? 'Di yata't pinangungunahan ka ng takot?" Sambit ni Jotaro na nararamdaman kong papalapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang braso ko at dahan-dahan akong tinulungan upang makatayo.


Hindi ako nakapagsalita, namimilipit na talaga ang tyan ko sa sakit.


"Magpahinga muna tayo." Marahan na sambit ni Jotaro.


Hay, sa wakas. Break time. Kanina ko pa gustong marinig 'yan e.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora