LV - Lirok

2K 98 28
                                    

CHAPTER - LV


Hindi na kami dumaong sa aplaya ng siyudad ng Natpo, hindi na rin kami pumasok sa loob ng siyudad. Masyadong delikado raw sabi ni Batluni, kahit na isuot pa namin 'yung mga nakakairitang ninja suit na ipinahiram sa amin ni Pau eh hindi naman sigurado kung wala bang makakapansin sa amin.


"Masyadong takaw-pansin ang mga kasuotan niyo dito sa Natpo, lalo pa't dito talaga kayo pinaghahahanap." Bilin ni Batluni sa amin.


Sayang. Gusto ko pa man ding tikman 'yung version nila ng softdrinks dito. Pfft. Kung minsan talaga KJ din 'tong si Batluni e.


Sa likod kami ng mataas na bundok na katabi ng Natpo kami dumaong, sakto namang may dalampasigan sa parteng iyon ng bundok kaya naman hindi nahirapan si Lerting na idaong ang barkong panghimpapawid.


Mula sa dalampasigan ay sabay-sabay naming sinuong ng mga pinsan ko, ni Marie, Kheena at Batluni ang makapal at tahimik na kakahuyan. Katulad ng dati; ay nagpumilit na magpa-iwan sa barko ang mag-amang dwende, sila na daw ang magbabantay ng barko; 'wag na raw kaming mag-alala.


Kaya nagsipaghayo na kami.


Badtrip pa nga kasi medyo maputik 'yung lupa—matarik pa; naalala kong bundok nga pala 'to.


Peste talaga eh. Ang init pa.


"Sigurado ka bang dito mo nakita 'yung usok kuya? Sigurado ka bang nandito na sina Tatang?" Tanong ni Paolo na napaghahalatang mas pagod pa sa amin; tagaktak na siya ng pawis at halos bumagsak na ito sa pagod—hingal baboy este kabayo na rin ang loko.


Ang taba kasi eh hehe.


"Oo, sigurado ako—dito ko nakita 'yung usok na kulay violet, eh halatang si Tatang lang naman ang gumagawa n'on." Sagot ko. "Bilisan mo na lang d'yan, para pag nakita na natin sila makakapagpahinga ka na." Bulalas ko habang inaalalayan ang sarili ko sa pag-akyat. Mabuti na lang talaga at dikit-dikit ang mga puno at baging dito—kung hindi baka kanina pa ako nadulas.


Hindi naman naglaon at narating namin ang kinaroroonan ng usok, isang malaking siga ang maigting na naglalagablab ang ngayon ay pinalilibutan ng isang grupo ng mga taong lalong nagpa-laki sa mga ngiting dahan-dahang gumuhit sa aming mga mukha.


Sa wakas, narating rin namin ang kinaroroonan ng Pinuno, nina tatang at ng iba pa...


Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanila at mabilis na sumaludo sa harap ng pinuno kong si Jotaro, daglian kong inilapat ang kanan kong kamao sa kaliwa kong dibdib at mabilis na yumuko sa harap ng pinuno. Ginantihan naman ako ng pinuno at sumaludo rin at pagkatapos ay muling nanumbalik sa pagkaka-upo.


Binalingan ko ng tingin si Je'il na nang mga oras na 'yon katabi naman ni Tatang, nakatingin ito sa akin at nakalabas ang nakakaloko n'yang ngisi. Alam ko ang ibig sabihin ng ngisi n'yang 'yon kaya dahan-dahan ko s'yang nilapitan at ng makalapit ako sa kanya'y mabilis kong binitawan sa kanya ang kanan kong kamao na mabilis naman niyang nasalo at napigilan.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now