XXX - Ang koponan ng mga pirata laban sa koponan ng batang taga-lupa

1.9K 118 25
                                    

CHAPTER - XXX



Nagtungo kaming mga kasaling manalalaro pati na rin ang mga manonood sa labas ng nayon kung saan nagpamangha sa akin ang isang malawak at luntiang parang. Sa isang banda ay may nakahilerang mga upuan at sa harapan ng mga upuang ito ay makikita ang mga batong nakahilera ng paikot at pinalilibutan ang isang parte ng maramong parang.


Naisip ko ng kaagad kung ano ang silbi ng mga batong iyon.


"Dito sa gitna ng mga nakahilerang bato magaganap ang labanan ng mga miyembro ng bawat koponan, katulad pa rin ng dati ang mga patakaran; ang sino mang lumagpas o lumabas mula sa mga bato ay talo, ganun na rin ang mangyayari kung ang isa sa dalawang magkalaban ay hindi na makakayang tumayo upang lumaban. Kailangang maging malakas!" Nagagalak na saad ng mensahero sa lahat.


Sabi na eh. 'Yun 'yung ring.


Dali-daling tumakbo ang mensahero sa gitna ng mga nakahilerang bato at mabilis na kinawayan ang mga manonood na ngayon ko lamang napansin na napakarami pala.


Masigabong palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw mula sa mga manonood, lumagpas na ang tanghali at padating na ang hapon pero grabe pa rin ang init ng araw.


"Bueno, magsimula na tayo!" Nagagalak na saad ng mensahero. "Lumapit na dito ang mga unang koponan na maglalaban." Dagdag niya.


Kinakabahan man, ay marahan na kaming naglakad nina tatang at Je'il palapit sa ring; sa may kaliwang bahagi kami ng ring lumapit, habang ang kalabang koponan naman ay sa kanan. Swerte na lang talaga kami at tatlo rin ang mga miyembro ng koponang makakalaban namin, bukod sa ampapangit nila at mukha silang member ng kiss na may dala dalang mga naglalakihang sandata; eh wala na akong iba pang napansing kakaiba sa kanila.

 Ayos 'to. Mukhang magiging madali 'to para sa'min.


"Para maging mabilis," Saad ng mensahero. "Ay dalawa mula sa dalawang koponan ang maglalaban-laban, ang sinumang manalong koponan ang siyang uusad para sa sususnod na bahagi ng palaro, at ang matatalo naman? May pag-asa pa sa susunod na taon!" Humagikgik ang mensahero. Wala namang tumawa mula sa mga manonood.


Ah, joke pala 'yung huli.


"Bibigyan namin ng isang minuto ang bawat koponan para pumili ng mga miyembrong lalaban." Nilingon kami ng mensahero "Umpisahan na ninyo ang pagpili."


Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Eto na talaga, mag-uumpisa na; mabuti na lang talaga at dalawa lang sa bawat koponan ang makikipaglaban—-ayos.


"Tatang ikaw na la—-"


"Je'il, handa na ba kayo ni Kelvin?"


Napa-tulala na lang ako ng sambitin ni tatang ang mga katagang 'yon. Naman eh—-magrerekwes pa naman sana ako na sana sila nalang muna ni tatang!

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon