III - Pulseras

2.7K 142 62
                                    

CHAPTER - III


"Akala ko ba mag-eensayo kami? Anong oras na—" Wala akong magawa kung hindi ang bumuntong hininga habang mayat-maya kong binubunot ang mga maliliit na damo. 


Nandito ako ngayon sa malawak na lupaing pinapaligan templo. Dito kami madalas na magsanay—ginagamit naming parang punching bag 'yung mga troso na nakatayo dito. 'Yung iba nga may mga uka na dahil sa araw-araw namin 'tong sinisipa o kung minsan naman eh sinusuntok. Pero mas madalas kong nakikitang hinahampas 'to ng mga kasahan ko ng mga sandata nila, itak, sibat—basta mga sandatang pandigma. 


Kawawang troso...


Alas-singko na ng umaga, medyo nagliliwanag na rin; ang aga ko nagising dahil sa sinabihan ako ni Jotaro na mag-sasanay kami ngayong araw—ang aga ko nagising, halos wala pa nga akong tulog. Nagawa ko nakainom ng dalawang tasa ng kape pero ni anino n'ya hindi ko napansin. 


Nasaan na ba talaga 'tong Pinuno namin?


Nakayuko na lang ako at nakaupo habang hinihintay ang pinuno naming si Jotaro. Pinaglalaruan at maya't mayang binubunot ang mga damo—nakakainip. 


Bigla ko napansin ang mga bakal na pulseras na ibinigay at ipinasuot sa akin ni Batluni dati. Napangiti ako. 


"Ang tagal ko na rin palang suot 'to 'no?" Nakangiti kong bulalas habang pinagmamasdang mabuti ang mga pulseras ko sa magkabila kong braso at mga paa. Hindi ko na ramdam ang dating napakabigat nitong timbang—halos parang wala nga akong suot na pabigat. 


At tama rin ang sinabi sa akin ni Batluni na sa pamamagitan nitong mga pabigat na 'to, eh mas mapapadali ang pagkontrol ko sa kapangyarihan ko—ang galing. Kahit hindi ko pa rin lubos maisip kung papaano, pero ang galing talaga. 


Isa nalang talaga ang pinoproblema ko...


"Paano ko ba tatanggalin 'tong mga lintik na 'to?" Samo ko habang sinusubukang alisin ang mga pabigat sa braso ko. Ang tagal tagal ko na ring suot 'tong mga 'to eh—minsan nakakairita na. 


Sinubukan ko na lahat eh, lahat ng mga alam kong paraan para alisin 'tong mga bakal na 'to. Kaso wala eh—wa epek. Mantika, 'yung pampadulas ng gumamela ('yung madalas gawing bula), kinagat kagat ko pa nga 'to eh—kaso wala talaga. 


"Sinusubukan mo bang hubarin ang suot mong pulseras?" 


"Huh?" 


Hindi ko man lang napansin na nasa likuran ko na pala si Jotaro, huminto ako saglit sa pabgutingting ng suot kong purselas at dahan-dahang nilingon ang aming Pinuno. 


"Magandang umaga pa, pinuno!" Daglian akong tumayo, ipinatong ang kanang kamay ko sa kaliwa kong dibdib at dahan-dahang yumuko para batiin ang pinuno naming si Jotaro. 


"Hmm..." Mungkahi ni Jotaro. Dahan-dahan itong naglakad papaikot sa akin habang mariin niyang pinagmamasdan ang mga purselas na naka-kapit sa mga braso at paa ko. "Hindi madaling makalas mula sa pagkakasuot ang mga bakal na 'yan—naalala ko; may ganyan rin ako dati, noong kasing edad mo pa ako." Nakangiti niyang dagdag. 

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now