XIV - Mga halimaw ng nakaraan [Paghahanap sa nayon ng mga Alan (2)]

1.9K 121 27
                                    

CHAPTER XIV


"Ibaba mo na at iwanan 'yang sako na 'yan dito." Utos ni Je'il ng makababa na kami mula sa itaas ng puno; nasa labas kami ng bunganga ng maliit at misteryosong kweba—ang tanging daan upang makapasok kami sa madilim na kagubatan ng Buruta.

"Ha? B-bakit? Hindi ba pagkain ang laman nito?" Nakataas ang kilay ko at tila ba naguluhan sa mga sinabing iyon ni Je'il.

Tumawa naman si Je'il. Lalong kumunot ang noo ko.

"Hindi ka pa ba nakahalatang hindi naman talaga tamales ang laman ng sako na 'yan? Napakabagal mo naman palang makahalata! HAHA!" Pinipigilan ni Je'il ang sarili niya mula sa pagpapakawala ng isang napakalakas ng halakhak.

Sabi na eh. Hindi tamales ang laman nito. Naku, napipikon na talaga ako!

"Eh ano bang laman nito?" Bulong ko habang mabusisi kong kinakalas ang mahigpit na pagkakatali ng lubid sa sako—hindi ako nakapag-timpi, madali kong kinuha ang espdang kahoy na nakasabit sa tagiliran ko at mabilis na sinaksak ang mabigat na sako.

Nagulat na lang ako ng makita ang pino at kulay dilaw na bagay na mabilis na kumakawala mula sa sako ng hugutin ko ang isinaksak kong espada.

"Buhangin?" Nilingon ko si Je'il na bigla namang napahagikgik. "B-buhangin ang laman nitong sako? Nasa'n na ang Tamales?" Naguguluhan kong tanong.

Sabi na eh—sabi na talaga eh. Hindi tamales ang laman nito!

Pero hindi 'yun ang lalong nagpa-inis sa'kin eh...
"Nasaan na 'yung tamales?" Pinandilatan ko ng mata si Je'il na lalo pang natawa.

Dalawang oras kong bitbit-bitbit 'tong sako na 'to, inalalayan ko pa naman din ng maigi kasi ayokong masira 'yung mga tamales tapos... Tapos buhangin lang pala ang laman? NASAAN NA ANG MGA TALAMES?!

"Narito ang pabaong saging at tamales ni Lapaz." Humahagikgik na saad ni Je'il habang ipinapakita sa akin ang laman ng dala niyang bag. May limang piraso ng malalaking tamales na nakabalot sa dahon ng saging ang nakita kong nakasalansan ng maigi sa loob ng bag, sa tabi nito ay dalawang piling ng saging. "Baka umiyak ka." Dagdag ni Je'il.

"Letse." Nakasimangot kong sagot na maya-maya naman ay napapalitan ng kaunting pag-ngisi. Sira talaga 'tong si Je'il.

Mabuti naman at may makakain pa akong tamales. Akala ko talaga magugutom lang ako sa paghahanap sa nayon ng mga Alan sa oras na pumasok kami ng kweba at makarating sa kagubatan ng Buruta.

Pero, napag-usapan na rin ang tungkol sa kweba...

"Ano, handa ka na?" Bulalas ni Je'il habang sinisimulan na naitong unatin ang kanyang mga biyas, bahagya pa itong nagpatalon-talon habang pinapalagutok ang kanyang leeg. Halatang inihahanda ang sarili.

Napalunok ako na sinamahan pa ng napakabigat na buntong hininga. Sandali kong pinagmasdan ang lagusan nitong kweba at pinakiramdaman ang buong paligid; nakakabingi ang katahimikan at medyo makapal ang hamog dito, sanay na naman ako sa ganitong paligid, sa Tanlimook nga—sa kakahuyan kung saan naroon ang templo ng Uruha ganito rin eh...

Pero kakaiba talaga ang pakiramdam ko kada titingin ako sa bukana nitong kweba...

"O-oo naman." Nauutal kong saad.

"Sigurado?" Saad ni Je'il. "Baka mabulilyaso tayo at mapahamak sa loob nitong kweba dahil d'yan sa pagdadalawang isip mo." Dagdag nito.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now