XXII - Uwian

1.9K 110 37
                                    

CHAPTER - XXII



Natpo [Gabi]

[Kelvin's POV]

----------


"Hello--" Bati ko sa mga gulat na gulat na mga taong narito sa gitna ng siuyad, nakatakas na kami mula sa kamay ni Nakuayen sa arkantarilyang nasa ilalim nitong gising na gisng na siyudad ng Natpo. Salamat sa dambuhalang ugat ni Tatang, dabest talaga--ilang beses na ba akong iniligtas ni Tatang?


"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan?" Gitna ni Je'il. Dali-dali niyang binuhat ang isa sa mga batang Alan na akay-akay ko at mabilis na tumakbo palayo.


Nagulat naman ako at napakamot ng ulo.


"Madali bata, siguradong hindi magtatagal ay maabutan na tayo ni Nakuayen." Bulong sa akin ni Tatang, tinapik n'ya ako sa balikat at mabilis na tumakbo upang sundan si Je'il.


"Sus, sa lakas ng pagkakabarog n'ya sa pader kanina, sigurong bukas pa makakatayo 'yun." Nakangisi kong bulong habang dahan-dahang inaalalayan ang batang alan, buong lakas ko itong kinarga--grabe ang bigat.


"Akala n'yo ba'y makakatakas kayo ng gano'n ganoon na lang?" Dinig kong boses mula sa may likuran ko, nilingon ko ito at nakita si Nakuayen na nakatayo, nakayuko ito at dahan-dahang tumingala para harapin ako. "Hindi kayo makakatakas!" Sigaw nito.


"Tsk, ang kulit." Pabulong akong suminghal.


Pinagmasdan ko ang paligid--maraming tao, marami ang masasaktan at mapipinsala kung dito kami maghaharap... Paano ba 'to?


Tsk. Isip Kelvin, mag-isip ka.


"Ibalik mo sa akin ang batang Alan na yan..." Sambit ni Nakuayen habang papalapit ito sa akin.


Pa'no ba 'to? Kainis...


"Ibalik mo ang batang ALAN!" Napasigaw si Nakuayen, halatang galit na.


Ah, bahala na.


"Ibalik mo sa--"


"Sige, sige. Ibabalik ko sa'yo." Sagot ko habang inilalahad sa sa direksyon ni Nakuayen ang nakaladlad kong palad. "Sa isang kondisyon... Kailangang maiwasan mo ang estilong 'to." Dagdag ko.


Natigilan si Nakuayen at para bang natawa ng marinig ang sinabi ko.


"Estilo? Hanggang ngayon ba'y hindi mo pa rin maintindihan na hindi n'yo ako kayang salangin? Walang kwenta ang mga atake mo sa akin..." Napangisi ito at napailing. "Pero sige... Ipamalas mo nga sa akin ang estilong ipinagmamalaki mo, pagbibigyan kita... Tutal, dito na rin naman matatapos ang lahat para sa'yo bata." Nagpakawala ito ng isang napakalamig na halakhak.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon