XXXIII - Ang pangkat ng mga batang taga-lupa [1]

1.7K 106 17
                                    

CHAPTER - XXXIII



"K-kuya?"


Dali-daling hinubad ng nakalutang na manlalaro ng Prontera ang suot-suot niyang maskara, lalo naman akong nagalak ng mapagtanto kong hindi pala ako nagkamali sa hinala kong si Paolo nga ang misteryosong manlalarong 'yon.


Dali-dali siyang bumaba ng lupa at mabilis na tumakbo upang lapitan ako.


"Sabi ko na nga ba eh! Buhay ka! Sabi ko na nga ba eh!" Nagagalak na hiyaw ni Paolo sa akin habang walang humpay nitong tinapik ang mga balikat ko.


"Kuya Gayle! Buhay si Kuya Kelvs!" Bulalas ni Paolo kay kuya Gayle.


Gulat na gulat at halos hindi makapag-salita si kuya Gayle habang nakatingin ito sa akin, bakas sa mukha nito ang pagtataka--hindi ko alam, dilat na silat s'ya eh. Parang nakakita ng multo.


"Kuya? Okay ka la--ARAY!"

Isang malakas na suntok mula sa kanang kamao ni kuya Gayle ang mabilis na sinalo ng mukha ko, sa sobrang lakas eh napa-upo ako mula sa kinatatayuan ko.


"PROBLEMA MO?" Singhal ko habang hinihimas ang noon ay nanakit kong panga.


Pero imbes na sumagot ay mabilis namang ngumisi si kuya Gayle, marahan itong yumuko para tignan ako, tinitigan ko naman s'ya habang hinihimas pa rin ang namamaga ko na atang panga.


"Tagal mo." Ngisi ni Kuya Gayle.


Hindi naman ako sumagot, bagkus ay sinagot ko na lamang ng ngisi si kuya Gayle na sinabayan pa ng isang hagikgik.


Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay na kaagad ko namang inabot, at dali-dali akong inalalayan ni kuya Gayle para muling makatayo.


Nagtitigan kaming tatlo: ako, si Paolo at si kuya Gayle. Bakas sa mga mukha namin ang hindi maikukubling kasiyahan, sa wakas...


Kumpleto na ulit kami.


"Laki ng pinagbago mo kuya ah!" Puna sa akin ni Paolo na hindi pa rin matigil sa pagtapik sa balikat ko.


"Syempre!" Minadali ko ang paghalukipkip ko sa aking mga braso. "Hindi naman pwedeng kayo lang ang malakas." Ngumisi ako.


Narinig ko naman ang dagliang paghagikgik ni kuya Gayle.


"Problema mo?" Tanong ko.


"Lul." Natatawang sagot ni Kuya Gayle sa akin.


Pailing-iling na lamang akong napakamot sa sagot sa aking 'yon ni kuya Gayle, hindi pa rin talaga nagbabago 'tong mokong na 'to.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon