Chapter 1 (edited)

727 5 3
  • Dedicated kay Robert James Reid
                                    

Chapter 1

     Nagkakagulo ang buong campus nang dumating ang sikat na half-aussie singer na si James Reid na nagpasya na pumasok sa naturang paaralan.

    Sa edad na 17 ay naging matagumpay na siya sa kanyang larangan. Mula nang sumikat si James ay napilitan siyang mag home school para kapag makapag-aral kahit ginagawa niya ang gusto niya iyon ay kumanta at magpasaya ng tao sa pamamagitan ng mga awit niya. Nasa huling baitang na sa siya hayskul kaya minabuti niyang maranasan ang mag-aral sa isang normal co-ed school. Isa rin sa mga dahilan niya upang makapagpahinga siya ng ilang buwan sa kanyang career mga nakaraang taon ay naging abala siya sa concert tours niya at event na binigay sa kanya ng music company kung saan siya nakapirma.

Nagtitilian ang mga babaeng estudyante nang makita nila si James bumaba ng kanyang sasakyan kasama ang kaibigan niyang si Ivan. Halos nagsisiksikan ang mga estudyante para lang makapagpa-autograph sa kanilang idolo.Merong iba na ninakawan pa ng halik sa pisngi o yakap ang natural na binata pero hindi niya inalintana iyon sa pinili niyang gustong gawin kaakibat nito ang pagpapahalaga sa mga sumusuporta sa kanya.

Sa hindi kalayuan, may isang babaeng estudyante nakatanaw sa malayo kasama ang kanyang kaibigan. Napangiwi ang expresiyon ng mukha niya ang nasaksihan niya eksena sa kanilang paaralan nang dumating ang natural na singer.

"Ang mga babaeng ito ang haharot, kulang na lang iduldol ang sarili sa lalaki." sabi niya sa kanyang isipan habang nakatingin doon.

“Fretzie, punta tayo doon magpa-autograph tayo kay James," Nakangiting wika nito na abot langit ang kaligayahan nang makita ang naturang binata.

"Hay ang gwapo talaga niya kahit sa malayo.”  Kinikilig na ito sa tabi niya na kulang na lang ay maglumpasay na siya sa semento.

“Trish, nasisiraan ka na ba? Ayokong makipagsiksikan doon no.” seryosong sambit nito. Umalis si Fretzie sa kanyang kinatatayuan habang sinundan siya ng kaibigan niyang si Trish.

“Fretzie, Sandali. Samahan mo na ako kahit sandali lang. Ultimate crush ko si James at  ito na ang pagkakataon na mapalapit sa kanya. Wala man lang moral support diyan, sis?” nakangusong sambit ni Trish kahit kailan talagaasal bata ang kaibigan. Napabuntong hininga na lang siya dito.

"Ok. Bahala ka sa buhay, mo."

"Fretz naman eh!"

“Ayoko!" mariing niyang tanggi.

"At isa pa ano ba nakita mo sa kanya? Bat patay na patay ka sa kanya? Oo nga’t gwapo siya baka wala naman laman ang utak niyan at isa pa huwag mo ngang sayangin ang oras mo sa kanya. Ano ngayon kung sikat siya?” Sa sobrang pag-tatalak niya ay hindi niya na pansin ang kaibigan niyang sumisenyas sa kanya. Nang lumingon ito sa likuran niya ay nakita niya si James Reid kasama ang kaibigan nito. Kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat.

   Sa mga oras na yun gusto na niyang ilibing ang sarili niya sa lupa sa sobrang kahihiyan aminado siyang narinig ni James ang lahat ng sinabi niya. Hindi siya makatingin sa mata nito alam niya tinitigan siya ni James ngayon. Bubuka na ang bibig nito para may sabihin ngunit tumakbo na siya papalayo. Si Trish naiwan at siya na humingi ng dispensa sa inasal ng kaibigan.

“James, pagpasensiyahan mo lang kaibigan ko. Hindi yun mahilig sa mga artista.” Sinserong wika ni Trish.

“Don’t worry its okay.” Nakangiting tugon ni James. Nagpaalam na si Trish at sinundan niya ang kaibigan habang si James at Ivan ay naiwan doon.

“Alam mo ngayon ko lang napansin ko lang nalaman na mayroong babae pala na hindi maapektuhan sa kagwapuhan mo.” Nakangising wika sambit ni Ivan. Sa halip na magbigay ng reaksiyon sa sinabi ni Ivan ay napangiti na lang siya. Ngayon lang siya nakakita ng isang babaeng na ang cute ng reaksiyon kapag nahihiya.

“She’s really interesting.” Sabi nito sa sarili. Maganda  ang babae kung marunong ito mag-ayos ng sarili. Nagagandahan din siya sa mga mata na natatakpan ng makakapal na salamin at bagay din ito pag nakalugay nag buhok niya.

“Ivan, I want to make friends with her.” Sabi nito sa kanyang kaibigan na si Ivan.

“Sino?” tanong ni Ivan.

“Iyong babae kanina. Gusto ko siyang makilala.” Nakangiting wika nito habang si Ivan ay nalilito sa kanya.

“Anong iyong four eye girl? Naku James, pati ba naman siya pag-iinteresan mo.Maghanap ka na lang kaya ng mas maganda, pwede?”

“To be honest, magaan ang loob ko sa kanya. Iba kasi ang dating niya sa akin. Gusto ko siyang makilala.” Paliwanag nito sa kanyang kaibigan. Lalong nalito sa kanya si Ivan kaysa magpaliwanag siya ay umalis na sila at pumasok sa kanilang klase.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon