Invisible (Prologue) Edited

2.6K 20 10
  • Dedicated kay Fretzie Joans R. Bercede
                                    

Prologue

"Rj, mangako ka sa akin na hindi mo ako kakalimutan ha?” Lumuluhang wika ni Zie. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot sa puso dahil ang nag-iisang matalik niya kaibigan ay aalis na patungong Australia.

“Pangako hindi ka mawawala sa isip at puso ko. Ikaw lang nag-iisang bestfriend ko, Zie.” Nakangiting tugon nito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat sa bandang dibdib nito.

“Promise me, you won’t cry again. Kung sakali na wala na ako wala ng magpupunas ng luha at uhog mo sa ilong.” Pabiro nitong pahayag  at tinapik-tapik ang braso niya.

Pinandilatan niya ito ng mata at pinagsusuntok siya sa braso. “Alam mo nakakaasar ka!   Nakuha mo pang magbiro,” Nakangusong sambit nito at panay pa rin tulo ng luha niya.

Dahang-dahan na kinuha ni Rj ang salamin niya at pinunasan ang mga luha niya. Pagkatapos noon ay biglang siyang hinila at niyakap ng sobrang higpit parang animo’y hindi na talaga siya bibitiwan.

“Hindi pa nga ako umaalis parang pakiramdam ko ayaw ko ng umalis. I’ll be missing you badly, best.” Pabulong na wika ng matalik niyang kaibigan sa kanya.

“Don’t leave then stay.” Namamaos niyang sagot kay Rj. Lumuwag pagkakayakap sa kanya at kumalas na ito. Pumunta ito sa likod niya naramdaman niyang may lumapat na bagay sa leeg niya.

“Kung pwede lang hindi na ako umalis pero wala rin akong magagawa.” Malungkot na paliwanag nito sa kanya.

Tinignan niya ito at hinawakan ang pendant ng kwentas. Isang napahigang numero otso.

Isang Infinity Sign. Isang siyang mathematical sign na ibig sabihin  walang katapusan. Napalingon siya kay Rj at pinilit niyang ngumiti. Ayaw niyang mag-aalala ito sa kanya magiging maayos ang lahat kahit na magkalayo sila alam niya sa puso niya espesyal ang nararamdam nila sa isa’t-isa.

Ang matalik na magkaibigan merong malalim na ugnayan na wala sa iba. Isang bagay na hindi mawawala sa kanila. Ang samahan at malalim na pagkakaibigan na meron sila.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon