Chapter Fifty Three

453K 10.7K 747
                                    


 BUMUNTONG-HININGA si Callan at hinayaan si Kira na mapag-isa sa silid nito. God knows how much he love her. Wala siyang balak na lokohin ito at ipagpalit sa kahit sinong babae. He would die if he lost her. Wala na siyang balak na pakawalan pa ito o gumawa ng kahit anong dahilan para lumayo ito sa kanya. Kung kailangan na ikulong niya ito sa bisig niya, gagawin niya huwag lang ito makawala sa kanya.

 Tinitigan niya ang pinto ng kwarto ni Kira. Makakabuti kung pahuhupain muna niya ang pagseselos nito kay Britanny. May nabasa siya noon na article sa isang blog na natural daw sa mga buntis ang pagiging emotional.

 Madaling nagselos si Kira nang makita siya nito kasama si Britanny. Sa kabila ng pagseselos at paghihinala sa kanya ng dalaga, hindi maiwasan ni Callan ang mapangiti.

 So, finally, she got jealous, huh? Ngayon lang yata ito nagpakita ng ganoong pagseselos. Natutukan pa siya ng kutsilyo.

 Napailing-iling si Callan habang bumalik sa kusina. Totoong kaibigan lang niya si Britanny. Oo, gusto ito ng mga magulang niya para sa kanya. Especially his mom. Matalik na kaibigan ng kanyang ina si Tita Brenda, Britanny's Mom.

 Noon pa sa kanya inerereto ng ina ang dalaga na laking America. Tanga siya kung sasabihin niya na hindi maganda si Britanny. But she was too pretty. Isang katangian na madali niyang kasawaan sa isang babae.

 Aminado siyang tinangka niyang makipag-flirt dito. Just once. He was trying if both of them can handle a relationship. Gusto lang din niya na subukan mahahanap niya kay Britanny ang mga katangian ng isang babae na hinahangaan niya.

 Well, happy to say, they didn't work out. Britanny was demanding in all things. She was an example of a typical spoiled brat. What Britanny wants, Britanny gets. Iyon lagi ang sinasabi nito kapag may bagay ito na gustong makuha.

 And then, he realized, isa pa rin talaga ang babae na gusto niyang maangkin.. Na gusto niyang maging kanya lang.

 Dinukot ni Callan ang cellphone niya mula sa bulsa nang tumunog iyon. Napakunot-noo siya nang makita na ang ina ang tumatawag.

 Seriously, what was her mom's problem?

 Kanina pa siya tinatawagan ng ina at paulit-ulit na niya itong sinagot. Ipinapaalala sa kanya ang tungkol sa pagpunta sa U.S. at pag-aasikaso sa business nila. Isang linggo lang siyang mananatili doon dahil hindi naman siya puwedeng magtagal doon.

 Mayroon din siyang mga responsibilidad sa Pilipinas na hindi niya dapat iwanan ng basta-basta. Idagdag pa na buntis ang nobya at kailangan na nasa tabi siya nito sa oras na kailangan siya.

 "Hello, Mom." pagsagot niya sa tawag. "I'm busy right now. Puwede ba---"

 "Anak, puwede ka bang pumunta sa bahay ngayon? May pag-uusapan lang tayo ng Daddy mo ngayon."

 "Mom, can we just talk tomorrow? Makakapaghintay pa naman siguro kung ano man 'yang gusto natin pag-usapan. You see, pagod na ako para magbyahe pa papunta d'yan."

 "This is important, Callan. Para 'to sa kapakanan mo at ng kompanya natin. We need you here para mapag-usapan natin ng maayos ang mga kailangan mong gawin."

 Napahilot siya sa sentido. Lately tuwing nakakausap niya ang ina parang laging nananakit ang ulo niya. "Mom, i think you know that i'm not a child anymore. Hindi n'yo na ako kailangan na pangaralan kung ano ang mga dapat kong gawin sa kompanya para maayos ito. As far as i know, maayos naman na tumatakbo ang mga negosyo natin. There was no problem with the way i manage our business. Kung magkakaroon man ng problema, sa tingin ko naman ay hindi 'yon ganoon kalaki para kailangan n'yo pa ako na papuntahin d'yan. I know Dad can handle the minor problems."

 Hindi nakapagsalita ang kanyang ina sa kabilang linya. Alam ni Callan na walang mali sa sinabi niya. Tama lang na sabihin niya kung ano 'yong alam niya na tama. Hindi siya marunong magtaas ng boses sa magulang kaya alam niyang walang mali sa pagsasalita niya.

 "Okay. Bukas ka na pumunta dito. But let me ask you something."

 "Anything, Mom."

 "I-Is it true?" base sa tono ng boses ng ina, alam na niya kung ano ang tinutukoy nito.

 "Yes, Mom."

 Rinig ni Callan ang pagpapakawala ng ina ng marahas na hininga. Mariin siyang napapikit. Kung mayroon siyang hindi maintindihan ay kung bakit malaki ang pagtutol nito kay Kira. He could sense her mother don't like her.

 And that is something that bothers him. Walang sabi-sabing pinutol ng ina niya ang tawag. 

 Nakahinga siya ng maluwag.

 "Sino 'yon?"

 Nalingunan niya si Kira. She wasn't crying anymore.

 "It's my mom. Pinapupunta niya ako sa bahay."

 Tumango si Kira. "Okay. So, aalis ka rin?"

 "No. Sinabi ko na hindi ako pupunta. I'm going to stay here with you. Sa isang araw lang ay aalis na ako at gusto ko na masulit ang mga araw na kasama kita bago ako pumunta sa U.S. I will be staying there for one week, at sigurado akong hahanap-hanapin kita."

 Nakita niya ang unti-unting paglambot ng mukha ni Kira. Lumapit ito sa kanya at yumakap sa kanya. Isinubsob ni Kira ang mukha sa dibdib niya. He couldn't help a smile.

 "Naghihinala ka pa rin ba sa akin?" marahang tanong niya.

 "Hmm.. Ewan."

 "Ewan?" amused na umangat ang isang sulok ng labi niya at sinuklay ang ilang hibla ng buhok nito gamit ang daliri niya. "Don't you trust me, honey? Hindi ka pa rin ba kumbinsido na ikaw lang ang mahal ko? Na ikaw lang ang hinahanap-hanap ko lagi?"

 Iniangat nito ang mukha at tinitigan siya. Namumugto pa rin ang mga mata nito katibayan na umiyak ito kanina. Parang gusto niyang burahin sa isipan nito ang nakita kanina sa coffee shop. Dahil doon naghihinala pa rin ito sa kanya hanggang ngayon.

 "Paano ako hindi maghihinala sa 'yo? Ilang beses ako tumawag sa 'yo sa cellphone mo pero ni hindi ka sumasagot. Tapos, pagkatapos nun nakita ko na kayo ni Britanny na pumasok sa coffee shop. May paakbay-akbay ka pang hudas ka. Sarap mong putulan." Inirapan siya nito.

 "I'm sorry, hon. Hindi ko masagot ang tawag mo dahil una, naka-silent 'yon. Lintik si Diego, hiniram-hiram ang cellphone ko 'tapos pinaltan pa ng ringtone. Sa lahat pa naman ng ipapalit, kanta pa ni Barbie ang ipinalit."

 "Alin doon? 'yong kantang "I'm a barbie girl, in a barbie world?" Iyon?"

 "Iyon nga."

 "Paano ka naman nagkaroon ng kantang 'yon?"

 "E, di malamang nilagyan ng gagu."

 Napabungisngis ang dalaga. "Naiimagine ko na 'yon ang ringtone mo sa cellphone at naparinig sa opisina n'yo."

 "Yeah, right." Ngumisi siya. "Kaya wag ka na maghinala sa akin. Britanny and i we're just friends. Only friends. Hindi na magbabago 'yon because i have you, Kira. Ikaw lang, sapat na."

 Napahalakhak si Kira. "Ang jeje mo!"

 "See? Para sa 'yo handa akong magpaka-jeje." Hinawakan niya ang kamay nito at kinulong iyon sa palad niya, pagkatapos ay iniangat at hinalikan ang likod ng kamay nito.

 Buong pagmamahal na tumitig sa kanya si Kira.

 "Thank you, Callan. Thank you for loving me. Lagi na lang kitang hinuhusgahan ng kung ano-ano. But then, lagi din akong mali. Mapapatawad mo ba ako kung naging ganoon ako sa 'yo?"

 "Yes, hon. But please.. Just stay with me. Kahit na ano pa ang mangyari, manatili ka lang sa tabi ko. Stay with me forever."

 Hinaplos ni Kira ang pisngi niya at ngumiti. "I'll always stay with you, Callan. Promise."


Itutuloy..


Owning Her Innocence (R-18)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang