Chapter Fifty Nine

449K 9.6K 534
                                    


 PATULOY sa pag-ring ang cellphone ni Kira. Katatapos lang niya i-reject ang tumatawag, pero heto na naman at may panibagong pagtawag. Kanina pang umaga nangungulit ang letseng kurimaw na 'yon at sa katunayan ay nabubwisit na siya.

Hindi ba ito makaintindi na busy rin siyang tao? Na may ginagawa din siya? Tulad ng panonood ng documentary videos sa Discovery Channel at pagme-make up kahit nasa loob lang siya ng bahay?

Dinampot niya ang kanyang cellphone at tuluyang pinatay iyon. "Ayaw mong tumigil sa pagtawag, ha? Sige, tingnan natin kung matawagan mo pa ako. Letse ka."

Dismayado pa rin si Kira sa naging usapan nila ni Callan kagabi. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya sinagot ang mahigit isang daan na missed calls nito. Ano nga ulit ang sinabi nito kagabi? 'Wag siyang makialam sa mga bagay na wala siyang alam? At kahit kumbinsihin pa niya ito ay hindi niya mababago ang desisyon nito. O, e di hindi na!

Pero hindi muna niya ito kakausapin. Bahala itong magpakahirap na ma-contact siya. Kapakanan lang naman niya ang iniisip nito. Kung siya ang masusunod, ayaw rin naman niya na magtagal si Callan doon.

 She already missed him. Hinahanap-hanap na agad ang binata kahit saglit lang itong mawawala. Ngunit dahil sa mga nalaman niya mula sa ina nito, kailangan niyang gumawa ng paraan para makatulong kahit papaano. Nakasalalay kay Callan ang negosyo ng mga Fontanilla sa Amerika. 

 Kailangan ito ng mga magulang ng binata ang tulong nito. Hindi lang naman niya ginagawa ang pagkumbinsi kay Callan para i-please ang ina nito. Ginagawa rin niya iyon para kay Callan mismo at pati na rin sa magiging anak nila. Kung may maitutulong nga lang siya dito, gagawin niya ng kusa.

She really want to help. Kaya nga gusto niyang makumbinsi ang lalaki. Pero mukhang mabibigo lang talaga siya.

Nang magsawa siya sa kakapanood, binuksan naman niya ang kanyang laptop na matagal na yata niyang hindi nagagamit. Naisipan niyang bisitahin ang facebook account niya. Titingnan lang niya kung ano na ang mga nangyayari sa news feed niya. Wala pa siyang limang minuto sa pag-scan nang mag-message sa kanya si Callan.

YOU'RE NOT ANSWERING MY CALLS!

 Napaatras ang leeg niya. What the F? Hanggang sa Facebook ba naman ay may connection ito sa kanya? At teka.. Kailan pa niya ito naging friends sa FB, eh, hindi naman niya ito in-accept?

 Nagtype siya ng message. Hindi ba dapat busy ka?

 YES, I AM BUSY.

 O, bakit nakakapag-facebook ka pa?

 BAKIT HINDI MO SINASAGOT ANG MGA TAWAG KO?

Kira rolled her eyes. Sa lahat ng itatanong nito, iyon na ang inaasahan ng dalaga. Dahil ayaw na niyang makipagtalo, binuhay na niya ang kanyang cellphone. At kapagkuwan ay nagreply siya.

 Okay, call me now.

 Hindi rin naman niya makukuhang tiisin si Callan. At alam niya na sa lahat ng aspeto at pagkakataon, hindi marunong sumuko ang binata.

 "Galit ka ba sa akin?" Bumungad sa kanya ang marahan at malambing na boses ng binata. Hindi pa siya nakakasagot nang muli itong magsalita. "Honey, look. Hindi ko alam kung bakit gusto mo akong manatili dito sa America ng isang buwan. I just don't understand why. May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

 "Iyon ang pakiusap sa akin ni Mommy."

 "M-Mommy?"

 "Your mom, duh? Iyon na ang gusto niyang itawag ko na sa kanya." Napangiti si Kira nang maalala ang ginang. Ang magandang pagtanggap nito sa kanya kahapon ay ang huling bagay na iniisip niyang mangyari sa kanilang pangalawang paghaharap.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now