Chapter Fifty Four

475K 11.3K 1.5K
                                    


 BUKAS na ang alis ni Callan papunta sa America.

 Hindi maiwasan ni Kira ang malungkot. Isang linggo din niyang hindi makikita ang binata. Isang linggo niya itong hindi makakasama. Pakiramdam ng dalaga ay maninibago siya ng sobra kapag lumipad na ito papunta sa U.S. She would miss him so much.

 Napansin ni Callan ang lungkot sa mukha niya. "What's the problem, hon?" Kasalukuyan silang kumakain sa labas. Gusto ng binata na masulit ang gabing 'yon kaya niyaya siya nito na magdinner sa labas. Isinuot niya ang maganda at seksing kulay itim na dress, regalo iyon ni Callan sa kanya bago ito umalis papunta sa America.

 Bumuntong-hininga siya. "One week ka doon, di ba?" Tumango ang binata. "Can you make a promise?"

 "Anything, honey."

 "Puwede bang huwag kang tumingin sa magagandang blonde doon? O kaya maglagay ka ng maskara para walang magwapuhan sa 'yo doon."

 Maluwang ang naging ngiti ng binata. "Hon.. Hindi pa ako nakakaalis, nagseselos ka na agad?"

 "Basta mag-promise ka!"

 "Okay, okay. I promise not to look at them. Pero puwede bang huwag na ako mag-maskara? Baka magmukha akong luko-luko, eh."

 She grinned. "Gwapo ka pa rin naman kahit naka-maskara, hon."

Ngumuso ang binata. "May gwapo ba na nakamaskara?"

 "Oo naman. Ikaw lang 'yon, syempre." Pilyang kinindatan niya ang binata. Nagtawanan sila at awtomatikong nakalimutan ni Kira ang lungkot sa pag-alis bukas ni Callan. Yes, she would terribly miss him. Maaaring maikli lang 'yong isang linggo para sa ibang tao. Ngunit para sa kanya, ang pitong araw na hindi sila magkikita ni Callan ay matagal na.

 Pero kailangan niya masanay. Alam niyang hindi lang iisang beses na mangyayaring aalis ng bansa si Callan. Negosyante ang lalaki at parte na ng trabaho nito ang pagpunta sa iba't ibang lugar. Kaya habang maaga pa dapat ay masanay na siya.

 Bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang. Tumawag siya sa kanyang ina nang isang gabi. Pero hindi ito sumasagot. Gusto sana niyang tumawag ng paulit-ulit, but there's a chance na hindi talaga nito gustong sagutin ang mga tawag niya.

 Okay. She get it. Dismayado ang mga ito sa kanya. Iyon lang ang nakikita niyang rason. She felt they need a space. Sa ngayon, hindi pa naiintindihan ng mga magulang niya kung gaano niya kamahal si Callan. Kung gaano niya gustong makasama ang lalaki.

 Alam niya sa sarili na wala silang ginagawang mali ni Callan. At kahit na ano pa ang maging pasya ng mga magulang nila, wala ng pakakapigil pa sa relasyon nila.

 Pagkatapos nila magdinner ay niyaya siya ni Callan na pumunta sa isang park. Napakatahimik ng lugar nang dumating sila. May ilang couples ang naroroon, pero napakatahimik talaga. But she found the place very enchanting. Dahil siguro sa outdoor party lights na dekorasyon sa mga puno. It create an almost fairtytale ambiance to the park. Na parang ginawa talaga para sa magkasintahan.

 Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Kira. "Hindi ko alam na ganito pala ang itsura nitong park sa gabi. Nadadaanan ko naman ito dati.. Hindi ko talaga alam na ganito kaganda ang lugar na 'to." Bumaling siya ng tingin kay Callan at nakita niya itong nakangiti ng matamis.

 "I did it for you."

Nagsalubong ang kilay ni Kira. "G-Ginawa mo ito? I mean, ikaw ang may pakana nito?"

 Tumango si Callan. "Hindi ka nagkakamali, hon."

 "Really?" Natutop ng dalaga ang bibig. She couldn't believe. She didn't expect Callan would do something like that for her. She have to admit it was the most romantic thing that a man has ever done to her. Nayakap niya ang binata. "Thank you, Callan."

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon