Chapter Forty One

643K 13.2K 1.1K
                                    


 TINAWAGAN ni Kira si Themarie para ipaalam dito na nagbabakasyon siya sa Laiya, Batangas. Ito muna ang bahala sa Shakira's habang wala siya. Isang buong linggo din siyang mawawala kasama si Callan. So far sobra siyang nag-eenjoy sa pananatili niya doon.

 Kanina ay naglaro at nagtampisaw sila ni Callan sa dalampasigan. Panay din ang kuha nito ng litrato sa kanilang dalawa. Hindi naman niya ito pinipigilan sa gustong gawin. Nag-eenjoy din naman siya sa ipinapakita nitong ka-sweet-an.

 Hindi nila namalayan ang oras. Halos dalawang oras din pala silang naligo sa tabi ng dagat. Nang sa wakas ay umuwi na sila, siya muna ang unang naligo.

 Lumabas si Callan para linisin ang attic ng rest house. Sadya nitong hindi ipinagagalaw ang bahaging iyon ng bahay bakasyunan sa caretaker nito. Mas gusto nito na ito mismo ang maglinis doon.

 Naalala ulit ni Kira ang resulta ng paggamit niya kaninang umaga ng pregnancy test kit. Naisip niya, tama ba na hindi muna niya sabihin kay Callan ang tungkol doon? May karapatan ito upang malaman ang bagay na 'yon. Hindi naman siya mabubuntis ng mag-isa lang. Kasama niya si Callan. Magkasama nilang binuo ang isang buhay na nasa tiyan na niya ngayon. At kahit wala sa plano nila ang pagbubuntis niya, dapat lang na ipaalam niya ang bagay na 'yon sa binata.

 But she still need to see the doctor. Mas maganda kung mismong sa doctor niya makukumpirma. Marahan siyang napangiti habang hinahaplos ang tiyan. The thought of having Callan's baby made her happy. The happiest woman. Mapupunit yata ang pisngi niya sa pagngiti.


 Inaalala lang niya kung ano ang magiging reaksyon nito. O kaya ng kanyang parents. Iyon pa ang isa sa pinoproblema niya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag umabot na sa kaalaman ng mga ito na si Callan ang nobyo niya?


Will they accept him? Siguro naman. Dahil kilala naman ng kanyang mga magulang ang binata.


 Ngunit paano ang pamilya ni Callan? Matatanggap kaya siya ng mga ito?

 Lumabas siya ng banyo pagkaraan ng ilang sandali. Nakatapis ang tuwalya sa hubad na katawan. Naabutan niya si Callan sa sofa, namumutla ang mukha at namimilipit.


 "Ano'ng nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang lumapit siya sa binata. Hawak nito ang harapan na tila ba may mahapdi doon. Wala pa rin itong pang-itaas at naka-boxer shorts lang ito. Tagaktak ng pawis ang katawan nito. Sa init ng panahon, hindi na nakakapagtaka 'yon.


 "Putangna. Papatayin ko ang lintik na langgam na 'yon!" galit na sabi nito.


Napakunot-noo si Kira. "At ano naman ang kasalanan sa 'yo ng langgam?"


 "Putangina niya!" malutong na mura nito, sapo-sapo pa rin ang harapan.


 "Aba, ang bibig mo, hoy!" Umupo siya sa tabi nito. Nahihiwagahan siya sa inaakto ng nobyo. "Sabihin mo sa akin, ano ba'ng nangyari? Huwag mo nga hawakan 'yang harapan mo. Para kang bagong tuli."


 Tumayo ito ito at umalis sa tabi niya. Naiinis na bumuga ito ng hangin. Natatawa siya sa mukha ng binata nang sandaling 'yon.


 "Alam mo para ka nga'ng bagong tuli. Gusto mo ikuha kita ng dahon ng bayabas?" pang-aasar pa ni Kira dito.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon