Chapter Four

966K 20.4K 4.2K
                                    

"MGA WALANGHIYA!"

 Hindi napigilan ni Kira ang bugso ng damdamin. Sinugod niya ang dalawa. Marahas na lumapat ang palad niya sa mukha ni Amy. Napatili ang babae nang pagsasampalin niya ito. "Malandi ka!" puno ng galit at hinanakit na sigaw ni Kira. "Malandi kang babae ka!"

 Dala ng galit, tila hindi na niya alam kung sobra na bang masakit ang ginawa niya. Totoo na 'yong sinasabi nila. 'Pag nagdilim ang paningin mo sa galit, literal na magdidilim nga. It's not just a figure of speech. Jiro and Amy was no longer human in her eyes. The two of them were like a dark form.

 Dahil magkadugtong ang katawan ng dalawa, parehong hindi nakapalag ang mga ito sa marahas na paggalaw ng kamay niya. The need to hurt them physically is so strong. Mabilis na namuo ang masidhing galit sa dibdib niya. She could feel her heart breaking from the pain that she feels.

 Marahas na hinagip niya ang buhok ni Amy at sinabunutan ito. Sa lakas ng pagsabunot niya ay napahiwalay ito kay Jiro at natumba sa sahig. Tumitili na nagmakaawa sa kanya si Amy. "Kira, tama na, please! Pag-usapan natin 'to. Nasasaktan ako!"

Muli, sinampal niya ito. "Ahhh!" tili ng babae.

 "Hayup ka, Amy! I trusted you! Bilang kaibigan, ibinigay ko ang tiwala ko sa 'yo! Naging maganda ang pagturing ko sa 'yo. Pero ito ang igaganti mo sa akin? How dare you!" Umaagos ang luha sa pisngi niya nang sandaling iyon at wala siyang paki kung magmukha siyang kaawa-awang nilalang na nasasaktan. Then, she felt Jiro's hands on her arms, trying to control her anger. Itinaboy niya ang kamay ni Jiro at hindi inalis ang mata kay Amy.

 "I'm sorry, Kira. Hindi ko sinasadyang saktan ka."

She let out a frustrated cry. "Putangina naman, Amy! Halos buong buhay ko nang narinig ang linyang 'yan sa mga teleserye!"

 "Kira, stop please." narinig niyang pagpigil sa kanya ni Jiro mula sa likod niya. Hinarap niya ang nobyo--kung nobyo pa nga niya itong maituturing pagkatapos nang nasaksihan niyang pagtataksil nito. Kumirot ang sakit sa dibdib niya, tila marahang pinipilas ang puso niya.

 She slapped him. Hard. "W-why... W-why did you do that to me?"

 Napatungo si Jiro, tila hindi nito alam kung paano magsasalita, magpapaliwanag sa kanya. May saplot na sa ibabang bahagi ng katawan nito.

 Mariing ipinikit niya ang mga mata. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang lason na kumakalat sa buong katawan ng dalaga.

 "Answer me. Why did you do cheat?"

 "I.. I love her." sagot nito pagkatapos ang ilang sandali. "I love Amy, Kira."

 "M-Mahal mo siya?" Napakurap si Kira, pagkatapos ay suminghot. "Eh, a-ako?"

 "Mahal kita, Kira. Mahal kita, pero mas mahal ko na si Amy. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng pangangailangan ko bilang lalaki. She made me feel like i'm a real man. Mas nararamdaman ko na lalaking-lalaki ako kapag si Amy ang kasama ko. Taliwas sa nararamdaman ko kapag kasama kita. I'm sorry. I'm sorry, i didn't mean to hurt you, Kira."

 Akala niya ay yayakapin siya nito. Ngunit gayon na lang ang sakit na lumukob sa buong pagkatao niya nang lagpasan siya nito at yinakap si Amy na umiiyak pa rin. Hindi niya alam na mas magiging masakit ang naging pag-amin ni Jiro kesa sa nakita niyang pagtataksil nito.

 "Ang sakit, Jiro.." Kitang-kita niya kung paano ikulong ni Jiro sa yakap si Amy. He hugged her like he was protecting Amy from her.

 "Anong masakit, babe?" masuyong tanong ng lalaki.

 "Ang tiyan ko.."

Napakunot-noo si Kira. Bakit sasakit ang tiyan nito, eh, sinabunutan lang naman niya ito?

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon