Chapter Forty Four (Part 1)

668K 13.2K 821
                                    


ISANG TINGIN lang ni Kira sa salamin ay napapangiti na siya. Hindi niya iyon maiwasan kapag nakikita niya ang sarili doon. Larawan ang mukha niya ng isang masaya at kuntentong babae.

 Nagniningning ang mga mata ng babaeng nakatingin sa kanya. Halos mapunit ang pisngi sa luwang at ganda ng ngiti. Namumula ang pisngi. Walang piho na siya ang babaeng 'yon.

 Hinaplos ni Kira ang tiyan niya. Hindi pa masyadong halata ang umbok doon. Pero kumpirmado na siyang nag-eexist na ang isang mumunting bata sa loob niyon. Hindi pa man niya ito nakikita ay nananabik na siyang mahawakan ito, mahalikan at madala sa mga bisig niya.


 "Good morning, sweet honey." Mula sa likod niya, pumulupot ang matipunong braso sa beywang niya at ikinulong siya sa isang marahang yakap.

 Napangiti si Kira sa inakto ni Callan. "Masyado kang nag-iingat. Puwede mo naman akong yakapin ng mahigpit kung gusto mo?"

 Umungol ito at inilibing ang mukha sa leeg niya. Napapikit siya ng magtanim ito ng maliliit na halik doon.

"Baka mapaano si baby kapag niyakap kita ng mahigpit. This is enough for me. Basta mayakap kita, okay na ako." Iba talaga maglambing ang lalaking ito. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na kinikilig ng sagad.

 Iyon na ang huling araw nila sa Laiya. Kailangan na nilang bumalik bukas sa Manila. Sinulit nila ang ilang araw na pananatili sa bahay-bakasyunan nito. 

 aroon na inuubos nila ang oras sa paglalaro at pagtatampisaw sa tabing-dagat. Maputi ang buhangin doon, hindi masyadong mabato kaya masarap na magtapak kahit nagtatakbuhan. Maya't maya maririnig ang halakhak nila sa lugar tanda ng dalawang tao na masayang magkasama.

 Panay din ang kuha ni Callan ng mga litrato nila saan man sila pumunta. Umabot na nga ng two hundred ang pictures nila sa cellphone nito. Balak daw nitong ipa-print ang lahat ng 'yon.


 "Callan.."

 "Hmm.." tugon nito, nakasuksok pa rin sa leeg niya ang mukha nito. Hindi niya maiwasan mapangiti. Nagpapa-baby na naman ang mamang pulis. Hinayaan lang niya ito.

 "May tanong ako sa 'yo."

 "Ano 'yon?"

 "Kung pipili ka, ano'ng gusto mong maging anak. Lalaki o babae?"

Iniangat nito ang mukha at tinitigan siya sa salamin. "Bakit mo natanong 'yan?"

 "Naisip ko lang bigla. Gusto kong malaman kung alin sa dalawa ang gusto mo."

 "Both. Mapa-babae man o lalaki, tatanggapin ko ng buo. Hindi ko naman kailangan mamili. Kahit maging bakla man yan o tomboy sa hinaharap, mamahalin ko pa rin sila katulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Ganoon ang ginagawa ng mabuting ama."

 Ngayon pa lang nakakasigurado na si Kira na magiging mabuting ama si Callan. No doubt about that.

"Sasabihin na ba natin sa ating parents ang tungkol sa relasyon natin? I mean, ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo?"

Ngumiti si Callan. "Sure. Bakit hindi? Sigurado naman ako na magugustuhan ka ni Mama at Papa. They will also love you."

"Sa tingin mo magugustuhan nga nila ako para sa 'yo?"

He chuckled. "Ofcourse! You're easy to love, hon. Believe me magugustuhan ka ng mga magulang ko. Because you're the most beautiful woman on earth."

Napanguso si Kira. "Ikaw lang naman ang nagsabi n'yan sa akin. Paano ako maniniwala sa 'yo?"

Pinihit siya paharap ng binata. He was staring at her seriously. Para bang sinasabi ng tingin nito na hindi ito nagbibiro at purong kaseryosohan ang sinabi.

Pinisil niya ang pisngi nito. "Oo na, naniniwala na ako sa 'yo."

Ngumisi si Callan at inakbayan siya. Pumasok na sila sa kanilang silid at nahiga sa kama. "Ako, kailan mo ba ako ipapakilala kina Tita?" tanong nito kapagkuwan.

"Hmm.. Dadating din tayo d'yan."

"What do you mean by that? Wala ka pa'ng balak na ipakilala ako?"

"Wala akong sinasabing ganoon."

"Kung ganoon, bakit sabi mo 'dadating din tayo d'yan'? Hindi ka pa ba handa na ipakilala ako?"

"Pinag-iisipan ko pa nga. Pero depende sa sitwasyon."

"I don't understand." Biglang naramdaman ni Kira na napuno ng tensyon ang katawan ni Callan. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangisi sa kapilyahan. "Wala ka pa rin bang balak ipaalam sa iba ang tungkol sa atin?" He look slightly upset.

Nakita na niya si Callan kapag naghihimutok ito sa pagseselos. Pero wala na pala ang mas nakakaaliw kapag nakita niya ang binata na parang batang nagagalit dahil hindi nabigyan ng candy.

Napahalakhak si Kira.

"Anong nakakatawa?" He looked so upset now.

Hindi siya sumagot bagkus ay nilakasan pa ang tawa. Inabot ng kamay niya ang pisngi ni Callan at pinanggilan ito. Noon lang niya napagtanto na hindi lang pala bugso ng panggigigil kaya gustong gusto niyang pisilin ang pisngi ng binata.

Pinaglilihian na pala niya si Callan!

Now that's a good news.

Dahil gusto ni Kira na maging kahawig ni Callan ang magiging baby nila. Sana din ay makuha nito ang mga mata ng ama nito. Callan has a pair of seductive blue eyes. Kung magiging lalaki ang anak nila, ngayon pa lang ay nakakasigurado na si Kira na magiging habulin ng mga babae ang kanilang anak paglaki.


"I'm asking you, hon. What's so funny?"

Umiling si Kira., natatawa pa rin. "Wala naman."

"Wala? I can see it in your eyes. Pinagtatawanan mo ako."

"Wala nga. Ano ka ba? Binibiro ka lang. Syempre, ipapaalam ko an sa parents ko ang tungkol sa atin. But not now."

"Bakit naman?"

"Kasi sa tingin ko, may ibang bagay kang dapat na pagtuunan ng pansin."

Pagkasabi niyon ay itinulak niya pahiga si Callan at umibabaw dito.

"Kira.." Halatang nagulat na sabi nito.

Naglalaro ang pilyang ngiti sa labi ng dalaga na pinaglandas niya ang kamay paloob sa suot nitong sando. Dinama niya ang six-pack abs nito at tila libo-libong kilabot ang masarap na dumaloy sa sistema niya. Pinanlabanan niya ang mapakagat-labi. Namumutok ang muscles ng binata sa katawan. Kahit sino yatang babae ay mahuhumaling dito.

Darn. She was too lucky to have him. At tulad ng intensyon nito sa kanya, wala na din siyang balak pa na pakawalan ang binata.


"Kira, ano'ng ginagawa mo?"


Inabot niya ang drawer sa tabi ng kama at kinuha doon ang handcuffs na ginamit nito sa kanya noong isang araw.

"Damn it, Kira. Huwag mong sabihin na gagamitin mo sa akin 'yan."

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na gumamit nito, mamang pulis?" nanunuksong sabi niya. At bago pa makapalag ang binata, mabilis na gumalaw na siya. Ipinosas na niya ang isang kanang kamay nito sa kama.

Namilog ang mata ni Callan. "No.. No.. This is not possible, hon. The f-ck!"

Ngumisi ang dalaga, at inilapit niya ang mukha sa namumulang mukha ng binata. Hinalikan niya ito ng mariin at pilyang kinagat ang ibabang labi nito.


"Huwag kang mag-alala, hon. Sigurado akong magugustuhan mo ito.."



Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now