Chapter Seventy

607K 12.4K 1.6K
                                    


 SA ILANG taon ni Callan sa kasalukuyan niyang propesyon. Ngayon lang niya tuluyang napagtanto kung gaano kahirap ang maghanap sa isang taong nagtatago. He took four freaking days to track Kira down.

 Pagod at tensyado, nagpasya agad siya na puntahan ang address na kinaroroonan nito. Papaalis na siya sa kanyang bahay nang tumunog ang cellphone niya. Nanigas ang katawan niya nang makita kung kaninong numero ang nakarehistro na tumatawag.

Sinagot niya iyon, "Dad.."

 Aminado siya sa sarili niya na dismayado siya sa natuklasan tungkol dito. Bakit hindi? Kahit ganoon ang kanyang Mama, mahal pa rin niya ito bilang magulang. At ang natuklasan niya mula sa nakaraan ay parang dumurog sa puso niya. Bilang anak, nasaktan siya para sa kanyang ina.

Pero tama si Kira. Kahit ano pa ang kasalanan ng isang magulang, handa iyong tanggapin ng isang anak.

Nagkamali si Kira nang umalis ito para sa kanilang dalawa. Hindi iyon ang magpaparaya sa kanila sa nakaraan. Hindi nito kailangan na bumitaw at magparaya.

Pinigilan niya ang namumuong hapdi sa sikmura. Apat na araw na siyang nangungulila sa asawa at ngayon na alam na niya kung nasaan na ito, hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon. But he have to talk with his father first.

"Anak, puwede ba na mag-usap tayo?"

"Now?"

"Yes. Kung puwede.. Dito sa bahay. May mahalaga akong sasabihin sa 'yo."

Siguro nga kailangan muna nilang magkaroon ng masinsinang pag-uusap. "Sige, Dad."

Walang dahilan para hindi siya pumayag na makiag-usap dito. Hindi naman niya maiiwasan habambuhay ang ama. Isa pa, dapat lang na makapag-usap sila para tuluyang maayos ang lahat. Kakausapin na rin niya ang kanyang ina.

Mayamaya lamang ay nakarating na siya sa kanilang bahay.

"Sir, naghihintay po si Sir Frei sa library."

Tinanguan niya ang katulong at nagpasalamat. Naabutan niya na nakaupo ang papa niya habang may binabasang libro.

"Dad," tawag niya dito nang makapasok siya sa silid.

Tila nag-aalangan na ngumiti ito. "Callan, anak.." Lumapit siya at umupo malapit dito.

"Bakit n'yo ba ako pinapunta, Dad? Tungkol ba ito sa..." Sinadya niyang ibitin ang sasabihin at tumingin ng diretso sa mga mga mata nito. Samu't saring emosyon ang nakita sa pares ng asul na mga mata ng ama. Ngunit nangibabaw ang pagsisisi.

"Gusto kong humingi ng kapatawaran, anak. Kahit imposible na mapatawad mo ako ngayon.." Kumarap ito para pigilan ang luha, pagkatapos ay lumunok. "Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa iyong ina. I cheated on her.. Sinaktan ko siya. Aaminin ko, i desire her mother.. I really like Reina before.."

Marahas na nahigit niya ang hininga at napatiim-bagang. "Bakit n'yo sinasabi ito sa akin? Do you really want me to hate you?"

"Hindi anak. I just want to be honest. Gusto kong maging malinaw sa 'yo na kasalanan ko ang lahat. Kung pinigilan ko ang sariling magustuhan at akitin si Reina na makipag-relasyon sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Yeah, it's all my fault. At ako lang ang dapat mong sisihin." Namamasa na ang mga mata nito. "Alam kong naaapektuhan ngayon ang relasyon niyo ng asawa mo. Hindi lang 'yon. Dahil sa kasalanan ko, nawala pa ang baby n'yo. Patawarin mo ako, anak. Maniwala ka buong buhay kong pinagsisisihan ang nagawa ko. At kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko gagawin 'yon. Nasaktan ko ang iyong mama noon. Ngayon nasaktan ko ikaw, si Kira at ang baby n'yo. Nasaktan ko ang lahat. Patawarin mo ako."

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now