Chapter Thirty Six

846K 16.3K 1.2K
                                    


 PAIMPIT na tumili si Themarie sa likod ni Kira nang abutan siya ni Callan ng isang pumpon ng mamahaling bulaklak. Binisita siya ng binata sa Shakira's nang hapon na 'yon at tulad ng laging ginagawa nito kapag napapapunta doon, dinadalhan siya nito ng bulaklak. Animo'y bagong nanliligaw pa lang sa kanya.

Hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi ng sandaling 'yon. Paano ba naman hindi? Sa harap ng maraming customer siya nitong inabutan ng bulaklak at marami ang nakakita ng hagilapin nito ang batok niya at masuyong hinalikan sa kanyang labi. Kahit sinong babae ay pamumulahan ng pisngi sa kapilyuhan nito!

"Ang swerte naman niya."

"Wow. Ayan 'yong pulis na nakita natin sa TV noong isang araw, di ba? Ang swerte naman ng girlfriend niya." pag-uusap ng dalawang babae malapit sa tayo nila. Hindi niya kailangang ilibot ang paningin sa buong lugar para malaman na nasa kanilang dalawa ni Callan nakatuon ang atensyon ng lahat.

"Halika nga dito!" Hinila niya ang binata papunta sa maliit na opisina niya. Narinig pa niya ang boses ni Themarie na nakasunod ng tingin sa kanya. "Enjoy!"

The hell!

Pagkapasok ay iini-lock niya ang pinto para masiguradong walang magiging pang-abala sa pag-uusap nila. "What do you think you're doing?"

"I'm courting you."

Napasinghap si Kira. "Y-You're courting me? Eh, di ba, may usapan na tayo?" Huwag nitong sabihin na delusion lang niya ang pag-amin nila sa isa't isa ng tungkol sa nararamdaman nila.

Ngumisi si Callan at ipinulupot ang braso sa beywang niya. Bago pa siya makakurap, binuhat na siya nito paupo sa mesa. Pumuwesto ito sa pagitan ng hita niya. Namilog ang mata niya.

"Goodness! Huwag mong sabihin sa akin na may balak ka na nama--"

"Ssshh.. Huwag kang advance, bebe ko." Puno ng kapilyuhan na tumawa ito at inilibing ang mukha sa leeg niya. Napapikit siya sa pagdaloy ng init sa mga ugat niya. Letse talaga 'to! Hindi siya nakakapag-isip ng husay kapag ginaganito siya ni Callan. Kahinaan niya ang paglalambing nito.

"Callan, for serious! What are you doing?"
"I believe i already told you."

"But that's not what i want to hear!" Napahawak siya sa matipunong biceps nito ng pinadaan nito ang dila sa leeg niya. "Damn, you're distracting me again!"

Maikling tumawa ito. "Is it working?"

"Callan!" Pinisil niya ang pisngi nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Seriously, 'wag mo ulit gawin 'yon."

"Ayaw mo?"

"Hindi sa ayaw ko. Pero nakakahiya kaya! Alam mo naman na hindi ako sanay na pagtinginan ng tao. I hate to be the center of attention! You should know that."

Tumango ito. "Ah, iyon ba ang dahilan mo kaya nagalit ka sa akin noong niyaya kita na maging date noon sa JS Prom? Tapos, biglang dumating si Millen at nag-eskandalo? Iyon ba 'yon?"

Umiling siya. Pagkatapos ay humalukipkip. "That's not the reason, Callan. Pinagbintangan ako ni Millen noon na other girl mo, pinalalabas niya na parang third party ako sa break up n'yo. At bukod doon, inisip ko rin na ginamit mo lang ako para makipaghiwalay sa girlfriend mo. Alam mo ba kung ano kahihiyan na dinanas ko pagkatapos noon? Naging laman ako ng mga usapan ng mga tsikadorang schoolmates natin!"

"And that's because of me?" Napalunok ito at tinitigan siya na tila nakokonsensya. "I'm sorry about that, hon. Believe me, hindi ko intensyon na gamitin ka. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo 'to pero wala talaga akong intensyon na ganoon. I just really want you to be my prom date. Naipaliwanag ko na naman sa 'yo ang tungkol doon, di ba?" namumutla ang mukha ni Callan habang nagpapaliwanag.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon