Chapter 174

330 16 2
                                    


Malakas itinulak ni Prinsipe Calevi ang malaking pinto ng Throne Room kung nasaan ang kaniyang ama, mga basalyo pati na rin ang ibang lupon. Ang lahat ay napatingin sa kaniyang presensya. Tila ang iba sa kanila ang inaasahan na ang kaniyang pagdating. Halos nakapreperad na siya. Suot na niya ang baluti na sadyang binasbasan na ito ng mga diyos ng Severassi bilang paghahanda para sa araw na ito. Bukod pa doon, nakatanggap siya ng biglaang balita na sinimulan nang lusubin ng mga halimaw at mga demonyo ang Kapitolyo ng Thilawiel, kung kaya hindi nasiya nagdalawang-isip pa na maghanda. Sa mga oras na ito, nag-aalala na siya sa dalawang kaibigan na naroroon.

"Binabati po namin ang kamahalan, ang prinsipe na tagapagmana, Prinsipe Calevi." sabay-sabay na bati sa kaniya ng mga ito sa magkabilag gilid niya.

Halos hindi na niya pinapansin ang mga ito. Sa halip ay pinagtuon niya ng pansin ay ang ama na kasalukuyang nakaupo sa trono. Tulad niya, bakas sa mukha nito ang labis na tensyon. Sino ba naman ang hindi? Bukod sa walang kasiguraduhan kung malalagay sa alanganin ang kanilang bansa, malaking kaguluhan na ang nagaganap sa Thilawiel. Kailangan nilang magbigay tulong sa bansa na kanilang kakampi, ngunit hindi sila sigurado kung sasapat ba o kukulangin sila sa mga kawal at mga mandirigma upang harapin ang mga halimaw at mga kalaban sa oras na mapadpad ang mga 'yon dito.

Bigla siyang yumuko at lumuhod sa harap ng emperador ng Severassi, ang Emperador Nerius Levanadel. Pilyo man sa iba, ngunit pagdating sa ganitong usapin ay walang wala itong pinaglalagpas. Seryoso rin ito sa pagkikipaglaban, hindi man kasing galing ng emperador ng Cyan at Audrick na bihasa sa pakikipaglaban sa malapitan, siya naman ay mas bihasa sa malayuan - lalo na kung may kinalaman sa pagpana. Kung kaya naipasa sa kaniya, na isang prinsipe ang kaalaman ng ama.

"Mahal na emperador, narito po ako upang bigyan ninyo ng pahintulot na kung maaari sana ay mabigyan ko ng tulong ang emperador at emperatris ng Thilawiel." pormal na pormal na saad niya sa harap ng ama, maski sa harap ng mga lupon at kasapi ng monarkiya.

Nagbuntong-hininga ang kaniyang ama pagkatapos pakinggan ang kaniyang kahilingan. "Ipagpatawad mo sana, Prinsipe Calevi... Ngunit, kailangan kong tanggihan ang 'yong hiling."

Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata sa pasya. Tumingala siya para tingnan kung nagbibiro ba ito o hindi. Subalit, malinaw na malinaw sa mukha ng ama na seryoso ito sa desisyon. Hindi nga ito nagbibiro lalo na't nakita niya kung papaano mas sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin nang diretso sa kaniya. "P-pero, kamahalan..."

Marahang pumikit ang Emperador ng Severassi. "Naiitndihan ko ang gusto mong mangyari, Prinsipe Calevi. Ngunit, kailangan din nating protektahan ang atng teritoryo laban sa mga kalaban. Hindi lamang ang Thilawiel ang magiging agrabiyado sa mga oras na ito. Anumang oras ay maaari rin tayong lusubin." mahinahon itong nagpapaliwanag.

Napalunok siya na hindi natatanggal ang titigan nilang mag-ama. Kusang kinuyom ang mga kamao. Pumikit siya nang mariin. Sa mga oras na ito ay mukhang wala na siyang mapagpilian pa. Wala na siyang magagawa kungdi sundin ang desisyon nito. May punto rin naman ito. At bilang prinsipe ng bansang ito, kailangan din niyang protektahan ito anuman ang mangyari hindi lang bilang isang prinsipe. Siya ngayon ang prinsipe na tagapagmana. At balang araw, siya ang susunod na hahalili at susundin ng kanilang mamamayan.

"Naiitindihan ko, mahal na emperador." malamig niyang saad, may halong pagsuko. Tumayo na siya. Muli siyang yumuko habang nasa sikmura ang isang braso. "Kung mamarapatin ninyo..."

Biglang may malaki at malakas na pagsabog silang naririnig. Inatake ang glid na parte ng kanilang Palasyo! Napahiyaw ang mga tao dito sa loob.

"Narito na sila." seryosong wika ni Emperador Nerius nang nakatingin sa labas. "Magsilisan na kayo, ngayon rin!" malakas nitong utos sa mga tao na naririto.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon