Chapter 55

2.2K 159 3
                                    


Nanatiling nakahawak ang kamay ni Otis sa kamay ko hanggang sa narating na namin ang Palace lobby. Nadatnan namin doon ang Emperador ng bansa na ito, si Emperador Audrick. May mga kasama siya. Dalawang lalaki at isang babae na ngayon ko lang sila nakita. Base sa kanilang kasuotan ay parang galing din sila sa noble family. O hindi kaya sila ang nakakabatang kapatid ni Otis ngunit ngayon ko lang nakita? Ni minsan ay hindi sila sumama kapag may dinadaos na selebrasyon sa mga kaibigan naming bansa.  Bakit hindi rin sila nagpakita noong idinaos ang kaarawan ni Otis?

"Prinsesa Styriniana!" masiglang salubong sa akin ni Emperador Audrick. Sa hitsura niya ngayon, daig pa niyang nanalo sa lotto.

Ngumiti ako saka lumuhod sa kaniya bilang pagbati. "Binabati ko po ang kamahalan, Emperador Audrick. Ikinalulugod ko po ang bukas-palad ninyong pagtanggap sa akin sa inyong tahanan." magalang kong sabi sa harap nila.

"Mas nagagalak pa kami at pinili mo ang unang prinsipe, Prinsesa Styriniana." ramdam ko na mas sumigla siya, unti-unti nabubura ang tinutukoy nila na isa sa mga nakakatakot na Emperador "Siya nga pala, nais kong ipakilala sa iyo ang iba ko pang anak at ang aking pamangkin." itinuro niya ang kulay itim ang buhok pero kulay berde din ang mga mata, kumpara kay Otis, mas maputla ang kulay ng balat nito. "Ito ang pangalawang prinsipe, si Prinsipe Mival."

Nagpalitan kami ng pagbati ng pangalawang prinsipe. Napuna ko na parang tahimik ang isang 'to. Tila mas gusto nito ang magkulong sa silid at magbasa nang magbasa. In short, may sariling mundo. Well, naiitindihan ko naman ang ganyang pag-uugali dahil ganyan din si Ceola, mahilig magkulong sa kaniyang silid upang mag-aral anng mag-aaral.

"Sunod, ang pangatlong prinsipe, si Prinsipe Hadden." tukoy niya ang lalaki na tingin ko ay teenager palang. Kulay maroon ang buhok nito. Kasing kulay niya ang balat ni Otis. Nagpalitan din kami ng pagbati pero nasopresa ako sa ginawa niiya. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Kahit sina Emperador Audrick at Otis ay nabigla sa kaniyang ginawa! "Ikanalulugod ko po makilala ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Hindi ko akalain na nakakabighani pala ang ganda na taglay ninyo, hindi na ako nagtaka kung bakit patay na patay---" hindi na niya maituloy ang sasabihin niya na bigla siyang binatukan ni Otis sa harap ko. "Aray, kuya. Nakarami ka na, ha!"

"Umayos ka, Hadden. Isa pa, nakapabastos ang iyong ikinikilos sa harap ng prinsesa." matigas pero nagbabantang wika ni Otis sa nakakabatang kapatid.

"Pft...." pigil kong tawa.

Siya naman na sabay nilang tingin sa akin. Kung ano ang ikinawindang nina Emperador Audrick at Otis sa ginawa ni Prinsipe Hadden ay mas nawindang sila sa naging reakasyon ko. Dahil d'yan ay muli ako pomormal sa harap nila at tumikhim. Na akala mo ay balewala lang ang ginawa ko. "Patawad ngunit, naaalala ko lang po ang pangatlong prinsipe ng Cyan sa kadahilanan na kaugali niya po ito." seryoso kong sambit.

I heard Otis wheezing on my side. "Oo nga pala... Muntik ko nang makalimutan na malapit pala kayong dalawa ni Prinsipe Cederic."

"Totoo, Prinsipe Otis." sang-ayon ko

"Siya, tayo'y magpatuloy." nakangiting sabi ni Emperador Audrick. "Ito pala ang aking pamangkin, si Prinsesa Eglantine."

She did a graceful bow. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo, mahal na prinsesa." kahit ang boses niya, napakalamyos. Kulay itim ang kaniyang buhod, pero katulad sa mga Cairon, nakuha din niya ang berde nitong mga mata na parang emerald. It's her girl version. Compare to her, she's really a princess.

"Ikalulugod ko din na makilala ka, Prinsesa Eglantine."

"Ngayon ay nais ko naman ipakilala sa iyo ang mga inatasan ko na maging mga tagapaglingkod mo---" saka bumaling kami sa mga nakahilerang maid sa kanan namin. "Sila ang maglilingkod sa iyo habang naririto ka hanggang sa maging Emperatris ka, Prinsesa Styriniana..."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now