Chapter 65

1.9K 131 5
                                    

Tagumpay namin nahanap ang daan palabas. Tumapak ang mga paa namin sa dulo ng bangin. Wala nang ang malakas na hangin na sumalubong sa amin kanina. Masaya namin pinagmasdan ang Kapitolyo ng Thilawiel, kasabay na sumisikat na ang araw. Nakikita din namin na unti-unti na din nawawala ang makakapal na yelo at niyebe sa paligid.

Ito na ang oras upang maging masaya ang Thilawiel, ang araw ng naputol na ang sumpa na binitawan ng lobo ng niyebe. Sabay kaming tumingin sa tuta na nasa aking bisig, mahimbing itong natutulog. Inakbayan ako ni Otis at inayos niya ang tela na pinagbalutan. Tulad ni Ceca, umiiba ang anyo nila kapag napapagod o natutulog siya. Mas napangiti pa kami dahil nasilayan namin kung papaano siya ngumiti habang natutulog. Para bang matagal na niyang inaasam ito. Na hindi na siya maiiwan nang mag-isa.

Napagpasyahan namin ni Otis na iuuwi namin siya sa Palasyo. Sa gayon ay magagawa namin ang ipinangako namin sa kaniya na hindi talaga namin siya iiwan.

"Kailangan na natin umuwi, my rose." malambing niyang sabi. "Medyo gutom na ako."

Mahina akong tumawa. "Ako din." tugon ko na may pagsang-ayon.

Inilabas niya ang bilog at itim na magic tool niya. Hinagis niya 'yon sa likuran namin. Lumitaw doon ang itim at malaking ibon na tulad na sinakyan namin kanina. Bigla ako binuhat ni Otis na bridal style. Tumalon siya patungo sa likod ng ibon. Maingat niya akong pinaupo at ganoon din siya. Nag-umpisa nang lumipad sa himpapawid ang ibon.

Mula sa itaas ay tinitingnan namin ang ibaba para malaman namin kung nagsilabasan na ba ang mga tao sa Kapitolyo. Meron nga. Ngayon ay tinitingnan ko kung ano ang magiging reaksyon nila sa oras na makita nila na hindi na nababalutan ng makakapal na yelo ang paligid nila.

Inactivate ko ang aking clairvoyance. Lumapad ang aking ngiti nang makita ko ang mga positibong reaksyon nila. Tulad ng inaasahan, tuwang-tuwa ang mga Thilian sa nakikita nila. Ang iba sa kanila ay napaluha at hindi makapaniwala. Meron din nahagip ng aking paningin na ang mga matatanda ay nilahad ang kanilang mga palad sa kalangitan, dinadama nila ang sinag ng araw na dumadapo sa kanilang mga balat. Ang iba din ay dahan-dahan hinuhubad ang mga makakapal na balabal na kanilang suot. Natutuwa din ako sa mga batang masayang nagsisitakbuhan sa mga daan at kalye.

Para sa kanila ay isa itong himala.

"Ang saya nilang pagmasdan, my rose." masigla at galak na wika ni Otis sa aking tabi.

"Siya nga, mahal na prinsipe."

Marahan niyang hinawakan ang aking ulo at inilapit niya ito sa kaniya. Dinampian niya ng halik ang aking sentido. "Nakikita na nila ang pag-asa sa pamamagitan mo." masuyo niyang bulong sa aking tainga.

Sumulyap ako sa kaniya, wala akong pakialam kung sobrang lapit na ng muka namin sa isa't isa. "Hindi ko rin magagawa ito kung wala ang tulong mo, my rose." bahagya akong lumayo mula sa kaniya. "Sabay natin pagandahin pa ang Thilawiel, Otis."

Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Aasahan ko 'yan, my rose."

Malapit na kami sa Palasyo ay nakita namin ang paglabas ni Emperador Audrick, ang mga kapatid ni Otis na sina Prinsipe Mival at Prisipe Hadden. Including my ladies-in-waiting and Egos. Lumabas din ang lahat ng tagapagsilbi mula sa loob ng Palasyo. Lahat sila ay dinadama ang maganda at sinag ng araw.

Rinig ko na inutusan ni Otis ang malaking ibon na ibaba kami mismo kung nasaan ang mga tao sa Palasyo. Maingat lumapag ang malaking ibon sa mismong harap ng Imperial family. Nang tuluyan na kaming nakababa ay humarap na kami sa kanila pero nasa bisig ko pa rin ang tuta. Humarap kami sa kanila na may matatamis na ngiti sa aming mga labi. Kita namin kung papaano sila hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now