Chapter 153

788 42 9
                                    


Inayos nina Dilston, Calevi at Cederic ang ribbon bow na parte din ng kanilang uniporme. Nang nagbukas na ang pinto ng silid kung nasaan ang kinalalagyan nila ngayon ay pareho silang tumayo ng tuwid. Nang binalingan nila ang pinto ay tumambad sa kanila ang nakangiting si Bethany Black bilang pagsalubong sa kanila.

"Mukhang nakahanda na kayo," sabi nito sa kanila. May hawak itong folder. "Pasensya na kung natagalan, kinausap ko pa kasi ang branch manager."

"Ayos lang po... Ma'm Bethany..." si Dilston ang sumagot, may bakas pa na pag-aalangan, walang kasiguraduhan kung tama ba ang pagtawag niya sa babaeng kaharap nila. Sa katunayan ay ginaya lang niya kung ano ang naririnig niyang pagtawag ni Rini sa mga taong nagligtas sa kanila buhat na dumating sila sa mundo ng mga mortal.

Mahinang tumawa si Bethany. Mas humakbang pa ito palapit sa kanila. "Ngayon ay unang araw ninyo sa trabaho. Hayaan ninyong ako mismo ang personal na magtuturo sa inyo kung ano ang mga dapat ninyong gawin." gumawa pa siya ng sensyal na sundan siya ng mga ito. Nauna na din itong lumabas sa silid.

Nagpalitan ng pagtatakang tingin ang tatlong prinsipe, nagpalitan din sila ng tangi sa isa't isa bilang pagsang-ayon. Nagmartsa na din sila sa paglabas sa silid. Kahit na wala silang ideya kung ano ang ituturo sa kanila ay hindi rin nila maiwasan na ma-excite. Hindi nila akalain na may bago sila matutunan sa mundong ito, lalo na sina Dilston at Calevi, buhat na dumating sila dito ay gusto na nilang malaman kung ano ang pamumuhay na mayroon dito. Bukod pa doon ay nabubuhay din ang kuryusidad nila kung ano ang buhay na mayroon si Rini noon pero may parte din na labis silang nawindang lalo na't makita nila kung papaano manamit ang ibang kababaihan na kanilang nakikita o nakakasalubong.

Habang hinahatid din sila patungo sa lugar na ito ay hindi rin nila maiwasan na mamangha dahil sa mga matatayog na gusali na kanilang nadadaanan, mas malaki at mas mataas pa sa kanilang Palasyo na kanilang naiwan sa pinanggalingang mundo. Dagdag pa na mas maraming at kakaibang sasakyan na ang nakikita nila, napapaisip tuloy sila kung papaano nagawa ang mga bagay na 'yon at kung ano ang mahika ang ginamit upang mapaandar ang mga ito.

Pareho silang tumigil nang tumigil na din sa paglalakad si Bethany. Hindi rin maiwasang na gumuhit sa kanilang mukha ang pagtataka nang tumambad sa kanilang harap ang tatlong tao. Dalawang lalaki at isang babae. Pero bakit nakaramdam sila ng kakaiba sa mga ito? Tila naramdaman din nila ang pakiramdam na ito nang unang nilang makilala nila si Ramael.

"Siya nga pala, hayaan ninyong ipakilala sa inyo ang mga nagmamanage ng Cafe and Bar na ito. Sina Raziel, Primus at Lucille." masayang papakilala ni Bethany sa mga ito pero hindi makaligtas sa paningin niya kung ano ang reaksyon na ipinapakita ng tatlong prinsipe. "Alam kong nagtataka kayo kung ano sila... Well, tulad ninyo ay mga kakaiba din silang kapangyarihan."

Dahil d'yan ay naalarma sila sa rebelasyon na ipinahayag. "A-anong..."

"Si Raziel ay kalahating anghel at kalahating tao. Si Primus ay ang dating anghel (fallen angel), habang si Lucille naman ay isang succubus, siya din ang kapatid ni Ramael." dagdag pa nito.

Pakurap-kurap ang tatlong prinsipe. Sinisink in pa nila ang mga sinabi ni Bethany.

Kusang lumapit si Raziel sa kanila, nilahad ang isang kamay nito. Malapad ang ngiti sa kanila. "Kamusta kayo? Tawagin ninyo nalang akong Raziel. Nasabi sa amin ng mag-asawa na may importanteng bisita kami kaya inihabilin nilang maging mabait kami sa inyo. Huwag kayong mag-aalala, hindi kami nangangagat." saka ngumisi ito. Para bang welcome na welcome sila sa pagbati nito sa kanila.

"Iba ang inibilin ni Ramael kaysa sa sinasabi mo, Raziel." malamig na sabat ni Primus na nakahalukipkip. Lumipat ang tingin nila sa mga ito. "Ang sabi niya ay huwag na huwag mong turuan ng kabulastugan ang mga importante bisita dahil alam na alam kung ano ang mangyayari."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now