Chapter 102

1.1K 74 1
                                    


Hindi ko inaasahan na isang napakalaking selebrasyon pala ang magaganap ngayon dito sa Palasyo. Nasabi sa akin Ju Fen na mismo si Emperador Shan ang nagpahayag sa mamamayan ng Jian Yu ng aking pagdating. At sa araw na ito ay ipapakilala ako sa harap ng mga opisyal, lupon at mga pantas. Wala akong natatandaan na sinabi sa akin ni Ginang Yi tungkol sa bagay na 'to o sadyang hindi rin niya alam may kaganapan na ganito?

Dinala kami sa isang bukas na lugar kung saan gaganapin ang selebrasyon. Sayang lang at hindi ako nakarating ng araw na dumating si Prinsipe Ting Fe at nagbigay din ng engrandeng pagdiriwang ang mahal na emperador upang sa pagsalubong nito mula Azmar, sumali daw ang Jian Yu sa malaking paligsahan. Kaya kahit hindi man ito nanalo ay walang problema, iyon ay naalala ko sa sinabi sa akin ng isa sa mga punong babaylan. Sandali, siguro naman ay makikita ko din ang tatlong punong babaylan sa kasiyahan na ito kung sakali? Tama, kailangan ko silang mahanap at magpakita sa kanila upang kamustahin sila at hindi rin sila mag-alala dahil sa biglaang pagkawala ko.

Pero bago 'yan ay nilapitan kami ng isa sa mga tagapagsilbi ng Palasyo. Siya ang mismo ang naghatid sa amin kung saan kami uupo. Hindi ko lang inaasahan na uupo ako sa mismong tabi ng emperador! Kita ko pa kung papaano malapad ang kaniyang ngiti nang muli na naman nagkrus ang aming mga landas. Isang maliit na ngiti ang isinukli ko. Yumuko ako ng kaunti saka tuluyan nang umupo sa kaniyang tabi. Sabay na kaming tumingin sa aming harap. Pero ang hindi nila alam, lihim ko ako tumitingin sa mga myembero ng gabinete sa ilalim ng pamumuno ni Emperador Shan. Bago man kami tumulak dito ay itinanong at pinag-aralan ko kung sinu-sino ang bawat opisyal, lupon at mga pantas na madalas na pumupunta sa Palasyo sa oras ng deleberasyon.

Nalaman ko na nahahati sa dalawang pangkat ang mga ito. Hindi maiwasan na mayroon sa kanila na hindi magkasundo sa oras ng paghaharap nila kay Emperador Shan. Pero hindi ako maaaring maging kampante sa kanila. Nag nakausap ko nang sarilinan si Ginoong Yi, nasabi niya sa akin ang kakarampot na impormasyon tungkol sa nakaraan. Ang masaklap na trahedya ng kabataan ng naturang emperador kaya nabuo sa isipan ko na gagawan ko ng paraan upang mahanap ko kung sino ang mga taong may kinalaman dito. Kailangan ko matukoy kung sino ang mga ito hangga't hindi pa huli ang lahat.

Lumipas na ng ilang minuto ay nag-umpisa na ang pagtatanghal. Ipinakilala na sila daw mga grupo ng mga babaylan---na pinamumunuan ng tatlong punong babaylan! Pare-pareho ang kanilang suot bilang uniporme. Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa na ang kanilang pagsasayaw sa harap namin. Hindi ko mapigilang mamangha. Ito ang unang beses na makakita ako ng ganito kaganda na sumayaw, pakiramdam ko ay isang tao na nakakakapag-alala sa akin sa pagsasayaw na 'yan. Para bang may inaasam akong makita sa pagsasayaw na 'yan. Tila pamilyar sa akin ang bagay na 'to. Hindi ko lang matukoy kung ano at sino 'yon.

"Nagustuhan mo ba ang inihandog na pagtatanghal, Binibining Rei?" bigla ko narinig ang boses ni Emperador Shan sa aking gilid.

Mabilis na lumipat ang aking tingin sa kaniya. Suminghap ako bago nagsalita. "Hindi ko po alam na ganito pala kaganda ang isa sa mga tradisyonal ninyong sayaw, Kamahalang Imperyal. Nakakahalina sila sa aking paningin." pag-amin sa aking opinyon. Ibinalik ko ang aking tingin sa harap. Napalitan ng ekspresyon ng aking mukha, tila may ginugunita ako. "Pakiramdam ko po ay may bumabalik na alaala sa akin sa pamamagitan ng sayaw na 'yan. Tila may isang tao na kinahihiligan ang pagsasayaw... Na masaya siya sa kaniyang naabot na pangarap..." natigilan ako nang may napagtanto ako. Muli ako tumingin sa kaniya. "Paumanhin, sadyang hindi ko lang po mapigilan na sabihin kung ano po ang nararamdaman at naiisip ko, Kamahalang Imperyal."

Kita ko kung papaano mas tumamis ang kaniyang ngiti sa aking sinabi. "Naiitindihan ko, Binibining Rei. Iyon ang isa sa mga gusto ko, ang malaman ko kung ano ang tumatakbo sa 'yong isipan at walang paligoy-ligoy." sambit niya sa pamamagitan ng malumanay niyang tono. "Kung nakakaramdam ka ng hindi pagkakomportable, sabihin mo agad sa akin at maaari tayong umalis muna dito sa gayon ay sasamahan kitang magpahangin."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now