Chapter 47

2.3K 163 8
                                    


Tulad ng aking suhesyon sa Prinsipe ng Jian Yu, mismo si Ceola ang inatasan ko para ikonsulta kung ano klaseng sumpa ang dumapo sa Emperador ng Jian Yu. Syempre, hindi naalis is Cederic sa tabi ng magiging isa sa mga dukesa ng Cyan. Nakatatawang isipin na baka maagaw ang kaniyang mapapangasawa nang wala sa oras. Simula naging magkarelasyon ang dalawa, nagiging histerikal na si Cederic, lalo na sa nalaman nila tungkol sa nakasaad sa propesiya ng Jian Yu. Pero dahil sa papalapit na ang kasal ng nilang dalawa ay hindi sila maaari makaalis ng Cyan nang basta-basta. Sa halip ay nabalitaan ko lang na nagbigay ng nakakagamot na gayuma si Ceola, kung hindi man maalis ito sa isang iglap lang, kahit papaano ay mababawasan man ang iniindang sakit ng Emperador dahil sa sumpa.

Medyo nabawasan na ang problema ko dahil agad din ito nasolusyonan. Nakahinga na din ng maluwag kahit may naiwan pang mga kaso na dapat kong trabahuhin. Sa ngayon kasi, patuloy pa rin kami naghahanap ng mga bakas ng mga utak ng pagbebenta sa mga bata. Kailangan namin malaman kung saan nila ito dinadala---lalo na ang kanilang kuta. Naabutan ko na din kasi na patuloy pa rin kami nakakatanggap ng ulat ukol dito.

Napatingin ako sa hawla. Masayang humihuni ang ibon sa loob. Napukaw ng aking mata ang bato sa leeg nito. Natigilan ako nang may bigla akong napagtanto. Sumilay sa ngiti sa aking mga labi nang bigla ako nakaisip ng isang magandang ideya.

Nagmamadali akong umalis mula sa ibabaw ng aking kama saka mabilis ko dinaluhan ang hawla. Yumuko ako ng kaunti, dumapo ang mga palad ko sa magkabilang binti ko. Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita. "Otis?" mahina kong tawag sa kaniya."Gising ka pa ba, Otis? Abala ka ba? Gusto kita makausap..."

Bigo ako. Wala akong natanggap na sagot niya. Tumayo ako ng tuwid saka humalukipkip. Ngumuso ako. Mukhang hindi effective 'yong sinasabi niya sa akin. Pinagloloko niya yata ako, eh.

"My rose?"

Napasinghap ako sabay lingon sa balkonahe. Napasapo ako sa aking bibig nang amkita ko si Otis na nakatayo doon. Diretso ang tingin niya sa direksyon ko na may kasamang ngiti.

Agad ko siya dinaluhan. Nakaukit sa mukha ko na hindi makapaniwala na nasa harap ko na siya ngayon. So totoo nga ang sinabi niya sa akin na maaari ko siyag tawagin sa pamamagitan lang ng batong hiyas na nasa leeg ng canary? "Ang bilis mo." ang tanging kumento ko nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya.

"Ang totoo niyan ay papunta ako dito nang tinawag mo ako." pag-amin niya.

Kumurap ako. "Pupuntahan mo ako, bakit?" bigla ako nagtaka.

Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Dinampian niya 'yon ng maliit na halik. "Ilang araw na kitang hindi nasisilayan. Sabik akong makita ka. Wala naman sigurong masama kung gustuhin kong makita at mabisita ang mapapangasawa ko?" saka idinampi niya ang palad ko sa kaniyang pisngi. "Halos nanghihina ako sa tuwing hindi kita nakikita, my rose."

Lumunok ako ng matindi. Walangya ka talaga, Otis. Lumaklak ka ba ng sang katerbang asukal sa Palasyo ninyo at ganyan ka magsalita?

"Bakit pala ako pinapatawag ng aking Emperatris?"

Umiwas agad ako ng tingin mula sa kaniya. Marahan ko din binawi ang aking kamay. Dinaluhan ko ang railings ng balkonahe saka nagpangalumbaba ako doon. Tumabi siya sa akin saka ginaya niya kung ano ang ginagawa ko. "Balak ko kunin ang araw ng pahinga ko bukas." panimula ko. Well, kahit na kakabalik lang namin ng Cyan galing Thilawiel, pero hindi counted 'yon as my day off! It's part of my job as an Imperial family member! "Libre ka ba bukas?"

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Gulat na gulat siya. Teka, ang pagkaalam ko eh nabanggit ko na sa kaniya 'yon? Na pagkatapos ng birthday niya, ako naman ang mag-aaya sa kaniya na lumabas. "Hindi ako abala bukas, my rose." sagot niya sa huli.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now